3 Chapter 1

High school life was one of the best memories of a teenager. Living your life to the fullest. Enjoying your youth. . . dito ka magkakaroon ng maraming crushes at syempre. . . dito ka rin matututong mag-ayos ng sarili para mapansin ng taong gusto mo.

But for me, my high school life is one of the worst highlight of my life. . .

"Park Soojin! Koreanang puro tigidig!"

I heard a boy yelled at the hallway. He's with his crazy chums. Grinning like an idiot. Mga mabababaw ang kaligayahan. I didn't know him though, either his friends. He's neither a friend of mine nor a classmate. He's just a mere. . . epal.

Hindi ko pinansin ang kanyang turan. I don't waste my precious time on stupid people with narrow mind. They doesn't deserve any small amount of my attention.

"Hoy, Soojin! Feeling maganda ka na ngayon? Para ka namang pinipig!" he laughed at his own stupid joke.

What a weakhead.

Hindi ko pa rin siya pinansin kahit gusto ko na siyang patulan. Gustong-gusto. That fucktard! Nasasaktan din naman ako kasi tao ako! My tears started to build up. Dinaan ko na lamang iyon sa sunod-sunod na pagkurap.

I won't let them see that I'm affected. That I'm hurt. I won't let them win and make them feel superior by bullying me! Never!

Binagsak ko ang sarili sa upuan nang makapasok ako sa room. Masama ang loob. As usual, they are looking at me. I'm always the center of attraction. I smirked. Back then, I thought that only the beautiful ones can capture everyone's attention. Hindi pala. Even like me, an ugly shit can make them turn their heads. Pero hindi dahil sa humahanga sila sa akin.

"Soojin-a! Bakit nakabusangot ka na naman?"

Saglit ko siyang tiningnan bago binalik ang tingin sa iba ko pang kaklase. Bakit ba ang sarap dukutin ng mga mata nila? Didn't they know the phrase 'mind your own business?' Hindi ba sumasakit ang mga mata nila kasi nakakakita sila ng pangit?

"Inaway ka na naman ba no'ng wilab sa section F?"

Naramdaman ko ang pag-upo ni Shania sa aking tabi. Marahas kong binaling sa kanya ang tingin.

"Kilala mo 'yon?" taas kilay kong tanong.

"Oo! Paanong hindi ko makikilala e, lagi ko siyang nakikita sa detention," aniya saka kinuha ang notebook na Cattleya at sign pen na may design na. . . how can you describe this? may naka-poker face na heart-shaped icon sa cover ng pen. . . or whatever.

Shania and her weird stuffs.

Nagsimula na siyang magsulat kahit hindi pa naman nagsisimula ang klase. Napakunot ang noo ko sa kanya. Hindi dahil sa weird niyang ginagawa kung hindi dahil napapaisip na naman ako.

Why I can't have a skin like her's?

Shania is a beautiful girl. She has a soft features. Heart-shaped face, round eyes, dainty nose and pinkish pouty lips. And the only one I hate the most about her is that. . . she has a clear, glowing glass skin.

She even told me that she doesn't use any products on her face. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako rito kay Shania o hindi, e. And I was like. . . what the fudge? Ang unfair ng mundo.

Like how can someone have a perfect skin without even exerting an effort to maintain and keeping it in good condition, hindi ba?

"Kung ako sa 'yo, Soojin, itigil mo na 'yan," si Shania habang patuloy na nagsusulat ng kung ano.

I raised my eyebrow at her.

"You're just making yourself insecure," dagdag niya nang hindi ako nililingon.

Marahas kong nahigit ang hininga. I admit. I'm insecure about her. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? Aside from having a pretty face, she's also an achiever. Smart and teacher's apple of the eye. Siya ang paborito mostly ng mga teachers namin, pinagkakatiwalaan. Kasi nga maganda, matalino at responsable. She's even helping at the guidance office. Siya ang nag-aasikaso, naglilista at nag-ooras sa mga na-detention.

She's almost perfect. Pero wala ni isa ang sumubok manligaw sa kanya. Their reason? It's because she's weird daw.

Weird naman talaga but I totally don't mind.

For me, she's amazing.

"I'm not insecure at you, okay? Asa ka pa," I rolled my eyes. And okay, I lied.

"Sige, sabi mo, e," nagkibit-balikat siya. "Mag-review na lang tayo," aniya pa.

Nangunot ang noo ko. "Review? May test ba? Two days ago pa lang naman nag-start 'yong pasukan, ha?" takang tanong ko.

"Kailangan bang magkaroon muna ng test bago ka mag-review, Soojin? You should review your notes daily. Para kahit magkaroon ng surprise quiz o ano, you're ready," mahabang paliwanag niya.

I mimicked her but without a sound. Pang-asar lang ba, she's not offended though. Sanay na siya sa pagiging maldita ko sa kanya. Nag-poker face lang siya sa ginawa ko. Kamukha na niya 'yong nasa cover ng pen niya. At hindi pa ba ako nasanay rito? Four years mo nang kasama 'yan, Park Soojin! Study is life para kay Shania!

"Fine, Miss Genius. Pero kahit na gusto kong mag-review, wala naman akong mare-review kasi wala akong notes."

"Paano ka magkakaroon ng notes, e tamad kang magsulat?" she fired.

I made face. Palagi na lang niya akong binabara. What a friend! It's not her fault tho, tamad naman kasi talaga ako. We are totally opposite. Emphasizing the words 'totally opposite'.

