150 Chapter 150

"Manong Ruffy naman!  Bakit ka sumisigaw, eh lalo tuloy ako hindi makaisip kung ano ba ang tamang sagot?"  Sagot ni Inday na lalong ikinagalit ni manong Ruffy  

"Boing!" Tinapik ni manong Ruffy sa ulo ng hindi naman kalakasan si inday.  "Ikaw na bata ka, nakakaloko ka yata eh!  Bakit mo pa pag-iisipan kung ano ang tamang sagot?  Simple lang ang tanong ko!  Me sanitary napkin ka bang nakita kapag naglilinis ka ng banyo nila?  Anong kailangan mong pag-isipan sa tanong ko?"  Asar na asar na sigaw ni manong Ruffy kay Inday.

Napaisip tuloy uli si Inday, bago... "Sa totoo lang po ay meron po akong nakita minsan, pero hindi po ako sigurado... Iyon po ang ibig kong sabihin.  Wag po kayong mag-alala, simula ngayon ay titingnan kong maiigi at i-report ko sa inyo kaagad!  Pangako po!" Aniya ni Inday na halatado na takot kay manong Ruffy.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter