3 Chapter 3 : His Pretend Wife

His Pretend Wife

"Patricia Soriano-Cavalli, hija. I'm your mother-in-law," pakilala ng ginang sa kanya. Tila naman pansamantala siyang nabingi mula sa narinig niya rito. Litong-lito siyang nagpalipat-lipat ng paningin sa mga tao sa paligid niya para itanong kung bakit bigla siyang naging asawa ng lalaking ngayon lang niya nakita.

Bumaliktad ba ang mundo? Ang weird ng nangyayari sa akin. Teka, nananaginip ba ako?

Pasimple pa niyang kinurot ang sarili para malaman kung nananaginip siya pero pinatunyan lang nito na talagang gising siya at wala sa dreamland. Napabulong pa siya ng aray at ramdam niya ang sakit kaya naman sigurado siya na hindi ito parte ng kanyang imahinasyon.

"Is there something wrong, hija?" tanong ng ginang sa kanya. "I'm sorry if I've met you just now, because my son here didn't bother introducing me to you."

Anong kabaliwan to? Sinong nagpauso nito?

Ngayon naman ay napatingin siya sa binatang nakahiga pa rin sa kama. Tiningnan niya ito na parang nanghihingi ng tulong dito ngunit pinagtaasan lang siya ng kilay.

Aba't talaga itong baklang to! Ipinagkanulo pa ako sa Mommy nya! Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa injured na kagaya mo!

Nang walang makuhang reaksyon mula sa binata ay lumingon siya sa babaeng nasa tabi ng ginang. Ylanna smiled apologetically at her, na tila sa tingin pa lang ay humihingi na ng patawad sa gulong napasukan niya.

Ngayon ay lumapit si Yla sa kanya. "Ah, wala po Tita, she's fine," sansala rin nito sa sana'y sasabihin pa niya. "I'm sure that she's surprised since this is the first time she saw you. Right, Lizzette?"

Napatango siya. "Yes." Nagulat pa siya sa sariling reaksyon nang sumang-ayon pa siya sa sinabi ni Yla. "I'm fine po, Ma'am."

"Oh, you don't need to call me Ma'am, hija. I am now your mother-in-law, so it should be Mommy Patty."

"Yes, po, Mommy."

Aayaw-ayaw ka kanina, pero ngayon kung makatawag ka ng Mommy, feel na feel mo.

"Bueno, it's nice to meet you, hija." Ngayon ay humarap naman ito kay Rence. "Now that I saw your wife, I am expecting you to arrange the wedding soon, Timothy Lawrence. I want to prove them wrong about what I've been hearing about you."

Susmarya, Mommy, hindi mo pa ba nakikita na mas malambot pa sa babae ang anak mo?

"Mom? Isn't this too soon?" angal ni Rence sa ina.

"Oh, bakit? Anong problema? You already married her without telling it to me," may himig-pagtatampong sabi nito. "Kung hindi pa ako sinabihan ng Kuya Levi mo, hindi ko pa malalaman. At dahil nandito naman ang asawa mo, uuwi muna ako para magpahinga. I'm jet-lagged dahil galing pa ako sa airport."

Lumapit pa itong muli kay Rence at humalik para magpaalam, saka muling nagsalita. "I've got to go. Bring her to my house, alright, Rence?"

Kahit napipilitan ang binata ay nakita niya pa rin itong tumango sa sinabi ng ina, kaya naman lalo lamang siyang nainis. Hindi man lang ito tumanggi na hindi siya ang asawa kundi ngayon lang niya ito nakilala. Pinandilatan niya ng mata ng binata ngunit nagpatay-malisya lamang ito sa ginawa niya.

Ngayon ay bumaling naman sa kanya ang ginang at niyakap siya. Nalanghap niya pa ang mamahaling pabango nito. Damn, Chanel No.5!

"I'll see you again soon, hija. Welcome to the family."

Pagkatapos ay lumabas na ito ng kuwarto kasama ng doctor, kaya naman naiwan silang tatlo roon. Kukumprontahin na sana niya si Ylanna ngunit naunahan na siya nitong magsalita.

"I believe I haven't introduced myself to you properly. Ylanna Alcaraz - Sayers," pakilala nito sa sarili. "Alam kong nagugulat ka sa nangyayari kaya ngayon pa lang, humihingi na ako ng pasensya sa 'yo."

Tumango siya sa sinabi ni Yla, ngunit hindi na niya napigilan pang magtanong. "And why I am became his wife? Mrs. Sayers, dinala ko lang naman ang kaibigan sa ospital na ito dahil kinailangan niya ang tulong ko. Pero hindi naman kasama doon ang maging asawa ng lalaking mas malambot pa sa akin."

"We're sorry for dragging you into this mess," paliwanag pa nito. "I know we're asking too much of you, but that's also why we need to ask your help once more. We need you to become his pretend wife."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula kay Yla. Ano daw?

Sabi na e. Malaking pagkakamali talaga ang tulungan ang hudas na ito. Sana pala iniwan ko na lang siya kanina roon kung ganito pala ang mangyayari. Nananahimik sana ako sa bahay, hindi ang nadadamay ako sa gulo ngayon.

"Teka, Mrs. Sayers, bakit ikaw ang nagpapaliwanag ng lahat ng ito?" ngayon ay binalingan niya ang lalaking nakahiga na tila ba walang pakialam sa nangyayari. "Hoy, ikaw, di ba ikaw dapat ang nagpapaliwanag nito sa akin?"

"Ylanna explained it all already, so ano pang sasabihin ko? And besides, shouldn't you be thankful dahil ang gwapo ng asawa mo?"

"Hah! Gwapo nga, bakla naman!"

Kung kanina ay nakataas na ang kilay nito, ngayon ay mas lalo pang tumaas ito na tila ba aabot na yata sa bubong. "May problema ka ba sa pagiging bading ko, ha? Excuse me, kahit ikaw na lang ang babae sa mundo, hindi kita papatulan!"

"Aba't..hoy! Mas lalong hindi ko papatulan ang gaya mong lalaki din ang gusto! Isa pa, wag mo nga kong taray-tarayan at baka bunutin ko isa-isa 'yang kilay mo!"

"Can you guys please stop?" awat ni Yla sa kanilang dalawa. Pareho na silang inis at tila manok na magsasabong. Baka kung wala si Yla sa harap nila ay kanina pa sila talagang nag-away.

Ingratang bading!

"Pwede ba, Timothy Lawrence, huwag mong awayin si Lizzette? Tinulungan ka niya kanina at nakalusot ka kay Tita Patty dahil sa kanya." Ngayon ay bumaling sa kanya sa kanya si Yla. "Pagpasensyahan mo na si Rence, ha? May kasungitan yan, pero mabait din yan."

"Parang hindi naman halata, Mrs. Sayers?" aniya sabay inirapan ang bading na animo'y malaki ang galit sa kanya. "Uuwi na ako, tutal nandito naman na kayo."

"Wait, are you accepting our offer?"

"Huwag na lang po siguro, Mrs. Sayers. Sa iba nyo na lang po ialok iyan." aniya at akmang lalabas na ng pinto. Kanina pa siya kating-kati na umalis ngunit tila rin sinasadya ng pagkakataon na pigilan siya. Pipihitin na niya ang seradura ng pinto nang marinig niya ang baritonong boses ni Rence.

"I'm sorry for my behavior earlier," anito kaya napalingon siya sa binata. "I was wrong, alright? I was wrong to act that way towards you because none of it was your fault. But I wanted to ask you one thing."

Marunong naman palang huminahon at kumalma, kailangan pa akong pagsungitan, aniya sa sarili habang pinagmamasdan ang binata. Nabawasan ang pagkairita niya sa pagsusungit nito sa kanya ngunit hindi niya inaasahan ang kasunod na sasabihin nito.

"Marry me. Be my pretend wife."

avataravatar
Next chapter