She's pretty, I'm not. She's smart and I'm not. She's responsible and I'm so freaking lazy! Siguro it's true that opposite attracts. Hindi naman siguro kami magtatagal ng four years na magkaibigan kung hindi, 'di ba?

"Ewan ko sa 'yo, Soojin," iling niya.

I playfully rolled my eyes. Nakaupo kami sa pinakaharap, specifically sa first two seats mula sa front door ng room. Kaya naman napadako ang tingin ko sa labas ng pinto. My eyes fixed on a guy.

Maliwanag ang hallway gawa ng sinag ng araw. Pero parang nasobrahan ata sa pagliwanag 'yong lalaking dumaan. Nakatingin lahat sa kanya ng mga kaklase ko, mostly girls. Admiring him from afar.

I knew him. Well, everyone does.

Von Hoples Jimenez. Campus crush ng Liverpool High. Matangkad. Maputi. Gwapo pero masungit. Maraming nagkakagusto sa kanya despite of his attitude. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ng mga kababaihan ang cold-hearted type na lalaki. Kinain na ata sila ng fiction.

I used to like him too, pero simula no'ng pinahiya niya ako sa quadrangle, my like for him was replaced by hatred. Gwapo nga pero masama ang ugali! Edi wala rin?

I just wish na mahanap na niya ang katapat niya.

"Crush mo pa rin?" agaw ni Shania sa atensyon ko.

"Hindi na no!" mabilis kong agap. "Ang pangit ng ugali niya, e. Mas masahol pa sa itsura ko."

"Hindi ka naman pangit, Soojin, a? Hindi mo lang nakikita pero maganda ka naman."

Tinitigan ko si Shania. Baliw ba 'to o bulag? Ako maganda? E parang pimples nga ako na tinubuan ng mukha!

"Alam mo, Shania, wala akong pera," biro ko. Hindi naman kasi ako naniniwala sa sinabi niya. Hello? Araw-araw nga akong tumitingin sa salamin, umaasang mababawasan kahit na isang tigyawat!

"Totoo nga!" siya na parang naiinis na sa akin.

Hindi ko na lang siya sinagot kasi baka mag-away pa kami. Alam ko naman kasi kung ano ang totoo kaya hindi na niya kailangan pang lokohin ako at pagaanin ang loob ko gamit ang isang kasinungalingan. I appreciate her effort though. Siya at si mama na lang ata ang nabo-boost ng self-confidence ko.

'Di kalaunan ay pumasok na ang teacher namin sa Mathematics. Ugh! First period pa talaga ang Math, e! Aga-agang sakit sa utak! Sinalampak ko na lamang ang sarili sa upuan. Kahit naman makinig ako hindi ko rin maiintindihan, so why bother?

The bell rang, last two more subjects and I can call it day!

Sabay naming niligpit ni Shania ang mga gamit namin. Kung ako lang ang papipiliin, mas gugustuhin kong magbaon na lang ng kain at kumain sa room, kaso tamad naman akong magluto so h'wag na lang. Ayoko kasing kumain sa canteen. Makikita ko na naman ang mga matang mapanghusga ng mga schoolmates ko!

Akala mo naman ay nagnakaw ako ng kaban ng bayan!

"Sa karinderya na lang kaya sa labas ng campus tayo kumain?" suhestyon ko kay Shania.

"Malayo pa 'yon, Soojin. Baka nalipasan na ako ng gutom no'n bago makarating," sagot niya.

Napabusangot ako. Sa room pa nga lang hindi ko na kaya ang mga tingin ng kaklase ko. What more kung doble o triple pa ng populasyon nila? I screamed internally. Kasalanan bang maging pangit?

Shania held my hand kaya naman natigil ako sa paglalagay ng notebook ko sa bag.

"What?"

"I know what you're thinking," aniya. Kumunot ang noo ko.

"What?" tanong kong muli.

She sighed. "Wala," iling niya.

Nagkibit-balikat ako. Sabog na naman 'to.

Sabay kaming tumayo. Pinauna muna naming makalabas 'yong mga kaklase namin hanggang sa kami na lang ang natira sa room at huling lumabas.

Parehas kaming tahimik ni Shania habang papunta sa canteen. Ewan ko ba kung bakit nanahimik 'to. Baka sinusumpong na naman ng kawirduhan.

Huminto ako sa tapat ng glass door ng canteen. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinakabahan kahit wala namang recitation. Malinaw kong nakikita mula sa labas ang mga schoolmates kong kumakain at nakapila sa mga stalls. Ang dami nila! Mas dumami! Nai-stress ako!

"Soojin," muli na namang hinawakan ni Shania ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya pero hindi nagsalita.

"Held your head up high. Huwag kang mahiyang ipakita ang itsura mo. Don't let them feel that you're affected by their judgemental stares. Kung ayaw nilang makita ka, edi pumikit sila. Sila dapat ang mag-adjust sa kaartehan nila at hindi ikaw, Park Soojin," ngiti niya.

I smiled at her too, teary-eyed. Parang tumaas bigla ang self-esteem ko sa sinabi niya. Nakakainis naman kasi itong si Shania! Puno ng wisdom words! Bakit kaya hindi ito sumali sa beauty pageant?

Huminga ako ng malalim saka binaling muli ang tingin sa loob ng canteen.

Nag-chin up ako. I'm ugly and I'm proud of it! I said to myself bago ko tinulak ang pinto para pumasok.

avataravatar