4 Chapter 4 : Lizzette, The Reluctant Bride

"Marry me. Be my pretend wife."

Tila ba sirang plakang paulit-ulit sa tainga niya ang mga salitang iyon na narinig niya mula sa binatang nasa higaan. Hinihintay niya na biglang may magsabi na isang biro lang ang lahat at pina-prank siya ng mga taong nasa harap niya.

"Teka, joke ba 'to?" aniya at luminga-linga sa paligid para makita kung may camera ba sa paligid. Baka naman kasi pina-prank lang siya ng mga taong nasa harap niya ngayon, na nanatili namang seryoso.

"I know you're surprised, dahil ngayon mo lang kami nakilala at ganito na kaagad ang hinihingi namin sa iyo. But you are the only choice."

"Paanong ako lang ang only choice nyo? Kung hindi pa siguro kita tinulungan kanina, malamang na hindi kita nakilala. Baka nga marami pang gustong maging asawa mo kung hindi ka lang hmmmm, alam mo na."

Nakita niyang tumaas na naman ang kilay nito sa pagkakarinig sa huling sinabi niya. "Let's get this straight. What's your problem with me being gay?"

"Wala naman."

"Mabuti naman."

"Teka. Bakit nga ba pinagpipilitan mong maging ako ang asawa mo? Ni hindi mo nga ako kilala at ngayon mo lang ako nakita. At, sigurado naman ako na mas marami pa diyang maging mas puwede kaysa sa akin."

"Because you are the one for me," anito na nagpagulat na naman sa kanya. Sa narinig niyang ilang salita na iyon mula sa binata ay tila ba tumalon-talon ang puso niya sa hindi malamang dahilan.

Because you are the one for me...Bakit yata ang romantic ng dating?

Mataman ang tingin nito sa kanya, na tila ba binabasa ang iniisip niya. Nang nakita nito ang gulat sa ekspresyon niya ay nagsalitang muli ito. "What I mean to say is ikaw ang itinakdang ipakasal sa akin dahil sa kasunduan ng mga lolo natin."

"Ano?" Lalo lamang siyang naguluhan sa mga nangyayari. Kanina lang ay siya ang itinurong asawa ni Rence, at ngayon ay nalaman niyang dahil pala ito sa kasunduan ng mga lolo nila.

"Bienvenido Cabullo is your grandfather, correct?"

Bienvenido Cabullo, or her Lolo Bien, is her paternal grandfather. He passed away a few years ago, and she didn't remember him telling her anything about an arranged marriage. Now finding out about it gave her a shock.

"Paano mo nakilala ang Lolo Bien ko?"

"I don't know him personally, and I haven't seen him either, but my Lolo Leon told me about your Lolo Bien and the arranged marriage when he is on his deathbed. And this has been confirmed later on with by my Lolo's lawyer."

"Pero pwede namang hindi na natin sundin, hindi ba? Pareho nang patay ang Lolo mo, at ang Lolo ko. Baka pwede naman na hindi na natin ituloy," patuloy na tanggi niya. "And perhaps that you don't want to be tied to a woman you don't love. Because I am sure that I don't want to."

Iyon lang at tuluyan na niyang pinihit ang seradura ng pinto at tuloy-tuloy na lumabas ng kuwarto at ng ospital. Gusto niyang palakpakan ang sarili sa nagawa niyang pagtanggi sa inaalok ni Rence sa kanya. Maliban sa pagiging hopeless romantic ay naniniwala siya na magpapakasal lamang siya sa taong mahal niya.

This is one hell of a crazy night, aniyang muli sa sarili niya at napailing na lamang. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya habang naiisip ang nangyari sa kanya sa gabing ito.

Itutulog ko na lang 'to. Baka isang malaking panaginip ang lahat.

Ilang linggo ang lumipas at unti-unti na niyang nakakalimutan ang nangyaring kabaliwan ng weekend na iyon. Unti-unti niya ring nararamdaman na bumabalik na siya sa normal. Umaga ng Lunes ay nadatnan niya ang kaibigan at katrabaho niyang si Erin na nag-aayos ng cubicle nito. Isa itong accounting associate na gaya niya sa accounting firm na iyon.

"Anong meron?"

"Sabi ni Sir Bernz, darating daw kasi ngayon yung apo ng ka-merger nitong kumpanya. Kaya siguro ganito kaayos kasi nagpapa-impress."

Napatango-tango siya. "Kaya naman pala. Eh, anong oras daw dadating?"

"Ewan ko, umaga daw, eh." sagot naman ni Erin sa kanya. "Sana umalis kaagad."

"Sana nga."

Nagsi-upo na sila sa kanya-kanyang cubicle nang narinig nila ang boses ng kanilang boss sa kanilang working area, kaya naman napatayo sila sa kanya-kanyang mga cubicle. Nasa harap nila ang singkwenta anyos nilang boss na si Bernz.

"Guys, I have an announcement to make," anito. Nanatili ang kanilang atensyon sa boss nilang nasa harap nila, nang may isa pang lalaki ang pumasok sa working area nila. Dahilan para lumipad ang mga mata niya rito at tila ba huminto ang lahat nang makita niya muli ang lalaking tinanggihan niya ng alok na kasal.

It was Rence! It was freaking Timothy Lawrence Soriano!

Tila ba sinabugan siya ng bomba sa kinatatayuan niya nang makitang muli ang lalaki. Hindi pa ito lumilingon sa gawi niya kaya umusal pa siya ng panalangin na sana ay hindi siya mapansin nito.

Dear Lord, wag niya sana ako makita -

Ngunit pansamantala yatang nabingi ang langit dahil ngayon ay nakita na siya ng binata - at nakita niya itong nakangisi sa kanya. His eyes are on hers, and the smirk on his face looked like he was determined to get her to be his bride.

She thought that she already refused him and got the message that she wasn't going to marry him. She thought that she was already out of his life after she left him at the hospital. Ngunit akala lang pala niya ang lahat, dahil nandito pa ito at nakita niya ang determinasyon na mabago ang naging desisyon niya.

Babaguhin ang desisyon mo? Teka, saan galing 'yon, Lizzette? Akala ko ba, "No" na?

"Huy, Liz, ayos ka lang?" untag ni Erin sa kanya. Napansin nito ang reaksyon niya kaya naman tinanong siya ng kaibigan. "Anong nangyari sa 'yo at para kang nakakita ng multo?"

"Wala 'to. I'm fine," aniya habang pinipilit na itago ang kanyang nararamdamang pagkakagulo ng kanyang puso. "Huwag mo akong intindihin."

Mula sa pagtingin ni Erin sa kanya ay bumaling ito sa lalaking nasa harap. "In fairness naman sa ka-merger ni boss Bernz, gwapo at bata pa. At mukhang papable," anito at humagikgik pa.

Hah, Erin, hindi mo lang alam kung ano ang hilatsa niyang tinitingnan mo. Looks can be very decieving bes, at hindi mo aakalaing mas maldita pa 'yan sa'yo.

"Hello, everyone, I am Timothy Lawrence Soriano and I will be your firm's co-partner. Mr. Hilario will still be your boss, but I will also be overseeing operations from time to time kaya may pagkakataong pupunta rin ako dito. Nothing's been changed with the leadership and all but I will be a part of the management, so if there's going be any issues, please do let me know as well. Understood?"

"Understood po," ani ng mga kasama nila, kasama na siya. Ramdam niya pa rin ang mga mata ni Rence sa kanya kaya wala siyang ibang hinihiling kundi ang mawala na ito sa paningin niya. Dahil kung hindi ay hindi niya magagawang patahimikin ang puso niya.

"Alright, I'll be taking my leave, then," anito. Niyakag na rin nito ang boss nilang lumabas ng workspace nila at ilang sandali pa ay nawala na rin ang dalawa sa kanilang paningin. Napaupo siya sa upuan niya at nagpakawala ng buntong-hininga dahil tila ba nanlambot ang kanyang mga tuhod. Parang naubos ang lakas niya sa nangyari kaya pakiramdam niya ay kailangan niya ng kape para kumalma.

Tumayo siya muli sa kanyang upuan at nasa pinto na siya ng kanilang opisina nang nakita niya ang pamilyar na bultong iyon. Mabilis siyang nagtago sa pader sa pag-asang hindi siya nakita ni Rence at napapapikit dahil sa lakas ng tibok ng kanyang puso.

Her heart was hammering inside her ribcage, and it was so loud she thought that she can hear it. She was still trying to calm herself down when she heard that familiar baritone voice, causing her to open her eyes and meeting the piercing stare of the man she'd been trying to avoid.

"Miss me, my reluctant bride?"

avataravatar
Next chapter