webnovel

[Bonus chapter]The Finale

Punong puno ang pribadong eroplano ng THJ nung naka-lapag ito sa McCarran International Airport makalipas ang apat na oras.

Nagkakatuwaan ang lahat noong buong biyahe na hindi nila napansin na nakarating na sila sa kanilang destinasyon hanggang inanunsyo ng kapitan na suotin na ang kanilang mga seat belt. Maya maya nakalapag na ang kanilang eroplano, at tuwang tuwa silang nag handa para bumaba.

Tinulungan ni Jessie si Fely matanggal ng seat belt "hayaan mo akong gawin yan para sa iyo," pagkatapos niyang tanggalin ang sarili niyang seat belt.

Ang mga kuya ni Ashley na naka-upo sa likuran ng eroplano ay nagsipag tayuan isa isa at nagsimula na ayusin ang kanilang mga gamit. Kitang kita ang tuwa sa kanilang gwapong mga mukha. 

"Grabe, sobra akong nasasabik! Di ako makapaniwala na magbabagong taon tayo dito sa Las Vegas." Bulalas ni Arnel ng malakas at narinig ng lahat

Inakbayan ni Arnold si Arnel at bumulong.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter