12 Chapter 12

Pasimpleng ngumiti si Tanaga pero nasisiyahan sa narinig at nagpatuloy maglakad papunta sa opisina nya...- Habang umiiling at tumatawa ng palihim. Habang si Ashley naman ay dahan-dahang sumumusod na napakalalim ng iniisip. Kaya naman hindi nya namalayang tumigil na pala si Tanaga at sya ay napabungo sa likuran nito.

"Diyos ko po! Pasensya na po! Di ko po sinasadya," Sabay atras ni Ashley na para bang biglang napaso. Muntik na tuloy syang matumba. Buti na lang ay mabilis na nakakilos si Tanaga at agad nahawakan ang baywang nya. Ngunit sa di inaasahan, aksidenteng lumapat ang labi ng dalaga sa labi niya.

Ay! Ano ba to?' isip ng natarantang si Ashley at sabay kalas sa higpit na pagkakahawak ni Tanaga. Habang ang puso naman ay "Kabog, kabog, kabog…" ng malakas. Para bang sya ay maheart-attack na.

'Oy! puso tumigil ka. Aksidente lang yun. Huwang mong bigyan ng kahulugan yun. Boss mo yan... hindi kami pantay sa isa't isa.' Pilit na sinasabi ni Ashley sa kanyang sarili.

Si Tanaga naman ay parang namamalikmata na hindi kaagad nakakilos sa kanyang kintatayuan pagkatapos lumapat nang panandalian ang kanilang mga labi. Kaya naman biglang umasim ang mukha nito na para bang katatapos lang niyang uminom ng isang basong suka...

Hindi maintidihan ni Tanaga kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Ashley sa kanya tuwing magkakalapit sila. Para bang siya ay may ketong na mabilis pa sa alas-kuatro kung makaalpas na parang hito sa dulas. 'Gwapo naman sya, bilyonaryo, at binata. Ano pa ba ang kulang sa kanya?'

Hindi lubos maisip ni Tanaga ang dahilan at nababahala na ito dahil makaka-apekto 'to sa oras na sila ay magsisimulang magtatalik na para makabuo ng magiging tagapagmana niya. Nag-iisip siya ng paraan kung ano ang gagawin para mapapalapit ang loob ng dalaga sa kanya.

"Ashley, me itatanong sana ako sa iyo, puede ba?" Malumanay na sinabi ni Tanaga kay Ashley na halos hindi makatingin sa kanya ng diretso.

Gumalaw pataas ang mukha ni Ashley mula sa kakatingin sa paanan at tumingin ng diresto kay Tanaga bago, "Ano po iyon?" na para bang iiyak na.

Hindi na nakatiis si Tanaga at napa-English na tuloy. "What that heck is wrong with you, girl? Why do you act like I'm a monster or something, and about to eat you alive? Get a grip, alright?!" Iritadong sinabihan ni Tanaga si Ashley, na siya ring naging dahilan na lalong natakot at tuluyan nang umiyak.

Hindi na tuloy malaman ni Tanaga kung ano ang gagawin, "Sigh! Ano ba 'to, lalo lang tayong napapalayo sa dapat nating gawin. Halika nga't maupo ka muna at kukunan kita ng tubig," sabi nya sabay papalabas na sana ng kayang opisina, kaso siya namang pagpasok ng tsimosong mayordomo na kanina pa pala nakikinig sa labas ng pintuan.

"Sir, eto po ang tubig, di na po ninyo kailangan pang kumuha." Sabay bigay ke Tanaga ng tray na puno ng inumin at matatamis na panghimagas. Nang tanggapin ni Tanaga ng walang pakundangan ang inabot na tray, mabilis din namang lumabas ang mayordomo upang makinig uli sa labas... [tsismoso talaga]

avataravatar
Next chapter