2 Chapter 2

Dala ang folder na binigay ni Marjorie ay pinuntahan ko ang address na nakasaad dito.

Nakatira ito sa isang bachelor subdivision. Bakit nga ba mailap ito sa mga tao.

Napa ka rare naman nang case na ito ni Marjorie , sinong taong gusto nalang magkulong sa kanyang bahay.Baka may sakit siyang nakakahawa!Baka may ketong siya!nandiri ako sa sariling naisip.

Out of the blue ay biglang umihip nang malakas ang hangin at tinangay nito ang folder na dala ko. Lumipad ito papasok sa bahay mismo nito. Perfect timing nga naman, at napangiti ako dahil sa nangyari.

Tao po! Hello may tao po ba dito! Sigaw ko sa may gate nila. Wala kasi silang doorbell! Really what kind of Mansion is this!

Yoohoooooo! Sigaw ko dito pero parang mapapaos nalang ang boses ko ngunit wala paring nakakapansin sa presensiya ko sa labas.Hindi ako papayag na wala akong magawa ngayon araw nato.I need to give this my best shot!

HOY MONTERO! PAPASUKIN MO AKO! PAGKATAPOS NG LAHAT!IIWAN MO LANG AKO SA ERE! MAHAL NA MAHAL KITA PERO BAKIT MO AKO PINAGTATABUYAN! BUNTIS AKO AT IKAW ANG AMA !

Nakita kong may padaan na mga tao kaya mas tinodo ko pa ang acting skills ko at humagulhol.

SANA NAMAN PANAGUTAN MO ANG SANGGOL NATO! THIS IS YOUR OWN FLESH AND BLOOD. HOW DARE YOU ABANDONED US! Sigaw ko dito.

Nakita kong nagsinghapan ang mga dumaan sa labas ng bahay ni Montero.

Kawawa naman yung babae. Ganyan talaga mga lalake ngayon mga iresponsable! Ani nang Ginang na dumaan.

Sana naman panagutan nang lalaking yan kahit ang sanggol man lang.Napakaganda na nga nang babae. Sayang naman. Diba isang Montero ang nakatira diyan. Ani naman nang kasama nito.

Yumupyop ako sa may gate nito, napangiti ako sa sarili at  patuloy sa pekeng pag iyak.

MAHAL NA MAHAL KIT.... hindi ko natapos sabihin  nang biglang may lumabas sa gate nitong dalawang lalaki. Agad nila akong pinatayo at kinaladkad papasok. OH NOO! Ano tong pinasok ko?

Hope I can still go out here alive and intact. Someone help me please!

avataravatar
Next chapter