159 Chapter 159

"Ano kamo? Paki ulit mo nga ang sinabi mo?  Nabingi yata ako ah!"  Aniya ni Arman na ka facetime ni Ashley sa kabilang line.  Dahil busy ang ina sa pagluluto, ibinigay na muna ang telepono kay Arman na kararating lang galing sa trabaho.

"Kuya Arman naman!  Niloloko mo yata ako eh!  Ang liwa-liwanag ng sinabi ko na may pagtingin sa akin si Tanaga!  Anong malabo doon?"  Nakasimangot at nakanguso si Ashley habang ka facetime ang kapatid.

"Sinasabi ko na nga ba eh!  Hindi ako makapaniwala na ganoon ako ka swerte na instant General Manager kaagad ang ibibigay sa akin, kung walang kapalit.  Ikaw pala ang pinupuntirya niya!"  Galit na sinabi ni Arman habang dala dala ang telepono upang magsumbong sa ina.

"Inay, inay!  Pakingan nyo po itong anak nyong bunso... May malaki tayong problema!"  Aniya ni Arman sa ina na busy sa paggigisa.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter