1 BAON KO ANG IYONG PAG-IBIG

Taong 2011 ng mangyari ito sa dalawang magkasintahan na sina Lydia at Carlo ng papaghiwalayin sila ng kamatayan.

Sobrang sakit subalit iyon ang itinadhana sa kanila na matapos silang magmahalan ng wagas ay nauwi lang sa kirot ng puso na mararamdaman.

Ganito ang naging kasaysayan ni Lydia ng umibig siya kay Carlo.

Mula pagkabata ay sila ang laging magkasama, magkalaro. Minsan magkagalit tapos bati uli na madalas masumpungan sa mga musmos na tulad nila.

Nagkasundo silang dalawa na walang iwanan, nagsumpaan sila. So they crossed their little fingers to make their promise binding to each other.

Nakatutuwa na sa dalawang musmos na tulad nila ay kakitaan na ng pagtitiwala sa isa't isa. Subalit ang dalawa ay pinaglayo ng kapalaran dahil lumipat ng tirahan ang pamilya ni Carlo.

Sampung taon ang matuling lumipas subalit hindi pa rin nawawala sa isipan ni Lydia si Carlo.

"Kumusta na kaya siya? Iniisip din kaya niya ako?" ang madalas na itanong sa sarili ni Lydia.

Hindi inaasahan ni Lydia ay dumalaw si Carlo sa lugar na kanyang kinalakihan, nagpunta sa mga naging kaibigan niya.

Nang malaman ni Lydia na dumating si Carlo ay kaagad niyang pinuntahan ito subalit hindi sila nagkita dahil umalis si Carlo kasama ng mga kaibigan niya.

Umuwi si Lydia na bigo na makita ang long time friend na si Carlo. Ipinasya niya na bumalik na lang kinabukasan.

"Makilala pa kaya niya ako kahit sampung taon na ang lumipas? Pero bakit hindi niya ako pinuntahan sa amin?" mga katanungan ni Lydia sa sarili na naghahanap ng kasagutan.

Malungkot si Lydia dahil buong araw na hindi niya nakita si Carlo mula ng dumating ito.

Kinabukasan gusto sanang pumunta uli ni Lydia kay Carlo subalit naunahan siya ng hiya sa sarili kaya hindi siya natuloy. Inasam na lang niya na sana puntahan siya ni Carlo. Subalit gabi na. Nawalan na siya ng pag-asa na magkita sila.

Matutulog na sana siya ng may kumatok sa pintuan nila at ng buksan niya ay si Carlo. Hindi niya kaagad namukhaan ito subalit sa pakiramdam niya ay si Carlo ito.

At ganoon nga muli silang nagkita sa matagal na panahon na kanyang ipinaghintay.

Sabik man sa isa't isa ay hindi nila ito ipinamalas dahil siguro sa nagkakahiyaan pa sila o dahil siguro na ng magkahiwalay sila ay mga musmos pa sila.

"Kumusta ka na Lydia? Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga bata pa? Siguro pareho pa tayong anim na taong gulang pa noon at ngayon malalaki na tayo" ang bungad na sabi ni Carlo.

"Siyempre hindi ko nakakalimutan iyon at hindi ko rin nalilimutan ang naging sumpaan natin noon na walang iwanan, hindi ba?" ang madamdaming sagot ni Lydia.

"Oo, at ganoon din ako Lydia hindi ko nakakalimutan ang sumpaan natin noon kahit nalayo ako sa iyo ng matagal na panahon. Lagi ko nga naitatanong sa aking sarili na kumusta na kaya ikaw" ang sabi ni Carlo.

"Laging sumasagi sa isipan ko ang ating kamusmusan at habang tumatagal unti unti akong nawawalan ng pag-asa na magkita pa tayo Carlo, subalit eto ka ngayon at hindi pa rin ako makapaniwala kung ito ay totoo o isang panaginip lamang.

Hinawakan ni Carlo ang dalawang kamay ni Lydia.

"Hindi ito isang panaginip lamang Lydia. Tandaan mo tayo paring dalawa walang iwanan. Lydia pwede ba tayong mamasyal bukas?" ang yaya ni Carlo.

"Sige mamasyal tayo at marami kang ikukuwento sa akin" ang nakatawang sabi ni Lydia.

Namasyal nga ang dalawa at unti unti muling nagbalik ang dating noon na masaya silang nagkukuwentuhan. Muli nilang pinagduksong ang kabanata ng kanilang pagmamahalan.

Subalit muli silang magkakahiwalay dahil uuwi na si Carlo sa kanila na hindi na naman nila alam kung kailan sila magkikitang muli.

"Lydia uuwi na ako sa makalawa subalit muli akong babalik para sa iyo" ang paalam ni Carlo na bakas ang kalungkutan sa kanyang sarili.

Matagal bago nakasagot si Lydia dahil alam niya maghihintay na naman siya at hindi niya alam kung gaano katagal na muli silang magkikita.

"Sige Carlo, ingat ka na lang..maghihintay ako" ang naitugon na lamang ni Lydia.

"Wala ba akong pabaon na kiss?" ang malambing na wika ni Carlo.

At hinalikan ni Lydia si Carlo sa pisngi.

Mula noon nawalan uli si Lydia ng balita kay Carlo. Hanggang isang araw ay dumating ang kapatid ni Carlo sa kanila at sinabi na si Carlo ay nasa ospital at gusto siyang makausap.

Kaagad siyang sumama sa kapatid ni Carlo at sa ospital ay nalaman niya na may sakit si Carlo ng malubha at may taning na ang buhay nito.

Parang pinagsakluban si Lydia ng langit at lupa sa kanyang nalaman at hindi niya napigilan ang lumuha ng makita si Carlo.

"Carlo bakit hindi mo ipinaalam sa akin?" ang naiiyak na tanong ni Lydia.

"Pasensya ka na Lydia ayoko na magalala ka pa tungkol sa kalagayan ko"

"Carlo bakit nangyari ito sa atin?" tanong ni Lydia na punong puno ng lungkot sa sarili niya.

"Ito ang ating kapalararan. Ito ang itinakda sa atin. Subalit tandaan mo kahit maiksi lang ang ating naging pagkikita, ang pagmamahalan natin at ang pagibig mo ay babaunin ko hanggang sa kabilang buhay" ang nahihirapang wika ni Carlo.

Hindi napigilan ni Lydia ang sarili. Umiyak siya ng umiyak dahil hindi na niya makakapiling si Carlo ng matagal.

Dahil hindi matagalan ni Lydia na makita si Carlo sa ganoong kalagayan ay nagpaalam na ito at muli siyang babalik kapag maayos na ang kanyang pakiramdam at matanggap sa sarili ang magiging wakas ng kanilang pagmamahalan ni Carlo.

Nang nagaabang na si Lydia ng masasakyan ay humabol ang kapatid ni Carlo at sinabi na namayapa na ito.

Sa narinig ni Lydia ay para siyang naging tuod na hindi makakilos.

At ngayon niya napagtanto na kaya pala siya gustong makausap ni Carlo ay dahil magpapaalam na si Carlo sa kanya.

Parang wala sa sarili na bumalik uli siya kay Carlo at ng makita niya na isa isang inaalis ang mga aparato na nakakabit dito ay hindi napigilan ang sarili. Humarap siya sa dingding ng kwarto at sa dalawang palad niya ay umiyak siya ng umiyak.

Nakadama si Lydia ng malabis na kalungkutan sa pagpanaw ni Carlo. Masakit isipin na hindi na niya makikitang nakangiti at masaya si Carlo habang silang dalawa ay nagkukuwentuhan.

Ang kasaysayang ito ng pagibig ni Lydia ay sana nakapagbigay ng inspirasyon sa mga nakabasa. Ang ginawa niyang paghihintay ay hindi biro. Naghintay siya ng matagal sa muling pagbabalik ni Carlo subalit ng sila ay muling magkita ay sa sitwasyon pa na nakalulungkot....END

avataravatar