135 Chapter 135

Habang nakabukas ang pintuan, sumilip muna si Tanaga at tiningnan kung merong ibang tao sa loob.  Nang makasigurado na siya na wala' pumasok na siya ng diretso at sinimulang pag-bubuksan ang mga cubicle sa loob.

"Ashley!  Ashley!  Ashley!"  Inisa-isa niya lahat ng cubicle making sure na wala doon si Ashley.  Takot siya na baka nahimatay ito or something.  Dahil wala ni anino ni Ashley, nagbago na naman ang ihip ng hangin at sumama ang itsura ng mukha ni Tanaga habang papalabas ito ng banyo.

"Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon?"  Bulong ni Tanaga sa sarili habang ang kanyang noo ay nakakunot at mataas na ang kanyang kilay na pwede ng gawing sampayan. 

Sige ang bulong ni Tanaga sa sarili habang papalabas ng pintuan.  Nagmumukha na tuloy siyang me kulang dahil kinakausap niya ang sarili.  "Ano na naman ba ang ginawa ko at nilayasan niya ako ng walang paalam?  Ang mga babae talaga, napaka-hirap intindihin." 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter