webnovel

Prologue

Nakaupo ako sa gilid ng kama na hinihigaan niya habang nakahawak sa kanyang kamay. Ang putla niya. Malubha na ang kanyang kalagayan. Hay, bakit ba kasi hindi pa namin alam kung ano ang lunas ng iyong sakit, Mahal ko. Kung may magagawa lang sana ako...

"Luna..." pinunasan ko muna ang pisngi ko na basa ng luha bago humarap sa tumawag sa akin.

"Ikaw pala, Ginoong Dino." Ang pack doctor ng Fier Pack.

"May solusyon naba sa kalagayan niya?" Tanong ko sa kanya.

"Yun na nga luna, ang sabi ng babaylan na si Azalea.... ang puso ng Flora Majica ang magiging lunas sa kalagayan niya." Nanlaki ang mata ko sa aking narinig.

"F-flora m-majica? P-puso?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Lason ng iyong bulaklak ang lumason sa katawan ng Alpha kaya naman..."

"Kaya naman ang puso ng bulaklak na iyon ang magiging lunas?"

"Opo, Luna." Nakayukong sagot nya. Isang malakas na buntong-hininga ang lumabas sa aking bibig.

"Kasalanan ko ito... d-dahil sa a-akin kaya siya nagkaganyan siya. K-kasalanan ko ito." Bumuhos ang aking luha.

"Luna, nasa ilalim ka ng isang itim na mahika noon hindi mo alam ang iyong ginagawa."

"Kahit na! Isang malaking sumpa ang kapangyarihang meron ako!" Nang dahil sa akin nahihirapan sya.

"Umalis ka na..."

"Pero, L-luna. Kailangan natin malaman kung saan ang puso."

"U-umalis ka muna." Madiin kong utos sa kanya.

"Opo, Luna." Sagot niya at mabilis na tumalima.

Tumingin ako sa taong nakahiga sa kama. Hinawakan ko ang kanyang pisngi...

"Mahal, ang puso na flora majica ang gamot sa kalagayan mo... G-gagaling kana. Gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang kahit buhay ko ang kapalit. Hindi ko kayang makita kang n-nagkaganyan. Mahal na m-mahal kita."

Pagkat, ang puso ko ang siyang puso ng Flora Majica na syang gagamot sa iyo.

Gagawin ko ang lahat-lahat para sa iyo, mabuhay ka lang. Marami ka pang tungkulin at marami pang nagmamahal sayo na babalikan mo, pamilya mo at ang buong pack na pinamumunuan mo, pagkat ako ay...

Maliban sa iyo ay wala na akong ibang maiiwan. Alagaan mo sana ang aking puso, Mahal ko. Hinding-hindi ako magsisisi na ikaw ang minahal ko at kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataong mabuhay ay ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko.

Yumuko ako konti at hinalikan siya sa labi.

Tumayo ako at lumabas.

Hinahanap ko kaagad si Ginoong Dino. At nakita ko naman sya sa balkonahe na nakaharap sa isang misteryosong bundok.

"Ginoong Dino..." Lumingon sya sa akin at yumukod bilang paggalang.

"Luna, anong maipaglilingkod ko?" May ibinigay ako sa kanya na isang pirasong papel.

"Dyan mo makikita ang puso ng Flora Majica." Tumalikod agad ako sa kanya.

Buo na ang aking desisyon...

Para sa mahal ko handa kong isakripisyo ang buhay ko.

-----

Ano kaya ang nangyari at mangyayari? Bakit humantong sa ganito?

Ikaw? Paano ka ba magmahal? Ikaw ba yung tipo ng tao na ibibigay lahat sa taong mahal mo anoman ang gusto nya?

O ikaw yung basta-basta nalang susuko?

Sa istoryang ito, matutunghayan natin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at...

SAKRIPISIYO.

° Fantasy 1

-

Paano ka ba magmahal? Ikaw ba yung tipo ng tao na ibibigay lahat sa taong mahal mo anoman ang gusto nya?

O ikaw yung basta-basta nalang susuko?

Sa istoryang ito, matutunghayan natin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at...

SAKRIPISIYO.

lunazivacreators' thoughts