9 Chapter 9 : Meeting Her Family

7:30 AM

Bacolod - Silay International AirportArrivals Area

Hindi nagtagal at lumapag na ang eroplano kung saan lulan sila ni Rence. Pagkalabas ng Airport ay sumakay sila ng taxi papunta sa terminal, kung saan naman sila sasakay ng bus pauwi sa lugar kung saan siya lumaki. Valladolid is a town located south of Negros and a one-hour drive from the Airport.

She didn't tell her Aunts that she was coming home because she wanted to surprise them. Isa pa ay hindi niya rin gusto na mabigla ang mga tiyahin dahil sa may kasama siyang pauwi roon, dahil ang balak niya naman talaga ay umuwi mag-isa. Ngunit dahil kasama niya ang asungot na ito ay wala na siyang magagawa. Nandyan na, eh.

Pero anong sasabihin niya at paano niya ipapakilala na asawa niya si Rence dahil hindi naman niya sinabi sa mga ito na ikinasal na siya sa lalaking kasama niya?

Dahil doon ay napabuntong-hininga siya. Hay, bahala na nga si batman.

"Matagal pa ba?" ani ng asawa sa kanya nang nakarating sila sa terminal ng bus matapos bumaba sila ng taxi. "Bakit hindi kasi tayo nagpasundo?"

Umismid siya. Ang arte ng baklang 'to! "Hindi ako nagsabing uuwi ako ngayon. This trip is a surprise. Besides, hindi ako mayaman para magkaroon ng driver na susundo sa akin sa tuwing uuwi ako rito."

Isang irap naman ang isinagot sa kanya ng asawa. "Oo na. Ang dami mo nang sinabi. Parang nagtanong lang ako kung matagal pa ba ang biyahe natin."

"Buti nga hindi ko naisipang mag-barko pauwi rito kundi mas lalo kang magrereklamo," bulong niya. Napansin naman siya kaagad nito at pinagtaasan siya ng kilay.

"May sinasabi ka ba?"

"Wala. Wala akong sinasabi." Natanaw niya ang nakahintong ordinary bus sa di-kalayuan at nakita rin ang signboard niyon. Iyon na ang bus na sasakyan nila, kaya hinila niya ang kamay ng asawa para makasakay sila.

"Wait, saan tayo pupunta?" tanong nito sa kanya nang napansin nitong paakyat sila sa ordinary bus. "Sasakay tayo dyan? Ang init, walang aircon,"

Sa narinig niya ay hindi niya maiwasang mapataas ang kilay. "Choice mong sumama sa akin ngayon, tapos magrereklamo ka? Ano, sasakay ka ba o iiwan kita rito at sasabihin ko kina Mommy na nag-iinarte ka sa honeymoon natin?"

"Maka-mommy, feel na feel mo ah." Ismid nito sabay sunod sa kanya paakyat sa bus. "Eto na, aakyat na."

Susunod naman pala, mag-iinarte pa. Umupo sila sa pang-dalawahang upuan at pinili niya ang upuan sa tabi ng bintana. Napangiti siya dahil na-miss niya ang malamig na hangin na naglalabas-pasok sa mga bintana habang umaandar ito. Nalibang din siya sa nakikita niyang tanawin kaya hindi niya napansin na bababa na pala sila.

"Bangga Alijis!" ani ng konduktor ng bus.

"Sa higad lang, 'Nong," (Sa tabi lang po, Kuya) aniya, dahilan para huminto sila at bumaba sa kantong kinatitirikan ng bahay ng kanyang Lolo Bien. Sa malalaking hakbang ay mabilis nilang nilakad ang kalyeng iyon at ilang minuto ay narating nila ang bahay.

Home sweet home, aniya sa sarili. "Manug-balay!" (Tao po!)

"Inday, ari ka na gali! Abi ko indi ka pa ka puli?" (Nandito ka na pala, hija. Akala ko hindi ka pa makakauwi?)

Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang nakita ang magkahalong gulat at tuwa sa mukha nito. Natutuwa siya na-nasurprise niya ang tiyahin. "Indi ko gin pahibalo na mapuli ko subong kay surprise ta ka." (Hindi ako nagsabi ako na uuwi ako dahil surprise ko ito sa inyo.)

Mula sa kanya ay dumako ang paningin nito kay Rence. "Sin-o ni day? Katahom sa iya." (Sino siya, hija? Ang gwapo naman niya.) Ngumiti pa ito sa kay Rence, na sinuklian naman ng asawa.

Pasimple itong bumulong sa kanya. "Ano daw? Wala akong naintindihan. Baka binebenta mo na ako pero hindi ko alam."

Napataas naman siya ng kilay sa narinig. Gandang-ganda naman sa sarili na naman 'tong si bakla. "Ibebenta ka? Palagay mo ba may bibili sa'yo?"

"But of course," may pagmamalaking sabi nito. Kahit pa pabulong iyon ay rinig niya sa tono nito. "Nakita mo naman siguro sa Airport kanina, hindi ba?"

Hindi siya nakasagot agad kaya ginawang pagkakataon ni Rence iyon para ipakilala ang sarili sa Tita Martha niya, at inabot pa nito ang kamay sa tiyahin. "It's nice to meet you, po. I'm Timothy Lawrence Soriano, your niece's husband."

Gulat na napasinghap siya sa ginawang pambubuko ng asawa sa tiyahin niya kung sa ano talaga ang relasyon nilang dalawa. Balak pa sana niyang ipakilala lamang si Rence bilang kaibigan lang ngunit sinira nito ang plano niya. Parang gusto niyang hilain ang buhok nito at sabunutan sa inis niya. Ang talipandas na ito! Ano kayang pumasok sa utak nito at sinabing mag-asawa kami!

