286 Ano Ang Ipapangalan Sa Kambal?

Dumiretso si Tanaga sa kwarto ni Grandma Hanada pagkagaling sa kwarto ni Ashley. Dahil magkatabi lang ito, hindi siya nakita ng ng buong pamilya ni Ashley na tamang tama na paparating at ang saya sayang nag bibiruan.

Nang bumukas ang pintuan, buong akala ni Ashley ay si Tanaga at mabilis niyang pinunasan ang kanyang luha at ipinikit ang kanyang mga mata upang magkunwari na nag papahinga siya.

"Ay, mukhang nakatulog si ma,am Ashley!" Pabulong na sinabi ni Inday pagkapasok na pagkapasok sa loob ng kwarto. 

Mabilis naman sumilip ang lahat ng marinig ang sinabi ni Inday. Nang makita nila na nakapikit si Ashley at mukhang nakatulog, minabuti nilang mag dahan dahan ng pag pasok upang hindi nila ito maistorbo.

Isa isang nagsipag upuan ang lahat sa sofar habang si nanay Fely naman ay inayos ang kumot ng anak upang hindi ito malamigan. Bago umupo ito sa silya at inilapit ito sa may kama ng bunsong anak.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter