8 Chapter 8 : Husband and Wife

Umpisa na ng pagpapanggap namin bilang mag-asawa, aniya sa sarili habang nakatingin sa mga taong naroon para batiin silang dalawa ni Rence. Since this is their first day as a married couple, they would need to show that they are happy - or at least they need to act the part.

"Let's welcome the new Mr. and Mrs. Timothy Lawrence Soriano!"

"We would like to say thank you for everyone celebrating with us on our special day," ani Rence na nakangiti. Hinawakan pa nito ang kamay niya, na ikinagulat niya. Ngunit nagulat man siya sa ginawa nito ay hinayaan na lang niya ang asawa. Dahil dalawa naman silang nagkasundo sa kasal na ito ay kailangan niya rin namang umakto nang naayon sa agreement nila ni Rence. She was ready to play as a happy new wife to him when she heard the crowd cheering them do to what new couples do - and that was to share a kiss.

And what's worse, to do it in front of everyone else!

Anak ng pating, pumayag nga ako na ikasal sa lalaking 'to, pero hindi naman ibig sabihin noon ibibigay ko ang first kiss ko sa taong hindi ko gusto!

Mabilis niyang tiningnan ang asawa para sabihing pigilan ang mga tao sa paligid nila, ngunit wala itong pakialam. "Bakit hindi mo sila pinipigilan? Akala ko ba ayaw mo sa babae?" pigil ang bulong niya rito.

"Kiss! Kiss!" the chant from their guests got louder for them two to share a kiss. Pinandilatan niya si Rence para pigilan ang panunudyo ng mga tao sa paligid nila ngunit pinanlakihan lang siya nito ng mata na tila ba sinasabing makisakay na lang sila. Ang gagang 'to, hindi man lang pigilan ang mga tao sa pang-aasar sa amin!

Tumayo pa si Patricia at hawak ang wineglass, tinapik nito ang gilid niyon gamit ang kutsara, dahilan para mag-ingay ang baso. Dahilan para magsunuran na rin ang mga tao sa paligid nila. Dahilan para mag-umpisang dumagungdong ang dibdib niya sa mangyayari.

"Kiss! Kiss!"

"Stop them!" Pigil na bulong niya kay Rence para tigilan na ang panunudyo sa kanila ng asawa. Hindi ito pinapansin ni Rence, at nanatiling nakatingin sa kanya na tila may malalim na iniisip. Sumasabay sa ingay ng paligid ang tila tambol na pagkabog ng kanyang puso, hanggang sa tawirin nito ang distansya sa pagitan ng kanilang mga labi.

Dahilan para huminto panandali ang pag-ikot ng oras, at wala siyang ibang nagawa kundi pumikit at damhin ang mainit na mga labi nito. Napamulat na lang siya nang natapos ang halik nang saka niya lamang napagtanto ang nangyari.

Anak ng tinapa! Wala na! Inagaw ng baklitang 'to ang first kiss ko!

Sumabog ang palakpakan sa loob ng reception nang maghiwalay ang labi nilang dalawa. Nagngingit man ay hindi niya magawang makapag-react sa ginawa nitong pagnanakaw ng first kiss niya, kaya isang pilit na ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi.

Talipandas! sigaw niya sa isip sa magkahalong gigil at inis, kaya naman pasimple niyang pinagapang ang kamay patungo sa tagiliran ni Rence at kinurot iyon ng pino. Nangigigil ako sa'yo talipandas ka, humanda ka sa akin mamaya pagkatapos ng reception.

"Aray! What were you -" napalakas na sabi nito, marahil ay nasaktan sa kurot niya. Napansin kaagad nito na ang ang atensyon ng mga bisita ay nasa kanilang dalawa kaya isang ngiti ang gumuhit sa mukha nito na tila may kalokohang naiisip. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at pasimpleng hinila iyon.

"I'm just happy being finally married to her," ani pa nito habang hila pa rin ang mukha niya. "Right, my wife?"

Nangigil na nakangiti siya sa asawa. Bigyan Nyo pa po ako ng pasensya, baka po bigla ko na lang buntalin ang baklitang 'to sa gitna ng mga taong 'to. Pasimple niya itong tiningnan ng masama. "Let go!" bulong niya kay Rence.

"I'll let go if you stop acting up."

Ako pa ngayon ang nagiinarte pero ikaw naman tong nagnakaw ng first kiss kong hinayupak ka! Sigaw niya sa isip niya ngunit hindi niya magawang maisatinig. "Fine!"

Binitawan na siya nito at muling humarap sa mga bisita nila, habang siya naman ay nagngitngit pa rin. Mamaya ka talaga sa 'kin, baklita ka.

PAGKATAPOS ng reception ay umuwi na sila ni Rence sa isang condominium tower sa Makati, kung saan sila titira. Bago pa sila ikasal ni Rence ay doon na nakatira ang asawa, at inilagay rin nito roon na titira silang dalawa sa iisang bubong pagkatapos ng kasal.

Which means that she will be living with him for the next two years - until their contract is over.

Nang nakapasok na sa loob ng unit ay iginala niya ang paningin sa paligid. Everything is decorated in the shades of cream and brown. A wide ottoman couch sat on the corner of the living room, facing the wall which has a mounted large widescreen tv. Opposite it was the glass floor-to-ceiling sliding door, which leads to the terrace, overlooking the city around them.

Again, she scanned her eyes around the place, and what greeted her eyes was the kitchen and the dining room. Just like the living room, shades of cream and brown dominated the place. All of the furniture there was obviously barely used.

In fairness, lalaking lalaki ang hitsura ng unit ni bakla. Akala ko naman, puro pink at violet ang dadatnan kong kulay ng mga gamit dito, aniya sa sarili habang tinitingnan pa rin ang paligid. Nilakad nila ang hallway at nakarating sila sa mga kuwarto.

"We'll be sleeping in separate rooms as what we have agreed in the contract," ani Rence at itinuro ang isang pinto sa kanan niya. Pinihit nito ang seradura ng pinto, marahil para ipakita sa kanya ang magiging kuwarto niya. "This will be your room dahil kahit nakatira tayo sa iisang bubong, hindi naman tayo tunay na mag-asawa."

Nang narinig niya iyon ay tila ba nagpanting ang tainga niya dahil naalala niya ang ginawa nito kanina. "Since you mentioned it, bakit mo ako hinalikan sa reception kanina, Timothy Lawrence? Anong klaseng palabas 'yon?"

"Oh, that. Parte 'yon ng pagpapanggap natin di ba? Hindi ko rin naman ginusto yon, since I don't like kissing women. But you can forget that since that won't happen again," anito saka tumalikod na.

Ang walanghiya!

Sa inis niya ay dinampot niya ang throw pillow na malapit sa kanya at ibinato niya sa asawa kaya napaharap itong muli sa kanya. "How dare you! That was my - " aniya at hindi niya naituloy pa ang sasabihin dahil sa edad na beinte-tres ay ngayon lang siya nahalikan sa mga labi, dahil hindi pa naman siya nagkaroon ng boyfriend kahit kailan. Ngunit hindi niya iyon aaminin kay Rence.

Ang kaninang seryosong hitsura nito ay napalitan ng ngisi, nang napagtanto ang kanyang sasabihin. Tila ba nahulaan nito ang nasa isip niya.

No freaking way!

"Don't tell me that was your first kiss?" may halong panunudyong sabi pa nito. "Sorry not sorry, I stole it."

Dahil sa narinig ay lalo pang nagliyab ang mukha niya sa inis kaya naman malalaki ang hakbang niyang nilapitan ang asawa. Umigkas ang kamay niya para sampalin si Rence ngunit mabilis din nitong nasalag ang paparating na sampal - dahilan para lumapit na naman ang mukha nito sa mukha niya. Not again!

"Slap me and I'll kiss you again."

"Manyak na bading!" Gigil na sabi niya habang sinusubukang kumalas sa mahigpit na pagkakahawak nito sa palapulsuhan niya. "Bitawan mo ako, talipandas! Hinayupak ka!"

"Curse me all you want but that does not change the fact that this gay guy here claimed your first kiss." Tumingin itong muli sa kanya saka siya binitiwan. "Or you want a taste of my lips again kaya ka ganyan?"

Nangigil siya at itataas na naman sana niya ang kamay ngunit hindi niya ito itinuloy nang maalala ang banta ni Rence. Ayaw kong mahalikan na naman ng talipandas na to! "No way! Kung magkakaroon man ako ng pangalawang halik, hindi sa'yo."

Ngumisi itong muli, dahilan para mainis siyang lalo. "Sabi mo, eh." Tumalikod muli ito at nagsimulang maglakad patungo sa kuwarto nito nang bigla itong bumaling sa kanya.

"Oo nga pala, matulog ka na. We have an early flight tomorrow dahil sasama ako sa'yo sa Bacolod." sabi nito at tuloy-tuloy na pumasok sa silid nito. Nanatili pa siya sa kinatatayuan hanggang sa isara ni Rence ang pinto ng kuwarto at mawala sa kanyang paningin. Napadampi na naman ang kanyang mga daliri sa kanyang labi, dahilan para maalala na naman niya ang ginawa ng asawa kanina sa reception at mag-init ang mukha niya sa hiya.

"Hudas na baklita! Makakaganti din ako sa'yo sa pagnanakaw mo ng first kiss ko, hinayupak ka!" aniya muli at padabog na pumasok sa silid niya.

5:30 AM

NAIA Terminal 3 Departures Area

Maaga silang nasa Airport ni Rence habang hinihintay nilang mag-board sa eroplanong sasakyan nila pauwi ng Negros. Nakaplano na ang pag-uwi niya ng probinsya, at bago pa man niya nakilala at ikasal sa ngayong asawa na niya ay nakapag-book na siya ng ticket.

Itutuloy niya ang pag-alis kahit pa isang araw lang iyon matapos ang kasal niya kay Rence. Akala niya pa naman ay tahimik ang kanyang magiging bakasyon, ngunit meron pala siyang asungot na kasama. Walang iba kundi ang baklita niyang asawa. Ang malala pa, iyon ang magsisilbing honeymoon nila!

Ngayon ay nakasandal ito habang nakapikit na natutulog sa isa sa mga upuang naroon. Clad in simple mustard yellow printed tee shirt, tattered jeans, top-sider shoes and hair that is slightly disheveled, he has no trouble getting people's attention around them. Kahit nakapikit pa ito.

Halos lahat yata ng napapadaan sa tapat nilang dalawa ay nasa kay Rence ang atensyon. May mangilan-ngilan pa nga siyang nakikitang mga teenager na pasimpleng kumukuha ng picture ng asawa. At habang ito ay tila walang pakialam, kabaliktaran naman niyon ang kanyang nararamdaman.

Naalibadbaran siya sa atensyon na nakukuha ni Rence, at dahil katabi niya ito sa upuan ay natural na napapansin siya. Siya ang babaeng ayaw na ayaw ng atensyon kaya naman nakasimangot na niyang tiningnan ang asawa. Kanina pa ako nabubuwisit sa mga aali-aligid dito ha. Ito namang isang 'to, gustong-gusto namang pinagtitinginan siya!

"Enjoying the view?" tanong nito sa kanya kaya naman tumaas ang kilay niya sa paraan ng pagtatanong nito.

"Aling view? Wala pa naman tayo sa probinsya kaya anong view ang sinasabi mo diyan?" she answered and crossed her arms. A smirk crossed his lips, causing her to be more irritated than she was now.

"This view," anito at itinuro pa ang sarili. Nang nakita nito ang pag-ismid niya ay tila lalo pang natuwa si Rence sa reaksyon niya. Hindi pa nakuntento at pasimple pang inginuso nito ang mga tao sa paligid na tumitingin sa kanilang dalawa. "Are you jealous, my wife?"

Umikot ang mga mata niya mula sa narinig. "Hah! Anong jealous? Naalibadbaran kamo," inis na sambit niya. "What's there to be jealous about, anyway?"

"Deny it all you want, I know you're jealous."

"Kapal!"

avataravatar
Next chapter