13 Chapter 13

Pagkaalis ng matandang tsismoso- I mean, mayordomo, nilapag ni Tanaga ang tray sa end-table bago kinuha ang isang basong inumin at inabot kay Ashley.

"Inumin mo muna ito bago tayo magpatuloy ng pag-uusap. Nag-aalala ako sa kalusugan mo. Meron ka bang sakit na kailangang kong malaman? Importante 'to sa magiging ina ng aking taga-pagmana."

"Wala po! Since bata pa po ako, ubo't lagnat lang po ang naging sakit ko. Yun lang po!" Mabilis na sagot ni Ashley.

Habang nagsasalita si Ashley, seryosong nakatingin si Tanaga sa kanya at malalim ang iniisip nito. Actually, walang ideya ang binata kung papaano sisimulan ang topic tungkol sa pagsisiping nila. Kaya lang ang pananhimik nya ay lalo lang nagpapanerbyos kay Ashley dahil sa sobrang pagkatitig nito.

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin sila nagkikibuan. Ang tanging naririnig sa loob ng opisina ay ang Grandfather's clock na nasa sulok. *Tik, tak, - Tik, tak* Habang ang orasan ay panay ang tik-tak, ganoon din ang puso ni Ashley na para bang sumasabay sa takbo ng orasan. Kaya tuloy panay rin ang haplos niya sa kanyang dibdib.

Lingid sa kaalaman ng dalaga ang aksyon nyang ito ay isa sa mga bagay na ikina-iirita ni Tanaga sa kanya. Sa oras na ginagawa nya ito ang pakiwari ni Tanaga ay takut na takot si Ashley sa kanya.

Sa wakas, naiisipan din ni Tanaga na magsalita. "Sige! Pag-usapan na natin kung ano ang nakasaad sa kontrata na pinirmahan mo." Medyo parang galit ang kanyang pananalita, kaya naman umupo ng diresto si Ashley at ibinigay lahat ng kanyang attention kay Tanaga.

"Una, kailangan ko munang malaman ang lahat tungkol sa pagkatao mo? Pangalawa, kailangan ko ring malaman kung meron ka ng karanasan? Pangatlo, mga sakit na maaring manahin na galing sa pamilya mo, at pang apat..." Habang si Tanaga ay nagbibilang ng kanyang mga katanungan, si Ashley naman ay hangang-hanga sa kagwapuhan ng lalaking nasa harapan nya. Parang ngayon lang nya namalayan na napakagwapo pala ng boss nya.

Wala sa mga sinasabi ni Tanaga ang laman ng utak ni Ashley, kundi pagnanasa at nag-imagine kung ano ang itsura ni boss gwapo kung ito ay nakahubad...

'Masarap kaya syang humalik? Yung tunay na halik at hindi dampi lamang katulad ng nangyari kanina?'

Napakalayo na nang narating ng imahinasyon ni Ashley kaya naman hindi niya namalayan na tumigil na palang magsalita si Tanaga.

Nang ma-realize ni Tanaga na hindi nakikinig ang dalaga sa kanya, winagayway ni Tanaga ang kamay nya sa harapan ng mukha ni Ashley para malaman kung tama ang hinala niya.

"Ahsley! Ashley!! Hellooo, Ashley!!!!?"

Nang hindi sumagot ang dalaga, dahan-dahang tumayo si Tanaga at inusog ang lamesa paatras, sabay umupo dito para nasa harapan niya mismo ang dalaga, na ngayon ay para bang naengkanto at wala sa sarili.

Sinubukan nya uli itong tawagin, pero hindi na ang kamay nya ang ginamit. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga at dahan-dahan niya itong tinawag na halos magkalapat na ang kanilang mga labi...

"Ashley... Earth to Ashley... Nasaan ka na? Ako ba ang nasa isip mo? Ashleeeey...?" Malambing na sinasambit ni Tanaga ang pangalan ng dalaga na hindi pa rin natatauhan.

Si Ashley naman ay napakalayo na nang narating ng kanyang imahinasyon...

'Si Tanaga daw ay tinatawag ang kanyang pangalan ng napakalambing, at palapit na ng palapit ang kanyang mga labi para sya ay halikan.

Dahil ito ang kanyang imahinasyon, hindi nya na-realize na ang kanyang mga labi ay ini-imbita si Tanaga na halikan siya...

Kaya laking gulat na lamang ni Ashley nang…

avataravatar
Next chapter