15 Chapter 15

Sinigurado muna ni Tanaga na naka-kandado ang pintuan. Pagkatapos ay bumalik siya sa banyo at tiningnan kung ano na ang kalagayan ni Ashley. Kinailangan niyang ilagay ang dalaga sa bathtub na puno ng malamig na tubig at yelo upang mahimasmasan ito sa apoy na nararandaman ng kanyang katawan.

Habang naglalakad si Tanaga papasok sa banyo, iniisip niya kung ano kaya at nakainom din sya ng kung anong nainom ni Ashley...- Meron na kayang nangyari sa kanila? Napangiti sa sarili si Tanaga sa iniisip nya at napailing na lang sa sarili.

Ang hindi inaasahan ni Tanaga ay ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa banyo. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita, dahil si Ashley ay hubo't hubad at wala man lang kahit anong saplot sa katawan. Ang mga damit na suot ay natanggal na niyang lahat sa ilang sigundo lang na nawala si Tanaga.

"Ay! Diyos ko po, Santa Maria!" Laking gulat niya sa kanyang nadatnan.

Hindi tuloy malaman ni Tanaga kung tatalikod ba sya o titingin. Sa kadulu-duluhan ang nanaig ay ang kanyang pagka-lalake at lumapit pa siya para maniguradong makitang maigi ang kagandahan ng katawan ng dalaga na hindi nito namamalayan dahil nagdidiliryo pa rin.

"Ahhhh, Ohhhh! Ano ba 'to, bakit ang init-init...- Ummm, kailangan kita, tulungan mo ako please!!!" Malandi na pananalita ni Ashley na wala sa kanyang sarili.

Si Tanaga naman ay parang sinisilihan at nag-iinit na rin ang katawan ng dahil sa halinghing ng dalaga na para bang malapit...-lapit na siyang makarating ng "langit", o' baka "impyerno"?

Depende kung ano ang gawin ni Tanaga sa kanya kung saka-sakali.

Unti-unti na palang umuusad si Tanaga at bumibigay na ang kanyang mga kamay nang hindi namamalayan. Ilang sandali lang ay naabot ni Tanaga ang mga kamay ni Ashley na nag-aanyaya sa kanya at humihingi nang tulong.

Habang hawak ni Tanaga ang mga kamay ni Ashley, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa makutis na katawan ng dalaga na nakalantad sa harapan niya, hindi nya tuloy namamalayan na si 'manong' sa loob ng pantalon niya ay nakatayo na pala na parang poste ng meralco. Bigla tuloy napatawa sa sarili si Tanaga at dali-daling binitawan ang kamay ni Ashley at lumabas ng banyo.

Mabilis niyang isinara ang pintuan at umupo sa kama para mag mag-isip kung ano ang dapat niyang gawin. "Kung sakaling me mangyari sa amin, okay naman dahil nasa kontrata ito. Pero tama bang gawin namin ito habang wala siya sa sarili niya? Pero kung matino naman ang pag-iisip niya, masikmura niya kayang gawin ito? Ano ba ito?!!!" Sambit ni Tanaga sa sarili.

Habang si Tanaga ay nag mumuni-muni, si Ashley naman ay palakas ng palakas ang halinging. Ang boses niya ay kaakit-akit na para bang magneto na humahaltak kay Tanaga at hindi na niya mapipigilan ang sarili sa pagtayo at muling pinuntahan si Ashley sa banyo...

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng banyo. Ipinasok niya muna ang ulo at sumilip kung ano na ang sitwasyon ni Ashley.

Biglang lumaki na kasing-laki ng platito ang mga mata ni Tanaga at bumagsak sa sahig ang kanyang mababang panga sa nasaksihan na ginagawa ni Ashley…

avataravatar
Next chapter