130 Chapter 130

Malapit na si Tanaga sa opisina niya ng maalala niya si Ashley.  Tumigil siya sandali sa mabilis niyang paglalakad at lumingon.  Nang makita niya na malapit na si Ashley, saka pa lang siya nagpatuloy uli papunta sa kanyang opisina ng hindi man lang inantay si Ashley.  Dire-diretso lang ito sa loob ng office niya ng walang salita salita. 

Si Ashley naman ay nag-dahan dahan ng paglalakad at nagmumuni-muni.  Nang makarating siya sa opisina ni Tanaga, hindi niya malaman kung susunod ba siyang pumasok sa loob ng opisina nito o' sa labas lang siya?  Dahil wala man lang sinabi si Tanaga sa kanya at basta na lang siyang iniwan, nagpasya si Ashley na hindi sumunod.

Noong una ay nagpuputok ang kanyang butsi at halos hindi na maipinta ang kanyang mukha.  Pero naisip niya na hindi siya girlfriend or asawa, kundi isang assistant lang.  Kaya wala siyang karapatan na mag expect na bigyan siya ng importansya ni Tanaga.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter