17 Chapter 17

Paglabas ni Tanaga sa banyo, sya ay napaupo ng biglaan sa lapag habang hawak-hawak nya ang kanyang dibdib dahil ito ay naninikip at hindi sya makahinga.

"Ano ba 'to, para naman wala akong karanasan sa babae. Hindi ito ang kaunana-unahan kong nakakita ng babaeng hubo't-hubad. Ba't ganito kabilis ang kabog ng puso ko?"

Nang mahimasmasan si Tanaga ng kaunti, bigla nyang naalala si Ashley na nakasalampak sa lapag ng banyo. Bigla tuloy siyang natakot na baka napatama ang kanyang ulo sa simento at nabagok.

Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Tanaga at dahan-dahang sumilip uli sa banyo. Una muna ang kanyang ulo, sabay tawag nya sa pangalan ni Ashlley. "Ashley! Ashley! Okay ka lang ba? Magsalita ka kung ok ka lang para 'di ko na kailangang pumasok pa!" Pasigaw nyang sinabi.

Nang mga ilang sandali na ang nakaraan at wala pang sumasagot, unti-unti nyang binuksan ang pintuan ng banyo at tuluyan na muling pumasok. Ang laki na lang ng takot niya nang makita nyang ang dalaga ay nakabulagta pa sa lapag. "Oh, my god! Baka nabagok ang ulo nya?!" Sabi ni Tanaga sa sarili sabay hatak ng tuwalya na nakasabit sa likuran ng pintuan ng banyo.

Nagmamadali syang takpan ang katawan ni Ashley para di ma-e-expose sa lamig ang hubad na katawan ng dalaga.

Tapos tiningnan niya kung humihinga pa at kung may nangyari sa ulo ni Ashley. Nang masigurong walang mga sintomas na masama at humihinga pa, dali-dali niya itong binuhat at dinala sa kwarto at inilagay sa kama. Hindi inaasahan ni Tanaga na magigising ang dalaga nang mailatag nya ang katawan nito sa malambot na higaan.

Bigla itong yumakap sa leeg ng binata at hinalikan ito ng mariin at humahalinghing pa. "Ohhh, ang sarap, parang candy sa tamis..." sambit ni Ashley habang hinalikan din ang labi ni Tanaga.

"Ashley! Ashley, Ashley...!" Sabay tulak nya ng dahan-dahan sa dalaga. "Hindi mo alam ang ginagawa mo, dahil lang ito sa gamot na nainom mo, tigilan na natin ito, Ashley..."

Nagulat siya nang biglang sumagot si Ashley na parang lasing, pero matino. "Anong gamot, wala naman akong sakit, bakit ako iinom ng gamot? Diba ito naman ang gusto mo, ang gumawa tayo ng taga-pagmana mo? Bakit di pa natin simulan ng maka-uwi na ako kaagad sa pamiliya ko."

*Huh, huh, huh, huh...* Biglang iyak ni Ashley at sinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Tanaga. "Huh, huh, huh..- Kung makakabuo tayo ngayong gabi, di tamang-tama sa siyam na buwan lang eh manganganak na ako. Ang pag-kakaalam ng magulang ko ang kontrata ko ay isang taon lamang. So, I know na mag-aantay sila pagdating ng araw na yun at iisipin nila na darating ako.

"So... Puede bang simulan na natin?" Pakiusap ni Ashley habang panay pa rin ang hagulhol sa dibdib ni Tanaga.

"Hindi! Ako ang magsasabi kung kelan natin ito gagawin. Hindi ikaw ang mag de-decide nito. Naiintindihan mo ba?" Pagalit na sinabi ni Tanaga, sabay inilayo uli is Ashley sa kanya at tumayo.

"Simula ngayon, mag-antay ka kung kelan ko gustong gawin ang bagay na pinag-uusapan natin. Kung kelan yun... Ako lang ang nakakaalam!" Sabay talikod at umalis si Tanaga palabas ng kwarto at sinaradong pabagsak ang pintuan.

"Utusan mo si manang na dalhan ng pangtulog si Ashley. Matapos mabihisan ni manang, pabayaan mo syang diyan lang matutulog sa kwarto ko." Utos ni Tanaga sa Mayordomong nasa may pintuan lang pala at kanina pa nakikinig kung ano ang nangyayari sa loob nang kwarto.

Naka-ilang hakbang na si Tanaga papunta ng guest room, nang lumingun uli siya at tinawag ang papaalis na mayordomo para puntahan si manang.

"Sya nga pala! Dalhin mo ang maleta nya sa kwarto ko. Simula ngayon, doon na sya matutulog sa tabi ko!" Pasigaw na inutos ni Tanaga sa Mayordomo.

Mayordomo: "Ganon? Sinabi mo eh! Sino ba naman ako para humindi."

avataravatar
Next chapter