1 Chapter 1

Halos mapaluha si Chantal hindi sa tuwa kung hindi sa lungkot at inis dahil muli ay nabigo naman siyang masungkit ang Ms. Bicolandia 2021!

Tiningnan niya mula sa gilid ng backstage ang mga naghihiyawang mga tao sa baba ng stage kung saan ay kumakaway ang siyang nanalo na si Allaine Sto. Domingo, anak ng ng Vice Mayor sa kanilang lugar.

Nanalon naman siya ng Ms.Photogenic at Congeniality kaya kahit papaano ay may maiiuwe siyang pera sa bahay. Papagalitan na naman kasi siya tiyak ng kanyang tiyahin at hindi naman eka siya nanalo sa sinalihan niyang pagent.

"Ang pigtaram ko sa imo dai kana mg intra sa pagkandidata!" Bungad sa kanya ng kanyang Tiya Isabel. Inabangan pala siya nito sa pag-uwe.

"Tiya, pig testing ko lang naman. Heto po oh, may uwe akong kaunting pera." Inabot ko sa kanya ang sobre ng pera na nakuha ko sa pagsali ng pagent.

Tinitigan lang ito ng kanyang tiya at saka muli siyang tiningnan sa mukha.

"Itabi mo na lang iyan at ng may panggastos ka saimong ekswela." Tumalikod na ito sa kanya at napangiti naman siya. Buti na lang at mabait ang kanyang tiya Isabel. Lumaki man siyang walang mga magulang ay hindi naman ito nagkulang sa pagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal lalo na ng isang ina.

Alam niyang gusto lamang siya nitong mapabuti kaya palagi siya nitong pinapangaralan, pero sadyang kaligahan na niya ang sumali sa pagent at talagang doon niya nailalabas ang totoo niyang hilig.

Dahil hindi kinuha ng kanyang tiyahin ang perang naiuwe niya kagabi ay balak niyang mamili ng grocery bukas sa bayan, kasama na syempre ang mga ilan niyang ginagamit sa katawan.

Morena at makinis ang kanyang balat, may hight siyang 5'7...balingkinitan ang hubog ng kanyang katawan. Inaalagaan din niya ang mahaba at itim na itim niyang buhok, ito kasi ang isa sa mga asset niya bukod sa mahahaba niyang hita. Regular din siyang nagpapatingin sa dentista upang manatili ang puti at pantay-pantay niyang ngipin. Nagpapasalamat nga siya at maganda ang naging tubo ng kanyang ngipin, hindi na niya kailangan pang magkabit ng braces na katulad ng iba sa mga kasamahan niyang sumasali sa mga pagent.

Ang kanyang ganda ay hindi rin naman nahuhuli sa iba, minsan nga ay kinumpara pa siya sa isang beauty queen na galing din ng Bicol na si Venus Raj na sumali sa sikat na pagent sa Pilipinas na Ms. Universe Philippines. At iyon ang naging inspirasyon niya sa balang araw ay makakarating din siya ng Manila at makakasali sa prestige beauty pagent na iyon.

Hating gabi na pero hindi pa rin siya dalawin ng antok, kaya naisipan niyang itext si Cherry na kanyang bestfriend. Hindi ito nakasama sa kanya sa pagent kanina at lumuwas ito ng Manila kasama ng mga parents nito. Minsan ay naisama na rin siya nito sa pamamasya sa Manila pero ilang araw lang kaya medyo nabitin siya sa pamamasyal sa ka Maynilaan.

Hello freindship! Uy magparamdam ka naman kaya...hehehe.miss you.

Iyo ang tinipa niya sa kanyang cellphone bago sinend sa number ni Cherry. Hindi agad ito nagreply kaya medyo nabagot siya at balak na sana niyang matulog pero ilang saglit pa ay tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ito.

Mabilis niyang inaccept ang tawag nito. Sinandal niya ang kanyang likod sa kahoy na headboard ng kanyang kama sabay yakap sa isang maliit na teddy bear na palagi niyang kasama sa kanyang pagtulog.

"Hello, Cherry!"

"Friendship!" sigaw din nito sa kanya.

"Ano na? Ano na nangayari bilis! Magkuwento ka na." Natawa siya sa bungad nito sa kanya. Kahit talaga kailan ay hindi ito makakalimot sa kanyang mga sinasalihang pagent, hindi man niya ito kasama.

"Ayun...talo naman." Kunwari ay naglungkot-lungkutan ang boses niya. Pero ng totoo ay tanggap naman niya ang katotohanang sa isang patimpalak ay may isang natatalo at nanalo naman talaga. Kung minsan nga lang ay hindi marunong lumaban ng patas ang iba.

"Tsssk, sino ang nanalo? Si bruhang Allaine naman?" May bitterness na pagkakasabi nito sa kanya. Palagi na lang kasi silang naglalaban ni Allaine sa ibang mga pagent sa lugar nila at palagi itong nanalo, kaya minsan ay nagdududa na rin siya sa kung talagang walang koneksyon ang mga magulang nito sa mga pagkapanalo nito. Minsan kapag siya ang nanalo sa pagent ay kung nakakamatay lang irap ay matagal na siyang bumulagta dahil na rin sa sobrang galit nito sa kanya. Hindi niya ito personal na kakilala pero palagi silang nagtatapat sa mga pagent sa lugar nila. At kapag silang dalawa ang naiwan sa stage ay panigurado na ito na ang panalo...

