16 Chapter 16

Nanglaki ang mga mata ni Tanaga sa nakita niya sa loob ng banyo. Si Ashley ay nakatayo na nakahubo't hubad sa loob ng bathtub na para bang siya ay si Eva nang kapanhunan pa ni Adan. Habang sya ay sumasayaw ng kaakit-akit ay dahan-dahan naman niyang hinihimas ang kanyang katawan at mga braso.

Ang kanyang itsura ay sobrang kahali-halina na para bang may lubid na humihila kay Tanaga palapit sa dalaga na hindi niya namamalayan. Maya-maya pa ay nasa harapan na siya ni Ashley at tumataas and kanyang mga kamay na papalapit sa katawan ng dalaga.

Wala na sa kanyang sarili si Tanaga. Ang init ng katawan na nararandaman ang siyang kanyang pinakikingan. Kung si Ashley ay wala sa katinuan dahil sa drugs na nainom, si Tanaga naman ay dahil sa init na kanyang nadarama.

Malapit na sanang mahawakan ni Tanaga ang mala-monay na puwetan ni Ashley nang biglang humarap ang dalaga at bumungad sa mukha ni Tanaga ang 'Perlas ng Bayan' buhok na napakaitim ang tumatabon sa kayamanan ni Ashley na pinaka-iingat-ingatan.

Nang ito ay lumantad kay Tanaga, biglang tumigil ang kanyang paghinga at bumilis ang tibok ng kanyang mga puso, na para bang mga kabayong Mustang na tumatakbo nang 200 miles per hour.

*Kabog, kabog, kabog....* Sabi ng puso ni Tanaga.

Habang si Ashley naman ay biglang ngumiti ng pagkaganda-ganda nang makita niya sa harapan ang isang napaka-gwapo at mala-anghel na si Tanaga. Lalo syang nag-iinit at biglang siyang yumuko at yumakap habang palandi niyang hinimas ang mukha ng binata.

"Uhmm, napaka-gwapo, ang kinis na parang puwet ng baby," sabay bigla nyang inilapat ang kanyang mga labi na dinidiin ng husto at pilit na pinapasok ang kanyang mga dila para malasahan ng maigi kung gaano ito katamis.

Si Tanaga na napangangang bigla ay walang nagawa nang halikan sya nang dalaga. [ Lip's to lips talaga ha!] Tinanggap niya ng buong-buo at hinalikan na rin nya nang palaban ang dalaga.

'Mangyari na ang mangyayari, pero talagang napakasarap,' isip ni Tanaga.

Habang silang dalawa ay parang manok na nagsasabong at panay ang tukaan. Hindi maubos maisip ni Tanaga kung ano nga ba ang meron si Ashley na wala ang ibang babaeng nakakasalamuha niya sa araw-araw.

Doon lang sa loob opisina niya, puno ito ng mga magagandang babae na halos magkandarapa para lang pansinin niya. Pero, ni minsan ay wala siyang naramandaman na kung ano man, kahit katiting. That's why sometimes, naiisip ni Tanaga na baka...- baka lang naman, na bakla sya at hindi lang niya alam.

One day nga, in order to make sure na kung bakla sya or straight. Pumunta sya sa isang gay bar at tumambay. However, kahit anong gawin nya...- wala rin siyang narandamang kakaiba.

Until, now... Eto na nga, para siyang na-eengkanto at hindi niya mapigilan ang sarili at nakikipagtukaan sya na para bang wala ng kinabukasan at ito na ang huling araw nya sa mundo. Habang si Ashley naman ay wala pa ring katinuan sa sarili.

'Oh, Shit! Ano itong ginagawa ko? Hindi tama 'to, panghahalay na ito kung tutuusin.' Biglang pumasok sa isipan ni Tanaga at bumitiw ng tuluyan sa dalaga na medyo malakas. Buti na lang ay may silicon na cushion na nakapalibot sa mamahaling bathtub at nang madulas si Ashley, sya ay para lang natumba sa malambot na kama.

Kaya nga lang, sya ay napa-upo at sa pagkalapag naman, ang mga binti nya ay nakabukaka. [Ang Perlas ng bayan, ay naka-bilat-lat na parang daing na nakabilad.]

Buti na lang sabay tumalikod ang ginawa ni Tanaga pagkatapos niyang binitawan si Ashley at lumabas ng banyo na para bang hinahabol na sya ni kamatayan. Hindi nya tuloy nakita ang itsura nang dalaga, kung hindi ay baka... Ito ay pumalit sa History na ang mangyari ay lumagpak ang bandera ng Pilipinas na walang kalaban-laban sa Hapon....

Sa susunod uli....

avataravatar
Next chapter