7 Chapter 7 : You're mine, for the meantime

SA biglang paghawak ni Rence sa mga kamay niya ay nagulat siya, kaya naman hindi siya kaagad nakapagsalita. Nagpalipat-lipat siya ng tingin mula sa kamay nitong hawak ang kamay niya at sa mga mata nito. Tiningnan pa siya ni Rence na waring sinasabi na umayon na lang sa sinasabi nito kaya naman napa- "oo" na lang siya.

"Ah, yes, Mommy, we'll be setting the wedding date next month. Rence will be taking care of it," sagot niya saka muling tinapunan ng tingin si Rence.

Oha, akala mo ikaw lang ang marunong mang-pressure. Ako 'tong kinulit-kulit mo, kaya bahala kang mag-adjust.

Tiningnan siyang muli ng binata, at alam niyang naiinis na ito ngunit nakangiti itong bumaling kay Patricia. "Yes, Ma. But Lizzette will help me with the arrangements."

"That's great to hear, hijo!" palatak ng ginang na halatang tuwang-tuwa sa narinig. "Finally, my son is going to be married at last. I can't wait to prove them wrong from what about I'm hearing about you." Ngayon ay sa katabi naman nitong si Levi ito tumingin. "How about you, son? When you will find the woman you will marry? I want to see my grandkids from you bago ako mawala sa mundong ito."

Napangiti naman si Levi sa sinabi ni Patricia. Hindi sinasadyang nagtama ang kanilang mga paningin kaya naman isang ngiti ang ibinigay niya rito, na sinuklian naman ng binata. Buti pa ang Kuya Levi niya, straight na nga, gwapo at mabait pa.

"Mommy naman. I'm sure that you will still live long kaya naman makikita mo pa ang mga apo mo sa akin. Besides, I am only twenty-nine kaya mahaba pa ang panahon para makakita ako ng babaeng pakakasalan ko."

Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Rence kaya naman pasimple pa siyang siniko nito. Hindi niya tuloy malaman kung nagseselos ba ito sa pakikipag-interaksyon niya sa Kuya Levi nito. Gusto na nga niya itong tanungin kung bakit ganoon na lang ito makareact gayong ginagawa niya lang naman ito para makilala ang kanyang magiging bagong pamilya sa susunod na dalawang taon.

"Ano bang problema mo?" bulong niya rito.

"Kuya ko 'yang nilalandi mo," ganting-bulong naman nito.

"Sobra 'to, anong landi?" mahina ngunit may diing sabi niya para hindi sila mahalatang nagdidiskusyon ng binata. "Nakikipagkilala lang ako sa Kuya mo. At saka mabait siya, hindi gaya mo."

"You're too obvious, you thought I wouldn't see it? Kitang-kita ko na gusto mo si Kuya."

"So, selos ka naman nyan."

Kita niya namang tumaas ang kilay nito. "Excuse me, I am not jealous – "

"Is there something wrong, Rence, Lizzette?" ani Patricia Cavalli na nagpahinto sa nagbabanta na naman nilang pagbabangayan ng binata. Nakahalata yata sa unti-unting pagtaas nila ng boses nilang pareho.

"Nothing, Mom," sagot nito sa ina at ngumiti pa para ipakita na hindi sila nag-aaway. "Liz is just happy finally getting to know Kuya Levi and you, Mommy."

Kahit nakangiti ay nahimigan niya ang sarkasmo sa pagsasalita ng binata, kaya hindi niya napigilang mainis. Kung hindi ko lang alam na pilantik ang kamay ng baklitang 'to, iisipin ko talagang nagseselos ito sa Kuya niya. Kanina pa ako nakakahalata ah.

"Tama po si Rence, Mommy. Gusto ko po kayong mas makilala pa kayong dalawa ni Kuya Levi dahil magiging parte na ako ng pamilyang 'to." Kapagkuwa'y bumaling din siyang muli sa kay Rence. "Hindi naman siguro masama 'yon, di ba, honey?"

"Of course not,"

Nang nakitang hindi na makasagot ang binata sa sinabi nya ay lihim siyang napangiti. Kala mo, hindi kita papatulan? 'Yan ang akala mo.

Natapos ang dinner nila sa pamilya ng binata hanggang sa hinatid siya nito sa bahay niya. Wala silang kibo hanggang sa makarating sila sa apartment niya sa Makati. Nang huminto ang kotse ay bubuksan na niya ang pinto nito ngunit pinigilan siya ng binata.

"Wait. Here," inabot sa kanya ng binata ang isang manila envelope. Kinuha niya iyon at dinukot ang laman niyon, at nakita ang ilang pahina ng papel. "That's the contract for our two-year agreement. Nakasulat din dyan ang mga do's and dont's sa pagsasama natin."

Binasa niya iyon at hindi niya mapigilang matawa sa sinabi nito. "Talagang pinaghandaan mo ito at may contract ka pa para rito. Huwag kang mag-alala, wala akong lalabagin sa kontratang 'yan."

"Just making sure that what will be between the two of us is purely business," anito na nakahalukipkip pa. "But I forgot another rule and that's the most important." Lumapit ito sa kanya at deretsong tiningnan siya sa mga mata. "Bawal ma-inlove sa akin."

Tinapatan niya ang tingin nito. "Hinding-hindi ako maiinlove sa'yo."

Ilang segundo pa ang dumaan at nanatili itong nakatingin sa kanya, bago nagbawi ng tingin. "Good. Anyway, aalis na ako. I'll see you for the arrangements for our upcoming wedding."

Tumango siya. "Alright, I'll see you." Tuluyan na siyang bumaba ng kotse, at tuloy-tuloy na pumasok sa kanyang apartment. Hawak niya pa rin ang envelope at nang naalalang hawak niya iyon ay napailing siya. Hinila niya ang mga papel sa loob, dahilan para mabasa ang nakasulat roon.

"Naisipan niya talagang gumawa ng ganito, ha," aniya habang binabasa ang mga dokumento at tila kinakausap ang binata sa harap niya. "Wag kang mag-alala, hinding-hindi ako mahuhulog sa 'yo."

Ibinalik na niya ang mga papel sa envelope na iyon at inilagay iyon sa pinakaibabaw na drawer niya. Nahagip uli ng kanyang paningin ang picture frame ng kanyang Lolo Bien. Dinampot niya iyon at hinaplos ang nakangiting picture ng namayapa niyang Lolo.

"Lolo, hindi po ako galit sa 'yo." aniya habang nakatingin sa picture. "Kahit pinagkasundo nyo po ako sa mestisong bangus na 'yon, basta mabawi ko lang po ang lupa ninyo. Ayaw ko po mawala sa akin 'yon, 'Lo. Kasi 'yan na lang ang alaala nyo sa akin."

Naglandas ang luha sa kanyang pisngi kaya dagli niyang pinahid iyon, gamit ang kanyang palad. "Nahidlaw na gid ko sa imo, Lo. Miss na kita, Lolo."

Mabilis na lumipas ang isang buwan at dumating ang araw ng kasal nila ni Rence. Nasa loob sila ng hotel room na kinuha nila kung saan siya manggagaling dahil sa isang simbahan sa Quezon City. Si Alex lang ang kasama niya roon dahil hindi niya naman sinabi sa mga tiyahing nasa probinsya na ikakasal siya.

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" tanong ni Alex sa kanya habang nasa loob sila ng hotel room. Katatapos lang siyang ayusan ng make up artist at pinalabas niya muna iyon para saglit silang makapag-usap.

"Kailangan ko para mabawi ang lupa ni Lolo, besh. Saka dalawang taon lang naman ang hinihingi ni Rence, eh. Nagkasundo kami at malinaw rin na hindi kami maiinlove sa isa't-isa."

"Besh, dalawang taon kayong magsasama sa iisang bubong ni Rence. Hindi kaya kainin mo rin ang sinabi mo?"

"Malabong magkagusto kami sa isa't-isa. Malabo akong magkagusto sa kanya."

"Don't say I didn't warn you."

"Huwag kang mag-alala sa akin. Pupusta ako na matatapos ang dalawang taon na ito, pero wala kaming magiging relasyon."

"Hay, bahala ka na nga." Sinipat nito ang cellphone na hawak at tiningnan ang oras roon. "It's time to go to the church, alas tres na."

Tumango siya. "Let's go."

NAKAPWESTO na ang lahat ng tao sa loob ng simbahan na iyon at siya na lamang ang hinihintay. The church's grand door had begun to open, revealing her on her wedding gown. The wedding march began to play and she slowly walked down the aisle.

Sa ilalim ng kanyang belo, nakita niya ang lahat ng mga mata ng mga taong naroroon ay nakatingin sa kanya, kaya ibinaling niya ang kanyang paningin sa kanyang groom na naghihintay sa tapat ng altar. Sa puting tuxedo nito ay hindi niya mapigilang mapansin ang kaguwapuhan nito.

Sayang ka talaga, bakla. Ang gwapo-gwapo mo, naging pusong-babae ka lang. Ang gandang lahi sana ang maibibigay mo sa mundo kung hindi lang din lalaki ang gusto mo.

But for now, magiging gaya ka muna nila sa loob ng dalawang taon. Because you will be my husband - and you're mine, for the meantime.

avataravatar
Next chapter