357 Breaking The Tie...

Samantala, inilagay sa magkakahiwalay na silid sina Inday at Juanita kasama ang bawat isa sa mga bata. Habang karga karga nila ang mga bata, parehong tulo ang uhog at luha ng dalawa sa nerbiyos at takot ng malaman na sila ay na kidnap. 

Pareho silang hindi makapaniwala na gagawin ito ni Naomi, samantalang siya ay Lola ng mga bata. Hindi si Naomi ang kanilang kinakatakutan, kundi ang tatlong lalake na mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang mga mukha.

Nalaman nila na ang taong nagmaneho ng van ay kasabwat ni Naomi. At meron pa itong dalawang kasama na nagaantay sa kanila sa may di kalayuang hotel na malapit sa resort. 

Nang nakaraang gabi, sa sobrang galit ni Naomi at hindi siya pinayagan ni Ashley na makausap ang kanyang ina. At dagdagan pa ng pagkakasampal sa kanya ni Fely, doon siya nakaisip na kidnapin ang dalawa niyang apo upang makaganti sa pamilya ni Ashley.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter