5 Chapter 5 : The Contract

Napabuntong-hininga siya nang naisip ang kondisyon ng Lolo niya para lang makuha niya ang kanyang mana. Tila naririnig pa niya ang boses ni Attorney Sanchez na kailangan niya talagang pakasal kay Lizzette, kundi ay mapupuntang lahat ito sa mga charity.

It was obviously his grandfather's plan to make him a real man, knowing that he's gay. Even if his Lolo saw him that he has a woman's heart, he never heard him say hurtful words. If anything, his Lolo accepted him. And he was thankful for that.

But he did not also expect that his Lolo Leon has a surprise prepared for him. A surprise that would turn his life into a complete 360. It also seemed that it was not just his grandfather has took into a liking into this woman but his mother as well. Kaya ano nga ba ang choice niya kundi ang suyuin ang babaeng pakakasalan niya?

Napabuntong-hininga muli siya, saka lumabas siya sa munti niyang opisina. Pupuntahan niya ang dalaga at magbabakasakaling pumayag ito sa iaalok niyang dinner.

Ano na, Rence? Talagang magiging lalaki ka na? Aalukin mo talaga ang babaeng yon na maging asawa mo?

Eew. Lason!

Lason ka dyan. Wala ka talagang choice kundi ang gawin yan kundi sa kalsada ka pupulutin.

Nagtatalo man ang kalooban niya ay pinuntahan niya ang boss ni Lizzette para itanong ang schedule ng dalaga. "Yes, hijo?"

Isang ngiti ang isinagot niya rito. "I was wondering kung anong oras ang shift ni Lizzette, Sir?"

Tila naman nagliwanag ang mukha ng matanda at ngumiti pabalik sa kanya. "Naku, don't call me Sir, as I am your co-partner in this firm. I owe your grandfather a lot, so treat me like your father."

"Thank you, po."

"Walang anuman. Now, what is it about? Ah, Lizzette. She's until five today." Tumingin pa uli at hindi pa rin nawala ang ngiti nito. "That girl is beautiful, she's smart as she's one of my top employees. Bagay kayo, hijo."

He cringed. Now this is what it feels like when I tease Yla to Jason before. No way! Sigaw niya sa isip ngunit hindi niya ito magawang maisatinig, at isang pilit na ngiti ang lumabas sa mga labi niya ngunit parang hindi naman ito napansin ng matandang lalaki. "Ah, eh. I can agree with you po."

"Bueno, puntahan mo na siya roon sa working area niya. Good luck with her."

Inis na inis man siya ay hindi niya magawang maipakita iyon, kaya naman lumabas ng opisina ng matandang lalaki at nagtungo sa working cubicle ni Lizzette. Ngunit bago pa siya nakarating sa cubicle nito ay nakasalubong na niya ang dalaga.

"Anong ginagawa mo rito?"

Labag man sa loob ang gagawin ay tinanong niya pa rin ang dalaga. "Mom's been asking about you. She wanted to ask if you can go to dinner with me on Wednesday night."

Mataman siyang tiningnan ng dalaga na tila ba binabasa ang nasa isip niya. Looking at her eyes made his heart jump a little. Which surprised him.

"Yes," walang kagatol-gatol na sagot nito. "And you said that your offer still stands, right? What would I get in return?"

Yes daw? Tama ba ang narinig ko?

Anong masamang espiritu ang sumanib sa babaeng ito at biglang pumayag? At ngayon ay nagtatanong pa kung anong mai-offer ko?

Lumingon-lingon siya sa paligid kung may nakarinig ba ng pinag-uusapan nila. Wala naman siyang nakitang nakikiusyoso pero mabuti nang sigurado. "Can we talk somewhere private? Since you agreed, then I'll tell you the rest of the offer."

"Kukunin ko lang ang bag ko, hintayin mo ako," sagot ng dalaga sa kanya. Ilang saglit lang ang lumipas at nagpakita itong muli dala ang handbag nito.

"Let's go," aniya at iginiya ang dalaga sa Ford Mustang niya. Dinala niya si Lizzette sa isang malapit na cafe kung saan siya madalas na nagpupunta. Kahit ang mga waiter ng cafe na iyon ay kilala na siya kaya naman nang makita siya ng waiter na si Santi ay dinala silang dalawa kaagad ni Lizzette sa favorite spot niya.

"Thank you, Santi," aniya. "The usual, please."

"Right away, Sir Rence," sagot nito na halong pagtataka at gulat ang nasa mukha ng waiter. Ramdam niyang kuryoso ito sa kung sino ang babaeng dinala niya ngayon dahil ang alam ng mga tao sa cafe na iyon ay may boyfriend siya.

"Payag na akong maging pretend wife mo. Pero may kailangan din akong hingiing pabor sayo." ani ng dalaga.

Kahit nagulat sa sinabi nito na papayag na ang dalaga na maging kunyaring asawa niya ay nagawa niya pa ring magsalita. "An even deal, let's hear it. What is it that you'd like to ask?"

Ilang saglit itong tumahimik at kapagkuwa'y tumingin sa kanya. "Kailangan ko ng malaking halaga para maisalba ang lupang iniwan sa amin ng Lolo Bien. Kasama iyon sa kinatitirikan ng bahay namin ngayon at mai-ilit na iyon ng bangko kapag hindi namin ito nabayaran. I don't want to lose that land and that house because it holds memories for us. Plus, that's where I grew up."

Napatango-tango siya. "And how much do you need?"

"Five million. It's a five-hectare land, including the house."

"That's a big amount."

"Eh di kung ayaw mo, e di-"

Napataas siya ng kilay. "Wala akong sinabing hindi ako papayag. Sinabi ko lang na malaking halaga iyon. Since you have agreed to be my wife, I'll be giving you that amount," putol niya sa sasabihin ng dalaga. Kaloka! Ang bilis manakot ng babaitang ito!

"Hindi bigay, Rence. I will be paying back the five million kahit paunti-unti."

"Alright, if you insist." dumating ang waiter at inilapag nito ang pagkain nila. Nang matapos ito at umalis sa table nilang dalawa ni Lizzette ay saka siya muling nagsalita. "Dahil may mga papeles na mag-asawa na tayo, I'll just need you to pretend to be my wife for two years. After that, we can file an annulment."

"Sige, payag ako. Two years lang naman, di ba?"

"The deal's set, then. I'll be giving you the contract once we meet on Wednesday."

Pagkatapos ng lunch nilang dalawa ay bumalik na silang dalawa sa opisina. Pinagtitinginan man sila ng mga kasama nila ni Lizzette ay hindi niya iyon alintana.

Pasimpleng bumulong sa kanya ang dalaga. "Pwede ba, huwag tayong magsasabay sa pagpasok dito. Takaw-atensyon, eh."

"You better be get used to it, my wife. Remember the contract? You will be tied to me for two years."

avataravatar
Next chapter