6 Chapter 6 : Meeting the Family

Hindi siya makapaniwalang pumayag na siya sa alok ni Rence na maging asawa nito sa loob ng dalawang taon. Napabuntong-hininga siya sa nangyayari sa buhay niya. Noong mga nakaraang linggo lang, single ako. Ngayon, may-asawa ako. After two years, annulled ako. Ano na, Lizzette? Ang bilis mo magpalit ng relationship status, ha?

"Oy, babae, bakit mo kasama iyong bagong boss natin?" kuryosong tanong sa kanya ni Erin nang makaupo sila sa working cubicle nila. Eto na nga bang sinasabi ko. Ayaw na ayaw ko ng atensyon pero 'yong baklitang 'yon naman, parang gustong-gusto! Bunutin ko isa-isa 'yong kilay no'n eh!

"Wala, nagkataon lang na nagkasabay kami papasok dito. Yon lang yon."

"Weh? Sure ka?" anito na ikinataas ng kilay niya.

"Pati ba naman ikaw, Erin?"

"Eto naman, joke lang," ngiti nito sa kanya ngunit tila ba nahihimigan niya ang pang-aasar dito. "Pero in fairness bagay kayong dalawa."

Lalo pa siyang napaismid sa narinig. "Dyan ka na nga."

"Huuy, biro lang yun!"

"Whatever."

MIYERKULES ng hapon. Maaga siyang umuwi galing sa opisina dahil sa dinner niya kasama ang Mommy ni Rence. Alas-siete ay dapat nakarating na sila sa bahay ng ginang sa White Plains kaya naman maaga siyang umuwi para makapag-ayos. Kahit naman mukhang mabait si Patricia Cavalli ay gusto naman niyang magmukhang disente.

Napabuntong-hininga siya at dinampot ang picture frame ng kanyang Lolo Bien. Kahit naman pinagkasundo siya ng Lolo niya ay hindi niya magawang magalit dito. Ayaw niya ring mawala ang alaala nito kaya kahit magpakasal siya kay Rence para lang mabawi ang lupa ay gagawin niya.

Lolo, pareho po ba kayong trainee ni Kupido ng Lolo ni Rence? Medyo sablay po kasi yung pinana nyo e pusong babae yon. Kita nyo naman, mukha pang mas maldita pa kaysa sa akin. Sana sa straight man lang na apo ako pinagkasundo.

Inabutan pa siya ni Alex na ngayon ay nagpunta sa apartment niya para kumuha ng ilang gamit. Kahati niya noon sa apartment si Alex ngunit nang naging boyfriend nito si Joaqui ay nagsimula na ring magsama ang dalawa sa iisang bubong. Kaya heto siya, naiwan na namang mag-isa.

"Aba, anong meron at bihis na bihis ka?" tanong nito sa kanya nang nakita ang suot niya. "May date ka no?"

"Hindi date," sagot niya. "Meet the parents, kamo."

"Meet the parents nino? Hoy, Lizzette, may jowa ka ba na hindi ko alam?" pag-uusisa sa kanya nito.

"Well, if you're surprised, lalo na ako. I'm getting married."

"Ano? Magpapakasal ka? Kanino?" pasigaw na tanong ni Alex sa kanya nang sinabi niya ang pagpapakasal, marahil sa gulat nito. "Lasing ka ba?"

Naiiritang tumango siya. "Hindi ako lasing, at lalong hindi ako bingi kaya huwag kang sumigaw."

Hindi pa nakuntento si Alex at dinampi ang isang kamay nito sa leeg niya habang ang isa naman ay nakadampi sa sariling noo nito. "Wala ka namang sakit. Hindi ka rin naman nilalagnat."

"Gagang 'to," aniya at hampas niya sa kamay ni Alex na nakadampi sa balat niya. "Anong akala mo sa akin, lasing kaya kung ano-ano ang sinasabi?"

"Well, slight."

"Umuwi ka na nga!" pagmamaktol niya dahil ayaw pa siyang paniwalaan ng kaibigan sa sinabi niyang magpapakasal na siya. "Mukha ba akong nagjo-joke?"

"Hindi ka naman mukhang seryoso eh." anito sabay tawa pa at napatigil siya sa pag-aayos ng sarili. Nahagip pa niya ang unan at akmang ibabato niya rito ngunit agad itong nakailag. "Mukhang naisahan ka na nga talaga ng best friend mong si Kupido."

Lalo lang kumunot ang noo niya sa narinig. "Bakit? Paanong naisahan?"

"Hindi mo ba napapansin, besh? Kung kailan pakiramdam mong sinasabotahe ni Kupido ang lovelife mo, saka naman niya pinadala ang magiging asawa mo."

"Loka. Kung ano ang kasunduan namin ni Rence ay dahil pareho lang kaming may kailangan sa isa't-isa. We're not getting married for real kaya hindi ako naisahan ng batang may pana na 'yon."

Isang ngisi lang ang isinagot sa kanya ni Alex. "Beware, besh. Huwag kang magsasalita ng tapos. Baka kainin mo rin 'yan," dugtong nito. "Anyway, who's the unlucky guy?"

"Hah, unlucky talaga? Timothy Lawrence Soriano." aniya.

Muntik pang mabitawan ni Alex ang hawak na tasa na may lamang kape. "Sino?"

Kapakuwa'y kinuha niya ang cellphone at nagsimulang pumindot roon. She hit the search key and typed in Rence's full name. Ilang segundo pa at pinakita niya ang screen ng aparato sa kaibigan. "Tim Soriano. Ito oh."

"Teka? Tim Soriano ng Soriano Group of Companies? Sigurado ka bang hindi ka nananaginip?"

"O, kanina, sabi mo lasing ako. Ngayon, nananaginip naman."

"Besh naman. Tim Soriano 'yan, oh. Ibang level yan, eh. Tapos sasabihin mong siya ang mapapangasawa mo?"

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." aniya na sinipat ang sarili sa tapat ng full length mirror. She wore a blush pink v-neck bodycon dress and a pair of peep-toe wedge sandals. Kinulot lang niya ang dulo ng buhok at light make-up lang ang inilagay niya sa mukha. Ini-la-lock na lang niya ang kanyang hikaw sa tainga nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at nakitang may message na galing kay Rence.

Timothy Lawrence Soriano :

I'm here outside your apartment gate. Come out now.

Napasimangot siya sa nakita niyang text message na galing sa binata. "Ang bossy talaga ng baklitang 'to," bulong niya. "Kahit sa text, bossy pa rin."

"Beks, tumunog yung doorbell, may bisita ka ba?

"Si Rence 'yan. Nagsabi siya na susunduin nya 'ko."

Narinig pa niya ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag na papalapit, senyales na kasunod na ni Alex si Rence. Napalingon siya at nakita niya ang binata na nakatingin sa kanya habang papalapit ito sa kanya. Wearing a light blue dress shirt that has been rolled up to his elbows, it's not so hard to tell that he came straight from his office to pick her up. Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya matanggal ang mga mata sa binata gayong nakita na naman itong na ganito ang suot?

"Let's go?" basag nito sa katahimikan nila, dahilan para mawala ang pagkakatitig niya rito. Dinampot na niya ang maliit na bag na dadalhin niya nang napalingon siya sa kaibigang si Alex. Alam niyang nagulat ito sa kung sino ang sumundo sa kanya at sigurado din siyang naniniwala na ito sa kanya.

"Yeah," tango niya ngunit naalala niyang ipakilala ang kaibigan. "Rence, I'd like you to meet Alexandra De Castro." Ngayon ay bumaling siya kay Alex. "Alex, meet Timothy Lawrence Soriano."

Nag-abot ng kamay si Rence kay Alex na gulat pa rin. "It's nice to meet you."

"I-it's nice to meet you too, Rence." Tinapunan niya ng tingin ang kaibigan at sumagot ito na naniniwala na ito sa kanya.

"We'll go ahead, Alex," ani uli ng binata saka naman ito bumaling sa kanya. "We're going to be late."

"Sige na, Alex, aalis na kami. Paki-lock na lang itong bahay pag-alis mo, ha?"

"Sige. Ingat kayo."

Lumabas na silang dalawa ni Rence ng apartment niya. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse nito nang ito na ang mismong naghila ng pinto para sa kanya. Marunong naman palang maging gentleman ang baklitang ito kahit may pagka-demanding.

"Thank you," usal niya. Naupo na siya sa shotgun seat habang ang binata naman ay nasa driver's seat. "Nasaan ba ang buckle ng seatbelt mo?" tanong niya habang nakatingin sa gilid ng kanyang upuan para hanapin ang buckle ng seatbelt nang dumukwang ito sa harap niya, dahilan para maglapit ng husto ang mukha nilang dalawa. Hindi ako magaling sa math pero delikado ang distansya ng mga mukha namin, at kaunti na lang mahahalikan ako ng baklitang 'to!

Ngunit hindi niya alam kung bakit nanatili siyang nakatitig sa mukha nito kahit pa kaunti na lang ay maglalapat ang mga labi nila. Ang mga mata ng binata ay nasa kanyang mukha pa rin, hanggang bumaba ang mga mata nito sa labi niya. Bracing herself for his kiss, she closed her eyes when a phone rang - waking them both from their trance.

Lumayo ang mukha nito sa kanya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa. "Yes, Mom. Yes, papunta na kami. I've just picked her up. Yes, give us two hours. Alright, see you."

My gulay! Ano yon! Idinampi niya ang mga palad sa kanyang pisngi na ramdam niyang nang-iinit sa hiya. Tila din nakipagkarerahan sa bilis ang puso niya habang naiisip ang muntik nang nangyari ilang minuto lang ang nakakaraan. Nakabibinging katahimikan ang pumailanlang sa kanilang dalawa, hanggang sa makarating sila sa bahay ng Mommy ni Rence.

Iginala niya ang paningin sa loob ng bahay at sinalubong sila ng ginang. Halata sa itsura nitong natutuwa itong makita silang dalawa. "It's nice to see you again, hija," ani ng ginang habang nakikipag beso sa kanya. "Hinihintay ko kayong dalawa. Mabuti at dinala ka na ng anak ko dito sa bahay ko."

Isang ngiti ang isinagot niya rito. "It's nice to see you din po, Ma'am."

"Ikaw naman, hija. Didn't I tell you na huwag mo na akong tawaging Ma'am? It's Mommy Pat."

"Opo, Mommy Pat."

Isang lalaking kamukha din ni Rence ang lumapit sa kanila. He has the same features as Rence has but this one has a more gentle aura. A smile spread on his face revealing those dimples.

"Leon Vicente Soriano IV," anito. Ang gwapo naman ng nilalang na 'to. Pati boses ang gwapo din! "But you can call me Levi. I'm Rence's older brother." Iniabot ni Levi ang kamay nito sa kanya para makipagkamay. "It's nice to see you at last."

Ngumiti siya pabalik habang iniabot din ang kamay ni Levi. "Salamat. Lizzette Hyacinth Cabullo, pero Lizzette na lang," aniya.

"She's my wife, Kuya." Lumingon siya sa binata at nakita niyang salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ano na namang problema ng baklitang 'to at bigla na lang nagsusungit? Parang nakikipagkilala lang, eh.

"Let's go, the food might get cold," ani ng Mommy ni Rence sa kanilang lahat kaya nagtungo sila sa dining area nito. "Welcome to my humble home,"

"Ang laki nga po ng bahay nyo, Mommy."

"Treat this as your home, hija. Huwag mo akong ituring na iba, ha? Since you are my Rence's wife, you're now my daughter, okay?"

Napatango naman siya rito kahit nahihiya sa kabaitan nito. "Opo, Mommy." Umupo naman silang lahat sa dining table na iyon at napag-usapan ang tungkol sa kanya at kay Rence.

"Rence, hijo. When's the wedding ceremony going to be held? I will be inviting all of my amigas to the wedding."

"We'll be doing the wedding ceremony as you wanted next month, Mom," ani Rence na tumingin sa kanya at inabot ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. "Right, honey?"

avataravatar
Next chapter