19 Chapter 19

"Anong ina-OMG. mo riyan? At ano ang malaki?" Tanong ni Tanaga na hindi pa rin namamalayan na hindi pa niya naipasok si manoy sa loob ng kanyang pantalon.

"Yan po o'!" Sabay turo ni Ashley ng isa nyang daliri sa nakalantad na alaga ni Tanaga.

"Oh, Sh*t!" Sabay talikod ni Tanaga at inayos nya ang kanyang sarili bago humarap uli ke Ashley na namumula ang mukha sa hiya.

"Sorry about that! Di ko sinasadya. Wag mong isiping malaswa akong tao dahil wala akong anumang intensyon sa nangyari." Seryosong sinabi ni Tanaga sa dalaga.

"Naiintidihan ko po!" Sagot ni Ashley habang lihim na ngumingisi sa sarili.

"Puede mo ng tanggalin ang daliri mong kunwari ay nakatakip pero nakasilip naman," biro naman ni Tanaga na natatawa sa aksyon ng dalaga pero ang mukha ay nanatiling kalmante.

"Sya nga pala, magbihis ka at sasama ka sa akin. Me lakad tayo." Utos nya sa dalaga na wala man lang explanation. Pagtapos ay tumalikod para bumalik sa banyo at maligo.

Si Ashley naman ay naiwang nag-iisip habang nakatakip pa rin ang mga daliri sa mata. Dahan-dahan niya itong inalis at hinanap kung saan nakalagay ang kanyang maleta sa loob ng kwarto pero wala ito.

Tatanungin na sana nya si Tanaga nang makita ang na-iisang pintuan na di pa nya nabuksan sa loob ng kwarto. Isip nya ito ay pawang cabinet lamang at baka nandoon ang kanyang maleta.

Pero pagbukas pa lamang ay napamulat ng malaki ang mga mata ni Ashley sa laki ng dressing room ni Tanaga. Ito ay halos kasing laki ng buong ibaba ng bahay nila sa Pilipinas, kasama na ang kusina, banyo, hapag kainan at ang isang kwarto na kanyang tinutulugan.

"Wow! lang ha! Hanep sa yaman."Sambit ni Ashley sa laki ng paghanga.

Pumasok siya sa loob at dahan-dahang naglakad sa mahabang pasilyo. Habang ang kanyang kanang kamay ay isa-isang hinihimas ang mga material ng mga naka-hilerang damit pang-itaas ni Tanaga. Nang makaabot siya sa dulo, lumiko sya pabalik at ganoon pa rin ang ginawa, hinihimas naman nya ang ibat-ibang klase ng mga ternong suits. Habang sa baba naman ay makikita ang iba't-ibang klaseng mga sapatos.

Pagdating niya sa dulo malapit sa may pintuan, nakita nya ang kanyang mumurahing maleta na para bang isang kawawang sisiw na basang-basa at nag-iisa. "Eto ka lang pala, ano... Parang orphan ang feeling mo na kasama itong mga mamahaling gamit dito? Hindi lang naman ikaw eh, ako rin." Parang isang sira-ulo si Ashley na pati ang kanyang maleta ay kinakausap na niya.

'Magbihis daw ako at sasama sa kanya, saan kaya kami pupunta?' Isip ni Ashley habang hinalughog nya ang kanyang maleta at naghahanap nang disenteng damit na maisusuot.

Nang makita nya ang kanyang hinahanap, mabilis niya itong inilabas at tiningnang mabuti kung puede na. Isang pantalon na itim, blusang puti, at katernong jacket na itim din. "Puede ka na!" Sambit nya sa sarili. Pagkalapag niya nito, sapatos naman ang hinanap niya.

Bungkal dito, bungkal doon, pero hindi pa rin nya makikita ang sapatos na regalo sa kanya ng kuya Arman niya bago sya umalis. "Nasaan kaya yun?" Bulong ni Ashley sa sarili.

Mga ilang segundo na ang nakaraan at naibuhos na nya ang lahat ng laman ng maleta. Pero wala, at hindi pa rin nya makita ang hinahanap... Sumalampak na lang si Ashley sa lapag at nag-iisip. 'Pano ba ito? Alangan namang maglakad ako nang nakapaa. Ano ba yan?"

Ito ang naabutan ni Tanaga ng pumasok sya sa dressing room. Hindi niya lubos maisip kung ano na naman ang problema ni Ashley. Magtatanong na sana siya nang biglang tumayo si Ashley at napatingin sa kanya na para bang gusto syang lunukin ng buong-buo.

