182 Chapter 182

Pagkatapos ni Ashley makipagusap sa sekretarya, naghanda na siya upang bumalik sa opisinia ni Koji at baka may appointment ito at nagaantay sa kanya. Nang palabas na si Ashley ng opisina ni Tanaga, siya namang dating ng dalawang maria na ang ganda pa ng tawanan at kwentuhan.

Nakita nila si Ashley habang papasok sila sa opisina ng mga junior secretaries, pero ni hindi man lang nagbigay galang sa kanya. Dire-diretso lang ang mga ito at hindi man lang itinago na nakita si Ashley. Tumitig pa bago umupo at nagsimula ng magtrabaho.

Si Fumika na nagtatrabaho na ay tumayo at nagbigay galang uli kay Ashley ng makita niya itong dumaan. "Sige po ma'am! Ingat po kayo. Kami na po ang bahala dito, kung merong kailangan mong malaman ay itatawag ko na lang po sa inyo." Sabay yuko nito bilang pagrespeto.

"Thank you!" Sagot ni Ashley habang nakatingin ito sa dalawa na hindi man lang siya binati.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter