1 Chapter 1 : War with Cupid

"War na naman kayo ni Kupido, 'no?" natatawang pang-aasar sa kanya ni Alex habang nagsasalin ito ng champagne sa baso. Nagpunta si Alex sa apartment niya para damayan siya matapos na mabigo sa pinakahuling pinadala ni Kupido sa buhay niya. Ngunit hindi rin yata pagdamay ang ipinunta ni Alex kundi ang asarin siya. Tiningnan niya ito ng masama ngunit tawa lang ang isinukli sa kanya ng kaibigan.

"What?" tanong pa sa kanya ng bruha habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nito, habang siya naman ay masama pa rin kung makatingin. "Anong gusto mo, umiyak din ako rito?"

"Loka, wala kong sinabing ganoon," aniya at umirap. "Alam mo, Alexandra, hindi ko alam kung pumunta ka dito para damayan ako o para mang-asar."

"Puwedeng both?" anito at nag-peace sign pa.

Ang bruhang 'to, tuwang-tuwa sa nangyayari sa akin. Palibhasa matino ang lovelife kaya nang-aasar. "Kaibigan ba talaga kita?" singhal niya kay Alex. "Ang supportive mo, ha?"

"Kasi naman, bebe. Hindi ka mapirmi sa isang tabi at hayaan mong gawin ni Kupido ang trabaho niya. Let Cupid do his job."

"Yeah, right. Let stupid Cupid do his job. Naku, ha! Nakakarami na sa akin yang Kupidong 'yan! Huwag talang magpapakita sa akin yang batang may diaper na 'yan, huhubaran ko talaga siya. Ang haba na ng listahan niya sa akin!" Sa pangigil niya ay dinampot niya ang baso na puno ng champagne at lumagok roon. Umuusok ang bumbunan niya sa tuwing naalala niya ang pinakahuling pagkabigo dahil sa kagagawan ng batang may pakpak at pana.

"Wuhoo! Easy!" ani Alex na malakas ang tawa na tila tuwang-tuwa sa nakikita kaya inabot niya ang unan sa tabi niya at saka ihinampas dito. Ngunit bigo siya dahil nakailag ito kaagad, kaya naman lalo lang siyang napikon. Great, lalo pa akong pinagtawanan nitong bruhang 'to.

Habang umuusok ang bumbunan niya sa inis sa kaibigan at sa pinakahuling pangti-trip sa kanya ni Kupido, lalo lang bumabalik sa isip niya ang nakita niyang eksena kanina - nang hinalikan ng crush niya ang girlfriend nito. Wala siyang karapatan dahil may girlfriend na ang pinakahuling lalaking ipinana ni Kupido sa kanya.

Ano naman ang laban niya sa maganda at classy na babaeng girlfriend ng latest crush niya?

Hay, wala ka na talagang pag-asa.

She groaned in frustration while that scene replayed in her head. Tila ba ipinapaalala lang nito sa kanya na wala na siyang pag-asang magkaroon ng lovelife na matino dahil laging sinasabotahe ni Kupido ang mga nagugustuhan niya. Hindi niya rin tuloy lubos maisip kung ano bang kasalanan niya rito at laging palpak ang ipinapares sa kanya.

Bwisit kang batang may diaper ka, wag na wag talagang magtatagpo ang landas natin, makikita mo talaga ang hinahanap mo.

"Wag ka na masyadong magmukmok diyan, ha? Baka kapag peace na kayo ni Kupido at pinadala na niya ang "The one for you," e haggard ka na at hindi ka na makilala."

"Tse! Isa ka pa. Palibhasa masaya ka sa lovelife mo kaya ganyan mo ko asarin. Pag kayo nag-away ng jowa mo, wag mo kong malapit-lapitan ha, dahil tatawanan lang kita."

"Hindi talaga, at baka pambibitter lang ang maipayo mo sa akin at matuluyan ang relasyon namin ni Joaqui. Baka kapag nagkataon na imbis magkaayos kami e lalo pa kaming magbreak," anito at binuntutan pa ng tawa. "Anyway, I've got to go, magkikita kami ni Joaqui ngayon." Sinipat pa siya nito, saka muling nagsalita. "Mukhang okay ka naman at parang hindi ka naman masyadong nasaktan sa war nyo ni Kupido, kaya hindi na ako masyadong mag-aalala."

"Porque ganito ang hitsura ko, hindi na nasaktan?" maktol niya. "O, siya, lumayas ka na."

Ngumisi pa si Alex uli. "Listen to me. Let Cupid do his job," anito at tinapik siya sa balikat. "And don't do anything stupid."

Napairap naman siya sa sinabi ng kaibigan. "Tange. Broken-hearted lang ako, hindi suicidal."

"Good. Naninigurado lang. Aalis na ako."

"Ge. Ingat. And thank you for your so-called "sympathy." itinaas pa niya ang dalawang daliri.

"You're welcome."

Halos maubos niya ang isang bote ng champagne nang maisipan niyang lumabas ng kanyang apartment. Parang gusto niyang kumain ng kwek-kwek sa kanto, at palitan ng beer ang iniinom niyang champagne. Bahala na kung maghalo-halo sa tiyan niya ito bukas dahil wala naman siyang pasok. Isi-stress eating na lang din niya ang nararamdaman niyang sama ng loob at para naman mabawasan naman ito kahit kaunti.

Kaluluto lang ng kwek-kwek na nabili niya sa suki niyang tindero nang nakarinig siya ng mga sigawan sa di kalayuan. Dalawang boses na tila nag-aaway. Kuryoso sa naririnig ay hinanap niya ang pinangagalingan ng mga boses na iyon.

"Please listen to me, Rence! Mali ang nakita mo! It's not what you think it is!" ani ng isang lalaki sa isa pang lalaki. Mula sa kinatatayuan niya ay pinanood niya ang mga ito na patuloy sa pag-aaway.

"It's not what I thought it is, Rupert? Eh ano yong tinatawag ka niyang babe at kung makalingkis siya sayo ay parang sawa? Oh, please! I've had enough of your lies!"

"Ang gu-guwapo nga, mga barbie naman. Tsk, tsk. Sayang ang mga hitsura," bulong niya habang nanonood pa rin sa magkasintahan. Gusto na niyang umalis ngunit natatalo siya ng kuryosidad sa kung anong susunod na mangyayari sa dalawa. Panay pa rin ang pagtatalo ng dalawang lalaki nang biglang hampasin ng kahoy ng isa sa mga lalaki ang kaharap.

Nanlaki ang mga mata niya. "Oh my!"

Nakita pa niya na nilapitan ng lalaking nanghampas ng kahoy ang nobyo nito, na ngayon ay nakahiga na sa semento. Nakita niya pa na nataranta ang lalaking may pangalang Rupert bago ito nagmamadaling pumasok sa sa sasakyan at matulin na pinaandar ito palayo.

"OMG!" napatakip siya ng bibig sa gulat sa nakita. Gusto niyang lapitan ang lalaking nakahilata pa rin ngunit natatakot din siya na pagbintangan na may kagagawan kung bakit nagkaganoon ang lalaki.

"Wala akong nakita," iling niya, sabay bulong. "Wala akong nakita."

Nakatalikod na siya at paalis na siya ng lugar na iyon nang makarinig siya ng mahinang daing. "Help..."

Nilingon niya iyon at nakitang galing sa lalaking nakahandusay pa rin sa semento. Malamang, Lizzette, saan ba manggagaling iyong boses na iyon kundi sa mamang nakahiga dyan sa harap mo, aniya sa sarili. Nilapitan na niya ang lalaki at narinig niyang muli ang boses nito.

"Help...me," daing nito.

"Oo na, oo na, tutulungan na kita," natatarantang sabi niya. Lahat yata ng kabadtripan at ang espiritu ng alak sa katawan niya ay nilayasan na siya ng tuluyan sa nasaksihan niya. Umupo na siya sa harap nito at pinagmasdan ang mukha nito.

Makapal na kilay, matangos na ilong at mapulang labi. Kahit medyo madilim ay kita niya na guwapo talaga ang lalaki. Kung naging straight na lalaki ito ay sigurado siyang maging siya ay makikipila din siyang makuha ang atensyon ng lalaki, ngunit sayang dahil lalaki rin ang gusto nito.

"Bring me...to the hospital," anas nito na biglang nagpahinto sa pagpapantasya dito. Naku ka talaga, Lizzette! Tulungan mo sya, hindi yang pinagpapantasyahan mo pa ang pobre!

avataravatar
Next chapter