1 PROLOGUE

Sabi nila,kapag mahal mo ang isang tao tatanggapin mo ang lahat sa kanya, maganda man o pangit, mabuti man o hindi. Gayundin naman handa mong yakapin ang mundo nya.

Pero paano kung ang mundong ginagalawan nya ay yung mundong ayaw mong maging kabilang ka? Yung mundo na minsan ng sumira sa buhay ng mga taong mahalaga sayo?

Tatanggapin mo pa ba? Yayakapin mo pa ba?

Ang lahat ay kaya nating tiisin dahil sa pag-ibig. Yung mga bagay na kahit ayaw natin ay nagagawa natin dahil sa pagmamahal. Ngunit kaya mo pa bang magpatuloy kahit na nasasaktan ka na? Kaya mo bang mabuhay kung wala ang pag-ibig nya?

One of the hardest lessons in life is letting go. Change is never easy, you fight to hold on or you fight to let go.

avataravatar
Next chapter