Sino ba naman ang hindi makakaisip na lunukin sya ng buong-buo, eh nakatayo sya sa pintuan na tuwalya lang ang suot at preskong-presko. Habang ang mga abs niya eh nakalantad na para bang si Hercules. Magpapasalamat na lang siya at wala pang karanasan si Ashley, kundi…

Kaya lang naman ganoon ang pagkatitig ng dalaga sa kanya eh dahil sa tanang buhay nya, ito pa lang ang pagkakataon na makakakita ng mala adonis na katawan. [Aber nga?]

Ang di alam ng dalaga na kitang-kita ni Tanaga kung saan sya nakatitig at naintindihan ang takbo ng isipan nya. Lalo namang pinaporma ng binata ang abs nya at pinagalaw pa ito para sa nag-iisang magandang audience nya. Matapos ang ilang minutong mala-adonis na presentasyon...

"Kung tapos ka na at ayos na tayo, puede na ba akong magbihis at nang tayo ay makaalis na?" Biro ni Tanaga na seryoso naman ang pagkakasabi.

Bigla tuloy natauhan si Ashley at dali-daling dinampot ang kanyang mga gamit sa lapag at isinaksak ng walang kaayos-ayos sa loob ng maleta. Sinarado ito at inilagay sa pinaka suluk-sulukan ng dressing room.

Nang sigurado na siya na hindi ito makakaabala sa paningin ni Tanaga, dinampot naman nya ang mga damit na isusuot niya sabay, "Excuse me, po! Makikiraan lang." Sabi ni Ashley habang nagmamadaling nakiraan at pumunta sa banyo upang doon mag bihis.

Pagkatapos ni Ashley na magbihis, ipinusod nya ang kanyang mahabang itim na buhok at siniguradong wala kahit isang hibla ng buhok nya ang nakalaglag. Tiningnan nya munang maigi ang sarili sa salamin bago kinuha ang isang lipstick at naglagay sa kanyang labi. Sabay na sinabi nya sa kanyang refletion sa salamin, "Ayos!" habang naka-thumbs up.

Paglabas ni Ashley sa banyo, napansin niyang umalis na pala si Tanaga at nauna nang lumabas. Dali-dali nya munang inayos ang hinigaan para walang masabi ang mayordomo. Nang sigurado na sya na maayos na uli ang itsura ng kwarto, saka pa lamang siya lumabas para hanapin kung nasaan si Tanaga.

Sa tulong ng isang maid, natagpuan ni Ashley si Tanaga sa may swimming pool na kumakain ng almusal. Lalapitan na sana niya ang binata nang maisipang amo niya ito at baka maistorbo.

Dahil kumakalam na ang sikmura ni Ashley, naisip niya na pumunta muna sa kusina at mag tanong kung saan ang kainan ng mga kasambahay. Patalikod na sana siya upang pumunta sa kusina nang marining niya ang boses ni Tanaga...

"Anong tinatayu-tayo mo dyan? Baka naman gusto mong buhatin pa kita papunta rito. Dalian mo na't kumain ka na, male-late na tayo!" Pasigaw na sinabi ni Tanaga na para bang iritang-irita na sya sa dalaga.

Walang nagawa si Ashley kundi sumunod sa sinabi ni Tanaga at nagmamadaling lumapit at umupo para kumain. Pagkatapos maupo, dumating ang isang katulong na may dalang tray ng pagkain para sa kanya. Lumaki ang mata ni Ashley sa dami ng pagkain na nasa plato.

May dalawang pritong itlog, tatlong piraso ng sausage link, dalawang slice na tostadong tinapay, at isang mangkok na prutas. Sa tabi ay isang basong gatas, at isang basong tubig.

Pagkalapag ng katulong ng plato sa harapan ni Ashley, sabay tanong. "Me kulang pa po ba, Mam?"

'Eh! Kelan pa ako nagiging Mam?' Takang-taka na iniisip ni Ashley habang nakatingin siya kay Tanaga. Pero walang pakialam ang binata at diresto lang kumain at panay ang subo ng walang patid.

"Mam, kung wala na po kayong kailangan eh babalik na po ako sa kusina," sabi anya ng katulong kay Ashley...

Si Ashley naman ay napatulala lamang dahil hindi malaman kung ano ang isasagot...

avataravatar
Next chapter