191 Menace

Shanaia Aira's Point of View

HINDI kami nag-uusap ni Gelo habang pauwi sa bahay namin. Naiinis kasi ako. Isa pa, kaya hindi rin sya kumikibo ay mukhang nakatulog na sya dahil sa kalasingan.

Pagdating sa bahay ay ginising ko na sya. Nung una ay panay lang ang ungol nya pero nung hinampas ko sya sa braso ay bigla syang natauhan at napatingin pa sa akin na parang nagtataka.

" Nandito na tayo sa bahay. Kung kaya mong maglakad, mauna na ako at sumunod ka na lang sa akin." yun lang at lumabas na ako mula sa driver's seat dala ang susi ng kotse. Sinarado naman ni Divine ang gate at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Nun ko pa lang narinig na sumara ang pinto ng kotse at ang pagkilos ni Gelo papasok ng bahay.

Hindi ko na sya hinintay pa. Dumiretso na ako sa kwarto namin saka pumasok sa banyo para maligo. Naiinis talaga ako. Buong buhay na kasama ko si Gelo ay palagi na lang akong kunsumido sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Lahat naman puro feelingera. Madalas akong legal pa ang inaaway nila imbes na ako ang gumagawa nun sa kanila.

Paglabas ko ay nakaupo na si Gelo sa kama namin. Nakayuko. Nang lapitan ko ay nakumpirma ko na tulog na naman sya.

Hindi man lamang siya nagising ng marahan ko siyang ihiga sa kama. Lasing nga talaga.

Bumalik ako sa bathroom para kumuha ng basin na may tubig. Nilagyan ko ito ng kaunting alcohol at ibinabad ang face towel dito. Pagkatapos kumuha ako ng pantulog nya sa closet namin. Pagbalik ko sa kama ay sinimulan kong hubarin ang mga damit niya tapos pinunasan ko ang buo nyang katawan. Nang matapos ako ay saka ko sya binihisan.

Medyo nahirapan ako dahil mabigat sya pero awa naman ng Diyos ay nagawa ko naman ng maayos. Sa tagal na naming magkasama ay ngayon ko na lang ulit na-experience ito. Madalang na madalang lang kasi talaga kung malasing si Gelo ng ganito.

Matapos kong iligpit ang mga ginamit ko ay humiga na ako sa tabi ni Gelo para matulog. Pinagmasdan ko ang payapa nyang pagtulog. Bukas hindi ko alam kung paano ko sya pakikiharapan. Aminado ako na naiinis ako ngayon.

Palagi na lang kasi na napagsasamantalahan siya kapag lasing siya. Minsan talaga nakakainis na at sa kasalukuyan, wala akong ibang nararamdaman kundi inis.

Sabihin na nating napuno ako ngayon. Hindi man niya kasalanan pero kasi hindi siya nag-iingat. Kung nagkabaligtad kaya kami ng sitwasyon, ako yung lasing tapos may humalik sa akin, malamang hindi niya maiintindihan at panigurado malaking gulo na yon.

I heaved a deep sigh. I am so pissed right now that I had enough. I can't deny also that I'm uncontrollably jealous.Minsan talaga naiisip ko at natatanong ko sa sarili ko na yun bang kagwapuhan ni Gelo ay pagpapala o sumpa? Siguro both.

Ano ba Aira! Kung ano-ano na naman yang pumapasok dyan sa kukote mo.

Humiga na lang ako ng maayos at natulog na. Hoping na yung inis ko ay mawala na bukas paggising ko.

THE next morning, nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay doon ko nakumpirma na hindi parang may nakadagan kundi literal na may nakadagan talaga. Yung ulo ni Gelo ay nakaunan sa dibdib ko tapos yung mga braso nya ay nakapulupot sa bewang ko.

Juskopo, paano ako babangon nito?

Tinangka kong kumilos para tanggalin ang mga braso nya pero nabigo ako. Mas lalo lang nyang isiniksik ang sarili sa akin at mas hinigpitan pa lalo ang yakap nya. Dinaig pa ang mga tarsier sa Romblon sa sobrang kapit nya.

" Bhi, bhi babangon na ako. Magluluto na ako ng breakfast." sabi ko habang tinatapik sya sa braso.

Still no response from him. Napabuntung-hininga na lang ako at hinayaan ko muna na nasa ganoon kaming posisyon.

Pagkalipas ng ilang minuto, sinubukan kong dahan-dahan na alisin ang mga braso nya sa bewang ko. Nagtagumpay naman ako pero nagulat na lang ako ng mapatingin ako sa kanya. Nakatingin pala sya sa akin at ngiting-ngiti.

" Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" masungit kong singhal sa kanya.

" Wala. Ang sungit mo naman. May problema ba tayo?" tanong nya.

" Wala akong problema pero ikaw magkakaroon!"

" Ha? Anong ginawa ko? Bakit ang aga-aga ang sungit mo?" nakanguso pa nyang tanong. Sus pa-cute ang kumag! Pero aminado ako na ang cute nga niya. Ayaw ko lang ipahalata. Galit dapat ako. Hindi ako dapat magpadala sa charm niya.

Akala ko pag gising ko nakalimutan ko na yung ginawa nung Nicole na yon. Akala ko lang pala. Hanggang ngayon naaalala ko pa at kumukulo na naman ang dugo ko.

" Hoy bhi! Ako nga tigilan mo dyan sa pagpapa-cute mo. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na yung nangyari kagabi? Yung ginawa sayo nung Nicole na yon." sabi ko. Tumingin sya sa akin. Tila humihingi ng pag-unawa ang nababasa ko sa mga mata niya.

" Naaalala ko naman. Wala lang ako sa tamang huwisyo kagabi. Hindi ko ginusto yon baby. Kahit lasing na ako, nagulat pa rin ako sa ginawa nya. Naitulak ko pa nga siya dahil sa gulat. Hindi ko nga alam kung bakit nya nagawa yon. Siguro dahil sa alak. Binalewala ko na lang dahil pareho naman kaming lasing. I'm sorry baby, wag ka ng magalit." hinila nya ako saka niyakap. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

" Mag-ingat ka naman sana bhi. Hindi lang minsan nangyari yung ganyan sayo. Ilang beses na. Sa tuwing malalasing ka, nagte-take advantage sayo ang mga babae na para bang yun na lang ang inaabangan nila para makuha ka. Naiintindihan ko naman na hindi mo ginusto, pero hindi kasi matanggap ng sistema ko yung dapat para sa akin lang, mayroong nakikisosyo. Alam mo yun? What's mine is mine. Kahit naman ikaw, hindi mo rin gugustuhin yung may bigla na lang manghahalik sa akin di ba? "

" Yeah, I got your point.Next time hindi na ako iinom ng sobra. Sorry na, hindi na mauulit. " sabi nya tapos hinalikan pa ako sa pisngi. Hinawakan ko naman sya sa mukha at marahan akong tumango. Marupok talaga ako pagdating sa kanya. Besides, wala naman akong magagawa dahil nangyari na. Huwag na lang ulit mangyayari kundi baka hindi ko na alam kung magiging ayos pa ako.

" Bhi pwede magtanong? " sabi ko pagkaraan.

" Yeah sure baby. What is it? "

" Gaano kayo ka-close ni Aeious kay Nicole? " bigla syang napatingin sa akin. Hindi siguro inaasahan na yon ang itatanong ko.

" Saan papunta tong usapan natin? Bakit mukhang naging interesado ka yata sa kanya?"

" Basta! Sagutin mo na lang kasi." natatawa na naiiling na lang siya sa akin. Kanina kasi lantaran ang pagkainis ko tapos ngayon nagtatanong ako.

" Well, Nicole is our friend. Groupmate namin siya ni Aeious nung college. Mula yata first year hanggang sa last year namin sa Architecture ka-group namin sya. Kasama rin sya sa nagtayo nung fans club ko sa University, sila ni Keithlin. Pare-pareho din kaming member ng student's council. She's a good friend to us. Sobrang close siya sa aming lahat dati. Kaya kung may nagawa man sya kagabi, hindi naman niya siguro sinasadya, lasing lang siya at isa pa may boyfriend na yung tao kaya wag ka ng magselos. "

" Hindi ah. Bakit ako magseselos? Ayaw ko lang yung may basta na lang humahalik sayo. "

" Huwag ka ng mainis. Lasing lang kasi yon. Baka nga nakalimutan na niya yon ngayon. Mabait naman si Nicole. Hindi naman makakasundo ni Aeious yon kung hindi. Makakasundo mo rin yon kapag nag-stay na sila dito. Okay na baby? "

Tumango na lang ako. Pero iniisip ko pa rin yung mga sinabi niya. Makakasundo ko nga kaya si Nicole? Kahit pa sinabi ni Gelo na mabait siya, parang iba ang pakiramdam ko. Hindi maganda ang kutob ko. Sana nagkakamali lang ako.

Sana nga.

avataravatar