"Sino pa ba?" Natatawa niyang sabi dito.

"Dapat kapag iyan babaeng iyon ay nakita natin sa list ng mga contestant ay huwag ka nang sumali at hayaan na lang nating siyang magmukhang eng-eng doon sa stage." Bakas pa rin sa boses nito ang inis kay Allaine.

"Hayaan muna at baka kasiyahan niya ang manalo ng manalo sa pagent kahit hindi niya deserve."

"Hindi bale, may nakuha akong form para sa isang sikat na pagent dito sa Manila, at ang balita ko ay malaki rin ang premyo day!"

"Talaga?"

"Oo, kayang kaya mo man ang magluwas digdi sa Manila nugma ta tatabangan man taka sa pagkandidata mo, friend."

Luminaw bigla ang pandinig niya ng sabihin iyon ng kanyang kaibigan. Pagkakataon na niya para sumali sa pagent na hindi sa kanilang lugar, sa wakas ay malalayo na rin siya sa anino ni Allaine.

"Talaga ba friend? Oh sige luluwas ako bukas dyan sa Manila. Kaya lang ang problema ko ay si Tiya Isabel."

"Huwag kang mag-alala at papatawagan ko si Mama sa kanya para sabihing ini-invite kita dito sa Manila."

"Sige...sige, excited na ako!"

"Oh siya, matulog ka na at ng makapaggayak ka ng gamit mo bukas ng madaling araw." sunod nitong bilin sa kanya.

"Noted friend!" Natatawa niyang sagot dito. Palagay niya ay hindi siya makakatulog nito ng tuluyan dahil sa saya pero kailangan niyang mag beauty rest muli para hindi siya magkaroon ng eyebags at hindi maganda yun!

"Ikaw talaga, oh sige na at tapusin ko na itong tawag ko."

Pagkatapos ni Allaine na tumawag ay agad siyang nag-isip ng magagandang bagay sa buhay niya na gusto niyang matupad, sa ganoong paraan ay madali siyang dadalawin ng antok. Gusto niyang maiba ang takbo ng buhay niya, kaya siya ganoon mag-isip. Masaya naman siya sa simpleng buhay nila sa Bicol kaya lang malayo talaga ang tinatanaw niyang bukas at hindi iyon nakafocuse lang sa lugar na kinalakihan niya. Dahil doon ay desidido na siyang subukan ang buhay sa Manila, baka doon niya mahanap ang katuparan ng kanyang mga pangarap.

Madaling araw nga ay gumayak siya para makaluwas ng Manila, mahaba-haba rin ang kailangan niyang ibiyahe bago makarating sa destinasyon niya. Sakto naman na katatapos lang niyang uminom ng mainit na kape ng mapansin niya ang kanyan tiya Isabel.

"Tutuloy ka na ba lumuwas sa Manila? Hindi ka na talaga mapipigilang bata ka?"

"Tiya..."

"Tiwagan ako ng Mama ni Cherry kagabi, ang sabi ay kung puwede na payagan kita na magbakasyon muna sa Manila panandalian."

"Ano po ang sabi nyo Tiya?" curious niyang tanong dito. Pero expected naman niyang papayagan siya nito at alam naman nito kung saan nakatira ang pamilya nila Cherry sa Manila.

"Oh di sabi ko ay sige at baka makatulong sayo ang pagbabasyon mo doon. Kaya lang ay hindi ko maiwasang mag-alala sayo Chantal."

"Huwag po kayong mag-alala Tiya, mag -iingat naman po ako doon. At pangako ko babalikan ko kayo dito kapag maayos na ang kalagayan ko sa Manila." Agad ay pangako niya sa tiyahin niya. Parte ito kung bakit nangangarap siya ng ng higit pa makakaya niyang gawin. Naging mabuti ito sa kanya kaya gagawin niya ang lahat para makabawi rito pagdating ng panahon.

"Ang gusto ko ay tapusin mo ang iyong pag-aaral sa kolehiyon. Iyon na lang ang ibalita mo sa akin at tiyak na matutuwa ako para sayo."

"Opo Tiya...pangako mag-aaral po ako at magtatapos ng kolehiyo." Tumayo pa siya sa silyang inuupuan niya at niyakap ito.

"Oh siya, ipagluluto muna kita ng pagkaen na puwede mong kainin habang nasa biyahe ka. Igayak muna ang mga gamit mo." Pagkatapos ay sabi nito sa kanya. Pareho silang napasinghot ng sipon pagkaraan nilang umiyak pareho. Unang beses niya itong malalayo ng matagal sa kanyang Tiyahin kaya siguro ganoon ang kanilang mga emosyon. Umayos na siya ng tayo at tumango na lang dito, pagkatapos ay nginitian niya ito bago tuluyang igayak ang kanyang mga gamit na dadalhin.

avataravatar
Next chapter