144 Chapter 144

Si Ashley na nung una ay pipigilan sana si Tanaga, ay biglang nagbago ang isip at pinabayaan na lang ito.  'Ganito ba talaga ang mga Japanese, ang aangas nilang masyado.  Ang akala ko pa naman ay marespeto sila dahil palagi nalang yumuyuko at nagbibigay galang... Yun pala eh grabe rin ang ugali pag nagkaroon lang ng konting position.'  Sa isipan ni Ashley habang nag-aantay siya kung ano ang gagawin ng mas-maangas pa sa kanilang lahat.

Si Tananga naman ay nagpasyang ang H.R. na lang ang maghandle sa kitchen manager.  Tumingin siya kay Ashley, at ya-ya-yain na sana niya na umalis, ng... "Krrg... krrrg!"  Sabi ng tiyan nya.

"Hahaha!  Iyan ang napapala mo dahil hindi ka siguro nag-almusal ano?"  Tanong ni Ashley habang ang ganda ng kanyang ngiti.  "Tara na nga at ako'y gutom na rin, treat mo na lang ako sa labas.  Hindi ko rin naman type ang mga pagkain dito."  Aniya ni Ashley habang ang lambing lambing ng kanyang boses.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter