webnovel

Chapter 3

Kinabukasan ay maaaga siyang nagising. Naligo na rin siya at pinatuyo ang maganda niyang buhok. Balak kasi niyang tumulong sa paghahanda ng almusal nila at nakakahiya kung pati siya tanghali nang gigising samantalang nakikitira lang siya sa bahay na iyon.

Napagdesisyunan niyang magsuot ng isang floral dress na hanggang tuhod ang haba na kita ang balingkinitan niyang mga binti. Maging ang hubog ng kanyang katawan ay sadyang lumitaw dahil sa lambot ng tela ng suot niyang damit. Buo naman ang confidence niya na maayos at simple lang ang suot niyang damit kaya lumabas na siya ng kuwarto para tunguhin ang kusina sa baba.

Pagbaba niya ng hagdan ay napansin niya agad si Kuya Edison na nakasuot na ng pang opisinang attire, mukhang may pasok ito sa trabaho. Kasalukuyan itong nakaupo sa sofa sa sala at nagbabasa ng newspaper.

Awtomatiko namang napaangat ito ng mukha ng marinig ang mga yapag ng paa niya ng pababa ng hagdan. Binati siya nito agad pagsapit niya sa baba.

"Bakit ang aga mo atang gumising Chantal? Hindi ka ba napagod sa biyahe mo?" Ibinaba nito ang binabasang dyaryo at tasa ng kape sa sidetable.

"Nakapagpahinga naman ako ng maayos kagabi." Simple niyang sagot dito. Napatango lang ito sa kanya. "Ammm, tutulong lang ako sa paghahanda ng umagahan, maiwan muna kita." Wala sa loob na sabi niya dito. Napatango na lang ito sa sinabi niya. "Maiwan muna kita, tutulong lang ako sa pagluluto sa kusina." Muli ay tumango lang ito sa kanya at tahimik siyang tinitigan nito. Dahil doon ay nagdesisyon na siyang tunguhin ang kusina kung saan nagluluto ng umagan ang kasambahay sa tahanang iyon na kung hindi siya nagkakamali ay Manang Melinda ang pangalan. Ipinakilala ito sa kanya ni Cherry kagabi habang pinaghahanda sila nito ng hapunan.

"Manang..." tawag niya dito mula sa likuran nito.

"Oh, Ms.Chantal. May kailangan ka ba?" tanong agad nito sa kanya.

"Wala po...gusto ko lang po sanang tumulong magluto ng umagahan natin."

"Ah...yun ba,okay na at matatapos na ako dito sa niluluto ko. Pero kung gusto mo akong tulungan ay puwede mo naman na ilagay na ang mga nailuto ko sa dining table." Suhestiyon nito sa kanya na ikinatuwa naman niya.

"Sige po Manang, ako na din po ang maglalagay ng mga plato sa mesa." Bigla niyang naisip.

"Sige salamat sa tulong mo hija. Bukod sa maganda ay mabait ka rin pala." May paghangang tugon nito sa kanya. Napangiti muli siya dito.

"Salamat po Manang Melinda."

"Taga Bicol ka nga pala hanu?" tanong nito sa kanya habang sinasalin na nito ang huling putahe na niluto nito para sa umagahan.

"Opo, magkakababayan po kami nila Tita Clarisse." Kwento niya dito.

"Ganun ba, nakuh mabuti naman at may pagtatanungan na rin ako ng tamang pagluluto ng bicol express kapag nagluto ako. Minsan kasi ay hindi magustuhan ng mga amo ko ang luto ng bicol express at syempre taga roon sila, tiyak na may sarili silang pansala pagdating sa delicacy ninyo sa Bicol hindi ba?" Nangiti siya sa kwento nito. Talagang mahilig sa mga maanghang ang mga taga Bicol kaya kailangan talaga ay magandang sili ang gagamitin sa pagluluto ng bicol express, naisaloob na lang niya.

"Sige po Manang Melinda, wala pong problema at tuturuan ko po kayo ng tamang pagluluto ng bicol express." Napangiti ito sa tuwa.

"Siya, halika na magandang dilag at ilagay na natin ito sa mesa at baka mamaya ay gutom na ang mga amo ko." Biro nito sa kanya na ikinatawa naman niya.

Sakto namang nakahain na sa mesa ng bumaba mula sa kanilang kuwarto sila Tito Conrado at Tita Clarisse.

"Oh hija...bakit pati ikaw ay naghahain sa mesa?" Nagulat si Tita Clarisse ng makita siya nitong inilapag sa mesa ang huling putahe ng ulam na niluto ni Manang Melinda.

"Okay lang po ako Tita, maaga po kasi akong nagigising kaya naisipan kong tumulong kay Manang Melinda sa paghahanda po ng umagahan."

"Sa susunod ay puwede mo namang hindi gawin ang mga bagay na iyan hija. Bisita ka namin, remember?" Malumanay nitong sabi sa kanya.

"Okay lang po tita...magaan lang naman po ang mga gawain dito kaya kaya huwag po kayong mag-aalala." Nakangiti ko pa ring sagot kay Tita. Napatingin naman kami sa pinto ng sabay na pumasok si Cherry at Edison.

"Hayan na pala ang magkapatid, puwede na siguro tayong kumaen ng umagahan." Narinig naman niyang sabi ni Tito Conrado.

"Chantal, kanina ka pa gising?" Bati sa kanya ni Cherry na ngayon ay inaayos na ang napkin sa lap nito na pamunas.

"Oo, kanina-kanina pa."

"Tumulong pa nga si Chantal kay Manang Melinda na maghanda ng umagahan. Ang sabi ko nga ay hindi na niya kailangan pang gawin ang mga bagay na iyon."

"Oo nga naman friend, saka bisita ka namin dito nuh. Nga pala Mommy, hihiramin namin ni Chantal ang isang kotse may mahalaga lang po kaming pupuntahan."Paalam ni Cherry sa ina.

"Okay, pero sino ang magdridrive sa inyo?" Balik na tanong nito sa anak.

"Ako na lang po Mommy, may lakad daw po kasi si Kuya at Daddy ngayon araw. Ngayon po kasi ang sched ng screaning para sa sasalihan ni Chantal na beauty pagent Mommy."

"I see." sagot ni Tita Clarisse.

"Sorry, hindi ko kayo masasamahan ngayon Chantal at mag biglaan lang kaming meeting sa office. But I will try to catch you up after the meeting." Si Edison ang biglang nagsalita na kinagulat niya.

"Okay lang Kuya Edison." Sagot naman niya. "Kami na lang ni Cherry at baka makaabala pa akk sayo." Alanganin siyang lumingon kay Cherry.

"Oo nga kuya, kami na lang ni Chantal ang pupunta ngayon sa screaning, next time mo na lang kami samahan at tiyak naman na pasok na siya sa top 50." Buong pagmamalaking sabi Chantal sa Kuya Edison nito. Medyo nahiya pa siya sa tinuran nito at mukhang proud na proud ito sa kanya which is hindi niya alam kung makakaya niyanh makapasok sa top 50, ang alam lang niya ay handa siyang gawin ang lahat para makuha sa pagent na iyon.

"Naniniwala naman kami doon anak, ang ganda naman kasi nitong si Chantal." Pagsanga-ayon ng ina nito.

"Sino Mommy ang next na maganda after ni Chantal?" Mayamaya ay tanong ni Cherry sa ina.

"Syempre, ang nag-iisa kong anak na babae..

sino pa?" Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Tita Clarisse, si Kuya Edison naman ay napaismid pa.

"Tsssk, saang banda ka maganda? Sa ngipin?" Pang-aasar nito kay Cherry.

"Mommy oh, magsisimula naman si kuya." Sumbong naman nito sa ina.

"Edison, ano ka ba! Iniinis mo naman ang kapatid mo."

"Whatever Mom." At nakita niyang inirapan ni Cherry ang kapatid nito. Larawan alng isang masaya at perpektong pamilya ang mga magulang at kapatid ni Cherry na kahit kailan ay hindi niya naranasan sa buhay niya. Lihim siyang nalungkot dahil doon.