137 Chapter 137

Ang buong kwarto ay wala man lang kalaman-laman.  Mukhang hindi pa si Ohani nakakalipat sa unit na iyon.  Hindi na tuloy malaman ni Tanaga kung ano ang gagawin, dahil hindi niya alam kung saan naninirahan si Ohani?  Inilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang pinsan niya na si Kai.

Mabilis namang sinagot ni Kai ang kanyang tawag.  "Yes, boss!  What can I do for you?"  Masayang bati ni Kai.

"Nasaan ka?"  Iyon lang ang sinabi ni Tanaga.  Ni hindi man lamang niya binati pabalik ang pinsan.

"Nandito sa condo ko.  Bakit mo naitanong?" Nagtataka si Kai kung bakit gustong malaman ni Tanaga kung nasaan siya?  Pero hindi niya ito ipinahalata at nag-antay lang siya sa sagot nito.

"Alam mo ba kung saan nakatira si Ohani ngayon?  I'm sure you do!  Since ikaw ang nagdala sa kanya dito galing ng America. " Maangas na sinabi ni Tanaga at mukhang galit ang boses.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter