1 Simula

Simula

Napabuga ako nang hangin at pumikit ng mariin. "Maipanalo ko to!" Ngumisi ako at hinawakan ng mabuti ang mouse. Iginilaw ko ang aking balikat at ang aking ulo, na naglikha ito ng ingay. Feels better.

"Yes naman." Humalakhak si Ysa sa likod ko at minamasahe ang aking balikat halatang excited ito manuod sa aking nilalaro.

Napailing ako sa kakulitan niya at mag start na sana ako sa aking laro pero may natanggap ako na mensahe. Napakunot ang noo ko dahil nakita 'kong galing ito kay 'blackzmxx'.

"Wait lang." Tinignan ko si Ysa at senenyas na umalis muna ito. Itinaas nito ang kaniyang kamay na parang naka-surrender ito sa pulis at ngumisi na nang-aasar.

Napailing ako 'nung pumunta uli ito sa kaniyang study table at nagbabasa ng libro at ibinalik ko ang aking tingin sa monitor.

Kinagat ko ang aking labi para magpigil nang ngiti.

[blackzmxx; I'm back from school, can I join you?]

Ang englishero talaga ng lalaking 'to. Kahit hindi ko kita ay alam kong mayaman s'ya.

I replied him okay. Blackzmzz is a boy. I visited his profile three months ago, he was one of the top player in the Kingdom Quest. Matagal na akong naglalaro ng Kingdom Quest, maybe 3-4 years? So masasabi 'kong sulit na ako ang Top 1 sa server ng Philippines. Ang ipinagtataka ko, kakabago pa lang niya ay nasali na agad sa Top players. Well second siya, hindi niya parin ako matutumba.

I invited him on my Journey Task, to kill some street monsters para mag-level up ang aking hero. Yung monsters na papatayin namin ay magbibigay ito ng gear para tumaas ang power ng hero namin.

Kingdom Quest is a stimulation game. You can choose any heroes at ikaw na bahala sa power nila. They can be a healer, a fighter, a magical hero and anything. Ang mas exciting lang nito ay 'pwede ka bubuo ng samahan o guild without maximum members at 'pwede kayong magsamasama to kill all monsters and to level up. And also to complete all the task. Pataasan lang kayo ng level sa laro na 'to.

The most highlight part, you can kill some heroes too! If they want your crown, well they have to fight you first.

"Nagsimula na ba?" Ysa asked at tumayo ito para lumapit saakin.

Tumango lang ako. Tutok na tutok ang mata ko sa computer. May kasama ako ngayon kaya dapat maging maganda ang kinalabasan nito.

Lumabas ang isang higanteng monster kaya napangisi ako. Too easy! It's a guardian of the underground.

Pinindot ko ang chat box and type some message.

[strcasey: It's a guardian of the underground. Level of the monster is 37, mapapatay lang natin ito by not using our ulti.]

[blackzmxx replied: Yeah, maximum life hp 1200, gift drop guardian shoes and mage staff level 2.]

Napangiti ako bigla. He knows everything kahit na baguhan lang ito. Lagi niya akong nasusurprise sa knowledge niya sa larong 'to.

"Oh, may kasama ka pala! Parang expert ah." Komento ni Ysa at halata sa tono nito ay namamangha siya.

Yeah, me too.

Una itong nag attack. Ginamit n'ya ang first skill at malaki na ang nawalang hp sa monster. Blackzmxx is a mage user, meaning malakas din siya dahil magic ang kaniyang hero.

Napakunot ang noo ko nung nag step back ang kaniyang hero at lumabas sa itaas ay 'blackzmxx is typing...'

[blackzmxx: You can kill it me'lady.]

"Oy! Ang gentlemen." With her high pitch scream ay medyo napalayo ako kay Ysa, bukod sa nasa likod ko lang siya. Pero malapit lang ang kaniyang bibig sa aking tenga. Kahit nakaheadset ako, rinig na rinig ang tinis ng boses niya.

[strcasey: Thank you, Mr.]

I replied to him. Hindi ko mapigilang ngumiti, it means ako ang kukuha ng mahuhulog na items sa monster. Such a gentlemen.

My hero stepped forward. I used my second skill at third skill, since my hero is a fighter. Usually girls play marksman, mage or any range heroes. Pero I like to play a girl fighter. Ang cool kasi tignan.

My hero wears a slim leather dress and matching hood were simple yet elegant, dark blue with small red crosses at the hems, and slitted up to her thigh to reveal an underskirt of blue mail. It looked like a formal dress. She has also a ornate plate on both shoulder, with leather-gloved both hand resting casually on the hilt of her sword. She has also another sword on her back, a big sword for her ulti.

When I saw the monster has a low hp status, sinagad ko na agad sa third ulti ko which is to slice the monster.

"Ayos!" Nag apir-an kami ni Ysa at we both laughed. It's so easy as a cake. Madali lang akong makakapatay ng monsters dahil sa level ko.

"Balik na ako sa pag-aaral, Casey. Ikaw din diyan ha? Paparating na ang exam." Pagpaalala nito saakin at tsaka bumalik sa kaniyang table. Kahit naka headset ako ay rinig na rinig ko s'ya.

"Opo Madame." I answered at napailing. Ysa, is really a grade concsious and also our one roommate na nasa library ngayon.

Napabalik ang tingin ko sa sa screen at kinuha ang mga nahuhulog na items na galing sa monster. Linapitan ko ang hero bi blackzmxx at nag tipa ng mensahe.

[strcasey: Ibibigay ko nalang sayo ang mage staff, since hindi ko naman to magagamit.]

[blackzmxx: Sure.]

I gave him the mage staff, since he is a mage hero kaya ko ito ibigay para mag-increase ang basic attack niya.

Mag type na sana ako na aalis na ako pero napatigil ako sa mensahe niya. Napaangat ang aking kamay baka 'kung ano pa ang matype ko 'don.

[blackzmxx: Since matagal na tayo partner sa larong 'to. Can you be my wife?]

Napatulala ako sa screen. The heck? Three months pa lang kami nagsasama ah?--

Napailing ako sa iniisip ko. Chill Casey, this is just a game. Not in real life. Pero bakit ganito? Kinakabahan ako na ewan.

Pumikit ako at bumuga ng hangin. Okay I'm overreacting to some random guy player!

Wala namang masama diba? Hindi naman siguro maapektuhan 'yung title ko as Top player. Madami din namang naging mag asawa sa game at magtutulungan ng task with same task to achieve at same gift na matatanggap o points.

[strcasey: Okay]

Pigil hininga 'kong inaccept ang relationship status ng hero nung lumabas ito.

[blackzmxx: Thank you, see you next time my wife. We can join for another task.]

That was his last message bago ito nag offline. Napahilig ako sa aking inuupuan. Kahit laro lang ito ay parang nababaguhan ako. I know this is a game but bakit ganito nagiging reaction ko?

Napailing ako at inoff ang laptop. "Mag-aral kana, Casey."

---

avataravatar
Next chapter