306 Ako! Ako Ang Asawa Niya!

"Tan, naaalala mo na ako?" Tanong ni Ashley habang nanlalaki ang kanyang mata at excited na marinig ang sagot ng asawa. Pero ng umiling si Tanaga habang malungkot ang mga mata nito, nadismaya si Ashley at biglang tumahimik.

"Ash, sorry ha! Ayoko namang magsinungaling sa iyo na sabihing yes, pagkatapos eh tanungin mo ako bigla at hindi ko masagot... Mamaya eh' lalo ka pang magalit sa akin. Naiintidihan mo ba?" Malumanay na sinabi ni Tanaga kay Ashley na nakatingin sa labas ng bintana habang may butil ng luha na gusto ng umalpas.

Mabilis na pinahid ni Ashley ang luha sa kanyang mata at ngumiti muna siya bago humarap sa asawa. "Sus, bakit ka hihingi ng patawad, okay lang iyan. At least unti unti mo ng naalala diba?"

Tumango' lang si Tanaga bago hinila niya si Ashley at niyapos. Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nakapalag si Ashley. Nang sinubukan niyang pumalag, lalo lang humigpit ang yakap sa kanya ni Tanaga habang hinihimas nito ang kanyang mga braso.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter