101 Chapter 101

Pagkatapos mag-usap ni Ashley at ni lola Hanada, mabilis na nag-empaki ng mga gamit niya si Ashley in case na bumalik si Tanaga.  "Mas mabuti na ito, mahirap ng mahulog ang damdamin ko sa kanya, lalo pa ngayong alam kong meron ng nag-mamayari ng puso niya."  Bulong ni Ashley sa sarili habang sige ang paglalagay niya ng kanyang mga gamit sa maleta.

Wala pang trenta minutos ay tapos na si Ashley na empakihin ang kokonti niyang gamit.  Mabilis niyang hinila ito papalabas na para bang hinahabol siya ng demonyo.  Nang malapit na siya sa pintuan, tinawag niya si Tiny para tulungan siyang dalhin ang maleta pababa ng condo.

"Ma'am?  Saan po tayo pupunta?"  Nag-tatakang tanong ni Tiny habang nakasakay sila sa elevator.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter