123 Chapter 123

"Good afternoon po sa inyong lahat!"  Bati ni Ashley na may kasamang pagka-ganda gandang ngiti sa mga secretaries at sa head secretary.  Sabay yumuko siya at nagbigay galang.  "Hello po!  Ako po si Ashley Gusman ang inirekomenda ni Mrs. Hanada." 

Napalaki ang mata ng mga secretaries at ng head secretary ng makita si Ashley.  Hinding hindi nila ito makakalimutan kahit pa iba na ang itsura niya ngayon.  Lahat sila naka-nganga ng napakalaki at walang masabi.

Alam lahat ni head secretary kung ano ang relasyon ni Ashley ke Tanaga.  Alam din niya na peke lang ang kasal nilang dalawa, pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi tinanggap ni Tanaga si Ashley?  "Miss Gusman!  Kumusta na po!"  Sabay lapit ni head secretary kay Ashley.

"Huh!  Mabuti naman po!  Kayo?"  Sagot ni Ashley na hindi maintindihan kung bakit ang lungkot ng mga mata ng mga secretary ni Tanaga.  Lalong lalo na ang head secretary nito na alam kung ano ang relasyon nila.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter