275 Babae Or Lalake, Sya Ang Magmamana Ng Lahat!

Habang si Ashley ay hirap ha hirap sa kanyang panganganak, si Tanaga naman ay bagsak sa sobrang kalasingan sa loob ng kotse ni Jeff na naghatid sa kanya pauwi. Wala siyang ka alam alam na dumating na pala sila sa condo at mga kalahating oras na rin silang nakaparada sa harapan.

Si Harumi pala ay gising pa at nag aantay sa pagbalik ni Tanaga. Habang si Grandma Hanada ay nagpahinga at napagod sa haba ng byahe at sa paglalakad sa hospital.

Inihabilin ni Grandma Hanada kay Harumi na gisining siya kahit ano pang oras kapag dumating si Tanaga. Kaya nakabantay lang at nanunuod ng TV si Harumi habang nag aantay.

Ang ganda ng panonood ni Harumi ng isang Japanese drama ng bigla na lang umilaw ang kanyang cellphone. Mabilis niyang dinampot ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. 

Nang makita niya na si butler Ruffy ito, mabilis niyang sinagot.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter