157 Chapter 157

Pagkatapos ng tatlong kumain, nag-tulungan silang linisin ang kanilang pinagkainan.  Kahit na anong tangi ng dalawa na wag ng tumulong si Ashley sa kanila, wala pa rin silang nagawa ng ginamitan sila ni Ashley ng power... 

"Sino ba ang boss sa atin?  Diba ako!  Ngayon dapat ako ang masunod, diba?  Gusto kong tumulong, so wag nyo akong pigilan."  Nakapamewang at nanlalaki ang mata ni Ashley na sinabihan ang dalawa na pilit kinukuha ang plato sa kamay niya.

Wala ng nagawa pa ang dalawa kundi pabayaan na lang si Ashley.  Kaya mabilis silang natapos at nalinis ang pinagkainan.  

"Manong Tiny, meron po bang Filipino Channel dito?"  Tanong ni Ashley habang papasok siya sa kwarto upang tumawag kay sa pamilya sa Pilipinas.

"Wala po ma'am!  Pero kung gusto nyo po ay mag subscribe tayo.  Ano po ang gusto nyo, yong buong package?"  Sagot pabalik ni Tiny na nasa kusina pa at inihahanda ang basura upang itapon.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter