111 Chapter 111

Nakahinga ng maluwag si Kai at dahan dahang ini-abot ang kontrata ni Ohani papalapit kay Tanaga.  "Eto ang kontrata niya, kung meron kang gustong baguhin... Sabihin mo lang at babaguhin ko kaagad."  Nanginginig na iniusog ni Kai ang kontrata sa lamesita.

Ibinalik ito ni Tanaga sa kanya.  "Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin, it's out of my hand.  Kung ano man ang resulta, ikaw ang mananagot.  Naiintindihan mo ba?"  Sabay tayo ni Tanaga.

"Kung ito lang ipinunta mo dito, makakaalis ka na at nakakaistorbo ka!"  Sabay alis ng walang lingon-lingon si Tanaga at pumunta sa dining room upang mag-almusal ng hindi man lang inimbita ang pinsan na kumain.

"Grabe naman nito, ang aga aga kung nag-punta dito, ni hindi man lang ako inimbitang mag-almusal."  Bulong sa sarili habang papalabas ng pintuan si Kai na malungkot.  Simula pa ng bata sila, kahit anong pilit niyang mapalapit ke Tanaga, walang nangyayari dahil masyadong loner ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter