335 Back From The Dead...

Muntik ng mabitawan ni Ashley ang telepono ng marinig niya ang pag sigaw ni Tanaga. "Tan! Tan! Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka sumigaw? Tan!!!!" Napalakas ng konti ang boses ni Ashley habang nagtatanong. Kaya naman napatingin tuloy sa kanya ang ilang tao na papasok sa loob ng building.

Nang mawala na ang kirot na naramdaman ni Tanaga, ibinukas niya ang kanyang mata at saka pa lang sumagot sa nag hysterical na si Ashley. "I'm fine, sumakit lang ng konti ang ulo ko. Pero okay na ako, wag kang magalala. Anyway, sa tanong mo kung naalala ko ng lahat... -- I think so." Nakangiting sagot ni Tanaga sa asawa upang hindi ito mabahala.

"Dahil bumalik na ang ala-ala ko, pwede na tayong magpakasal uli. What do you think?" 

"Hmmm, what makes you think na gusto kitang pakasalan ng dalawang beses?" Pabirong sinabi ni Ashley habang ang ganda ng kanyang ngiti at kumikislap ang kanyang mga mata. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter