344 Bringing Tanaga To America.

Si Tiny naman ay mabilis na hinaltak sa gilid si butler Ruffy at ipinaalam ang nangyari kay Tanaga sa Europe. Sinabi na rin niya kung ano ang gustong gawin ni Ashley, pero hindi ito makapag pasya dahil kay grandma Hanada na kasalukuyang inooperahan.

"Uncle, ano sa palagay mo ang kailangan nating gawin? Gusto ni ma'am na umalis at puntahan si Sir Jones doon, pero hindi niya rin maiwan si chairwoman na nasa operating room ngayon. Anong gagawin natin uncle?" Nag aalalang tanong ni Tiny habang malamlam ang kanyang mga mata.

Hindi alam ng dalawa na nakikinig pala sa kanilang paguusap si Sato, Fumika, Arnold at Arnel. Kaya naman ng bigla na lang napasigaw si Sato... Napatigin ang lahat dito habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.

"DIYOS KO PO!!!! NAKAKALOKA NA!!!! ANO BA ANG NANGYAYARI?" Sabay takip niya sa kanyang bibig, yumuko at sa paanan niya siya tumingin. Napahiya si Sato sa kanyang ginawang pagsigaw sa pasilyo sa labas ng chapel. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter