146 Chapter 146

Na dahil nagkaintindihan na ang mag-asawa, pareho silang naka hinga ng maluwag ang ginanahang kumain.  Asikasong asikaso ni Ashley si Tanaga dahil feeling niya ay responsibility ito ng isang mabuting asawa.

Dahil wala sila sa opisina, sila ngayon ay mag-asawa.  Isa sa responsibilidad ng mapagmahal na asawa ay ang asikasuhin ang kanyang asawa...  Dahil ito ang nakamulatan na ni Ashley na ginagawa ng kanyang ina sa kanyang ama.

Kahit pagod na pagod si nanay Fely sa maghapong pag-titinda sa palenke.  Pag-uwi niya ng bahay ay magluluto siya kaagad ng hapunan para pag-umuwi ang kanyang pamilya ay handa na.

Sa hapak kainan, tuwing ang ulam nila ay isda, sinisigurado ni nanay Fely na walang tinik ang isusubo ni tatay Jessie.  Kahit nga minsan ay nagtatalo na ang mag-asawa dahil umaangal si tatay Jessie na hindi na siya bata.  

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter