247 Blind, Mute And Deaf

Lilingon na sana si Ashley upang tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya dahil pamilyar ang boses ng lalake. Hindi lang siya sigurado kung tama nga ang kanyang hinala. Ang kaso mo ay hinaltak na siya ni Tiny at mabilis na ipinasok sa loob ng elevator bago pa niya nakita ang mukha ng taong tumatawag sa kanya.

"Manong Tiny, bakit hindi mo inalam kung sino yung tumatawag ng pangalan ko?" Nagtatakang nagtanong si Ashley.

"Sorry, po! Ma'am Ashley pero hindi po tayo nakakasigurado kung sino ang taong iyon. Mas mabuti po na walang nakakaalam na nandito ka. Mahirap na po at baka makarating sa Japan, eh hindi tayo nakakasigurado." Paliwanag ni Tiny habang seryosong seryoso ang mukha.

"Ah' ganon ba?" Tumango lang si Ashley bilang isang pagsangayon at minabuti na manahimik na lang. Alam niyang para sa kabutihan niya ang lahat ng ginagawa ni manong Tiny. Kaya hindi siya makikipagtalo kahit anong sabihin at gawin nito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter