180 Chapter 180

Tamang tama naman na ka baba pa lang ni tatay Jessie ng telepono. Nag light up na naman ang phone ni Ashley. This time, facetime naman at alam ni Ashley kung sino ito...

Mabilis na inislide ni Ashley ang daliri niya at bumungad ang mukhang pagod na pagod na mukha ng asawa. Bigla tuloy kumirot ang puso ni Ashley at naawa sa itsura ni Tanaga. Pero hindi niya ito ipinahalata at pinilit pa rin niyang lagyan ng napaka-gandang ngiti ang kanyang labi.

"Hi!" Aniya ni Ashley habang kumakaway kaway pa siya kay Tanaga na parang bata.

"Hi! ka rin!" Sabay hikab ni Tanaga at halatadong antok na antok na dahil namumungay ang mga mata. 

"Bakit tumawag ka pa? Dapat ay natulog ka muna at nagantay na pag-gising mo saka ka tumawag. Tingnan mo, halos hindi mo na maibukas ang mga mata mo!" Ang boses ni Ashley ay may halong nagaalala at galit. Habang ang kanyang mga mata ay parang maiiyak na dahil sa kanyang nakikita.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter