14 Chapter 14

Biglang lumapat ang mga labi ni Tanaga sa nakaka-akit na labi ni Ashley. Noong una, balak lang sana niyang tuksuhin ang dalaga, pero nang tinanggap nito ang kanyang mga halik nang walang pag-aatubili, lumakas ang kanyang loob at bumigay na rin sa kanyang nararamdaman.

Habang sa pag-iisip naman ni Ashley ay isa lang itong panaginip. Kaya naman tinanggap niya ito nang buong-buo at sumabay sa nag-aapoy na halik ni Tanaga. Dahil bigay na bigay ang dalaga at nakikipaglaro pa, hindi na nag-alangan si Tanaga at dahan-dahan siyang hiniga sa sofa habang ang mga labi nila ay mainit na mainit na naghahalikan pa rin.

"Ahh! bakit ang init?" Tanong ni Ashley habang kitang kita ni Tanaga na pawis na pawis ang dalaga at para bang sya ay nagdidiliryo at wala sa sarili. Biglang napatayo at natauhan si Tanaga sa kanyang nasaksihan.

Tinapik-tapik niya ang mukha nang dalaga, "Ashley... Ashley..." Nang hindi pa rin bumabalik sa sarili si Ashley, biglang sumigaw si Tanaga... "MAYORDOMO!!!"

"Sir! Me kailangang po kayo?" Tanong ng mayordomo na nasa labas lang pala nang pintuan at nakikirandam kung ano ang nangyayari sa loob ng opinisa.

Anong tinatayu-tayo mo dyan, ihanda mo ang bathtub na puno ng tubig na malamig, lagyan mo ng maraming yelo, ngayon din!" Sigaw ni Tanaga habang binubuhat niya si Ashley na parang isang prinsesa.

"Sir, sa kwarto nyo po ba o' sa kwarto niya?" Tanong ng malisyoso at tsismosong mayordomo.

"Pag hindi ka umalis sa harapan ko ngayon din at sundin ang utos ko, maghukay ka na ng paglilibingan mo at hindi ka na aabutin pa ng kinabukasan. Naiintidihan mo ba?!"

"Sir, naman! Gusto ko lang namang makatulong eh!" Sabay alis ng pakialamerong mayordomo para maghanda ng malamig na tubig para pagbababaran sa dalagang nakainom ng gamot na pang-pagana. [ aphrodisiac].

===

Ang nakaraang pangyayari bago ito naganap:

Si mayordomo ay nakaisip na tulungan ang kanyang among walang kahilig-hilig. Sa dinami-dami na ng mga babaeng nagtangkang pikutin siya, wala kahit isang nagtagumpay. Yung huling isang sikat na artista na bumisita para akitin si Tanaga ay nagdala pa ng pang-pagana. Ang kaso, nahuli ni mayordomo at kinumpiska. Biguan tuloy na umuwi ang na artista at luhaan pa.

Napag isip-isip ng mayordomo na tulungan ang dalawa at nilagyan niya ng kunti lang ang inumin para lang makarandam ang dalawa ng kaunting pagnanasa sa isa't-isa. Malay niya ba na hindi tinablan si Tanaga at ang dalaga naman ay hindi pala kaya at madaling tinamaan.

Kung alam lang ni mayordomo, eh di sana ay sinampung tapang na lang nya ang paglagay sa inumin ni Tanaga. Too late na, dahil alam niya na masesermonan siya pag naayos na ang kalagayan ni Ashley...

===

Sa kwarto ni Tanaga ginawa ng mayordomo ang utos sa kanya. Iniisip niya na may pag-asa pa kahit konti. Kung saka-sakali mang merong mangyari sa kanilang dalawa at ito ay magbunga, ayos lang dahil ito naman ang nasa kontrata. Kaya naman pasipul-sipol pa ang mayordomo habang ginagawa ang utos sa kanya...

"Sir! Tapos na po! Kung wala na po kayong kailangan, sa labas lang po ako at mag-antay sa tawag niyo," sabi ng mayordomo kay Tanaga na hindi man lang siya pinansin at dire-diretso sa banyo para mailagay si Ashley na nawala na sa kanyang sarili at panay ang halik sa leeg ni Tanaga...

"Lock mo ang pinto paglabas mo!" Sigaw ni Tanaga na halos hindi na makahinga sa kapipigil sa kanyang nararandaman...

"Your wish is my command, Sir!" Sabi ni mayordomo nang pabulong sa sarili habang lumalabas sa pintuan at pinindot ang pang lock.

"Click!"...

Ano kaya ang mangyayari sa dalawa pagkaalis ng pakialamera at tsismosong mayordomo?

Abangan:...

avataravatar
Next chapter