Asawa mo naman talaga siya, di ba? ani ng kontrabidang boses sa utak niya.

"Tu-od ni, Lizzette? Wala kami kahibalo na namana ka? (Totoo ba ito, Lizzette? Wala man lang kaming alam na nag-asawa ka na pala?) Kita niya ang gulat sa mukha ng tiyahin habang iniisip niya kung paano ipapaliwanag dito ang lahat.

"Tuod, tiyay. Bana ko si Rence," (Totoo po, Tita. Asawa ko si Rence,) aniya habang abot-abot ang panalangin na sana ay hindi magalit ang tiyahin sa paliwanag niya.

"Sorry for the late notice po, but it was never my intention to keep it to you, because you are her family. Kaya po kami umuwi dito dahil gusto po namin na malaman niyo na kasal na ako sa pamangkin nyo."

Napatango-tango naman ang Tita Martha niya sa paliwanag ni Rence kaya kumalma ng kaunti ang ekspresyon nito. Muling bumaling sa kanya ang tiyahin saka umiling. " 'Te, ano pa mahimo kay ara na." (Ano pa bang magagawa natin e nandyan na yan.)

Gustong-gusto niyang batukan ang lalaking katabi niya ngayon sa ginawa nito ngunit pinipigil niya ang sarili. Dahil hindi niya maipakitang nagagalit siya sa harap ng tiyahin ay pasimpleng sinamaan niya ng tingin ang asawa. Mamaya ka talaga sa akin, baklita ka, aniya habang pasimpleng pinapagapang ang kamay sa tagiliran nito at kinurot ng pino.

"Aray! Ano ba-" napalakas ang boses ni Rence at bumaling sa kanya, marahil ay nasaktan sa pangungurot niya dito.

"Na-ano ka 'to?" (Napaano ka, hijo?) Tanong ng Tita Martha niya kay Rence nang narinig nito ang pag-aray nito.

"Wala, tiyay, gin kagat siya sang langgam." (Wala, Tita, kinagat lang siya ng langgam.) Pasimple niyang pinanlakihan ng mata si Rence para makisakay sa sinasabi niya.

"Wala po, may isang malaking langgam po kasi na gumapang sa damit ko," anito habang pasimple nitong hinuli ang kamay niya. Nahuli nito iyon at hinawakan ng mahigpit, dahilan para maramdaman niya ang mainit na palad ni Rence.

Ngunit hindi niya rin inaasahan ang pagdaloy ng mumunting kuryente sa paghawak ng kamay nito sa kamay niya. Sasagot pa sana siya muli nang bumungad sa pinto ng bahay ang kanyang dalawa pang tiyahin. Malapit lang ang bahay ng mga ito sa bahay ng kanyang Lolo kaya mabilis nalaman na dumating siya. Nagulat man sa balita na nag-asawa na siya ay mas mabilis namang nakabawi ang mga ito at mas lamang ang kuryosidad kay Rence.

Pasimple niyang sinulyapan si Rence na tila tuwang tuwa pa sa pakikipag-usap sa mga tiyahin niya. Mabuti na lang na hindi inatake sa puso ang mga tita ko sa pinaggawa mo, dahil kung hindi, lagot ka talaga sa akin.

Natapos ang maghapong iyon habang kinakausap si Rence ng mga tiyahin niya. At dahil alam ng mga ito na mag-asawa sila ay sa kuwarto niya matutulog ito. Ibinaba niya ang isang bedsheet sa kama niya at ang isang unan para gamitin ni Rence. Hindi siya sanay na may katabi siya at isa pa ay inis pa rin siya sa ginawang pambubuko sa kanilang dalawa. Baka masipa lang kita, aniya sa sarili.

"Ano 'to? Sa sahig ako matutulog?"

"Oo," sagot niya habang ang kamay niya ay nakapatong sa baywang niya. "Sa tingin mo palalampasin ko ang pambubuko mo sa atin sa mga Tita ko? Halos atakihin sa puso 'yon kanina noong sinabi mo na asawa kita."

Lumapit ito sa kanya, dahilan para mapa-atras siya sa kama at bumangga ang likod ng kanyang mga binti sa dulo nito. "You're married to me and nothing can change that fact," ani Rence habang lumapit pang lalo, dahilan para mawalan siya ng balanse at masalo siya ng matatag na braso ng asawa. "You are my wife, Lizzette Soriano, kahit isang kasunduan lang ang lahat."

Umangat ang kanyang mga mata sa mukha nito kaya nagtama ang kanilang mga paningin. Dinig na dinig niya rin ang malakas ang tibok puso na tila ba nais na lumabas sa kanyang dibdib. Tila ba nahinto panandali ang mundo sa pag-ikot habang nakatitig siya sa mga matang iyon.

Rence kept staring at her and it seemed that he is trying to read what's on her mind. His eyes went down to her lips, when the sound of her phone rang inside their room, causing them to wake up from their trance. Breaking free from his grip, she opened the sliding wooden door to breathe. She can still hear the loud beat of her heart because of what happened a few minutes ago.

Kumalma ka, Lizzette.

Tumunog muli ang cellphone niya dahil sa paparating na tawag. Sinagot niya iyon dahil isa iyon sa mga kaklase niya at kaibigan noong high school. Kaya pala ito napatawag ay dahil pinaalala ang reunion nila kinabukasan. Nang natapos ang tawag ay pumasok siyang muli sa kuwarto at hinarap si Rence.

"Tutal pinanindigan mo na asawa kita, lubus-lubusin mo na. May reunion outing kami bukas ng gabi at isasama kita, My dear husband."

avataravatar