2 Chapter 2 : Mrs. Soriano?

"Bring me...to the hospital..." ani ng lalaking nasa harap niya na halos wala pa ring malay.

"Oo, dadalhin kita sa hospital. Sandali lang, tatawag lang ako ng tutulong sa atin," natataranta pa rin niyang sabi. Tumayo siya at patakbong nilapitan ang tindero ng kwek-kwek at nagpatulong na buhatin ang lalaking nakahandusay pa rin sa semento. Mabuti na lang at hindi rin masyadong nagtanong ang tindero bagama't alam niyang kuryoso rin ito sa kung ano ang nangyari sa lalaki.

"Kuya, sa ospital tayo," aniya sa naparang tricycle para dalhin ang lalaking nagngangalang Rence sa ospital. Kalong-kalong niya ito at pabalik-balik ang malay tao ng lalaki ngunit kaagad ding nawawala.

"Poging Kuya, wag kang mamamatay, hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kinuukulan na wala akong kinalaman sa nangyari sa yo," bulong niya sa binata bagama't nakapikit ang mga mata nito. Hindi niya rin magawang maialis ang kanyang mga mata sa guwapong mukha ni Rence, kahit pa may bakas pa ito ng dugo, marahil sa pagkakahampas ng kahoy sa ulo nito.

Hindi nagtagal ay nakarating sila agad sa hospital. Tinulungan sila ng mga nurse para maihiga si Rence sa isa sa mga beds na naroon at para magamot na rin ang binata. Hawak hawak niya ang wallet at cellphone nito nang bigla itong tumunog kaya sinagot na niya ito.

"Hello,"

"Hello, Rence? Wait, who's this?" ani ng boses sa kabilang linya. "Sino ka?"

"Ah, ako si Lizzette," aniya nang sagutin ang telepono. Hindi niya maiwasang mapakamot sa ulo dahil sa napasukan niyang gulo. "Kamag-anak ka ba niya?"

"I'm his bestfriend, Ylanna Sayers. Again, bakit ikaw ang sumasagot ang cellphone ng kaibigan ko?"

"Nandito kasi kami sa hospital, na-aksidente ang kaibigan mo."

"What? What happened to him? Nasaang ospital kayo?"

"Laguna General Hospital."

"I'll be there," anito. Narinig niya pa itong may kinausap sa kabilang linya. "What's your name again?"

"Lizzette. Lizzette Hyacinth Cabullo."

"Thank you so much, Lizzette. Can you do me a favor? Pwedeng huwag mo munang iwanan ang bestfriend ko? Please?"

"O-okay," tango niya at sinilip ang mga nurse at doktor na pinagkakaguluhan pa rin si Rence. "I'll wait."

"Thank you," ani ng babaeng nagpakilala bilang Ylanna. Napahilamos naman siya sa mukha niya sa halo-halong pagod, antok, kaba, inis at naghalo-halo na iyon sa kanyang sistema.

Bakit ba kasi nandito ako at nakiusyoso pa ako? Imbes na nasa bahay na ako at nag-iistress eating habang tumutungga ng beer, nandito ako sa ospital kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Gusto ko nang umuwi e.

Ang sabihin mo, na-attract ka lang doon sa gwapong bading kaya mo tinulungan, Lizzette. Alam naman nating marupok ka pagdating diyan, kontra ng kontrabidang parte ng isip niya.

Tumahimik na nga, kontrabidang brain! aniya sa isip niya. Hindi niya magawang magsalita dahil nasa labas siya, kaya rin tinitimpi niya ang pagtatalo ng isip at puso niya. Baka mamaya, damputin na lang ako dito dahil napagkamalan akong baliw.

Umupo siya sa waiting area at maya-maya ay may lumapit sa kanya na Nurse at may hawak na clipboard.

"Misis, stable na po ang pasyente. Na-CT scan na rin namin at wala naman po siyang malalang pinsala." ani ng Nurse sa kanya. Napahinga siya ng maluwag nang nalaman na ayos na ang binatang dinala niya sa hospital na iyon ngunit nagulat siya sa paraan ng pagtawag nito sa kanya.

"Excuse me, Nurse, pero anong itinawag mo sa akin?" tanong niya sa Nurse na kausap niya.

"Ah, Misis po? Di ba po kayo ang asawa ng pasyente?"

Ano raw? Misis? Sino? Ako?

"Ah, hindi po ba kayo ang wife nya?" anito na nagtataka. "Sorry po sabi kasi ni Ma'am Ylanna na ikaw ang wife ng pasyente."

Aba ngayon, bigla pa akong nagkaroon ng asawa.

"Miss, Ylanna ba kamo? Hindi ba Ylanna Sayers?"

Napalingon naman muli sa kanya ang Nurse sa nabanggit niyang pangalan. "Siya nga po, Si Ma'am Ylanna, yung asawa ng hospital director namin na si Dr. Sayers."

Kumunot naman ang noo niya sa narinig sa kung sino ang may kagagawan kung bakit bigla siyang naging Misis nang wala sa oras.

Ano naman kayang purpose noong Ylanna Sayers na iyon at bigla akong itinali sa kaibigan niya e, maliwanag pa sa sikat ng araw na lalaki din ang gusto no'n?

Sa hilatsa pa lang ng itsura noong Timothy Lawrence na iyon, mukha nang mas malandi at mas maldita pa kesa sa akin.

Kaya bakit?

Hindi kaya tinatagong bading siya nang mga kaibigan niyang yon? Tapos biglang dadating yung mother in law ko kaya kunyari may asawa siya?

Mother in law kaagad? Feel na feel? Masyado ka naman atang advance mag-isip, lola, at inako mo kaagad ang maging asawa ng mas malambot pa sa iyo.

Nilapitan niya ang binata na nasa higaan at mahimbing na natutulog. May benda na ang parte ng ulo nito na kanina ay may dugo pa. Nilingon niya tuloy ang sariling damit na may mga bakas din ng dugo dahil kinalong niya ito kanina. Naisip niya tuloy ba iwan na lamang ito, tutal naman ay papunta naman na ang kaibigan nito na nakausap niya kanina sa telepono.

Binuksan niya ang drawer sa tabi nito, at inilagay roon ang cellphone at wallet ng binata. Siguro naman ay hindi mawawala yan dito, aniya sa sarili. Isa pa ay private room naman kung saan sila dinala ng binata. Paalis na sana siya nang napatingin na naman siya sa mukha ni Rence, at hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito.

"Sayang, pusong babae ka," aniya habang nakatitig dito. Magaan niyang hinaplos ang pisngi nito at nag-iingat na hindi magising si Rence nang bigla itong nagmulat ng mata.

"Sino ka?"

Sasagot pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto at isang magandang babae, isang doktor at isang may edad na matandang babae ang pumasok sa kwarto at pasugod na niyakap si Rence.

"Good lord! What happened to you hijo? Paano ka naaksidente?"

"Mom, naiipit ako," daing ng binatang nakahiga pa rin, kaya naman umayos ng pagkakatayo ang ginang at siya naman ang hinarap nito. "You must be my daughter-in-law," anito at pinasadahan siya ng tingin, ngunit hindi naman kababakasan ng pang-aalipusta ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. "Patricia Soriano-Cavalli, hija. I am your mother-in-law."

Lintek, natuluyan nga!

avataravatar
Next chapter