webnovel

CHAPTER 1

Dana's POV

"Hoy!! may pinaiyak ka nanaman, ano?" Malakas na saad ni Chia or more like isinigaw niya.

Sanay na ako, ganyan naman talaga ang boses ng babaeng yan. Nakalunok yan ng mikropono ehh.

Nandito ako sa may sari-sari store ni aling bilbil, bibili ng bilbil niya. Bibili talaga ako ng nova dahil dito mura at nagtitipid ako para may pambili ako ng Gin.

"May pera ka?" Tanong ko kay Chia, isinawalang bahala ang tanong niya.

"Wala yang pera." Saad ni Justin na inunahan na sa pagsasalita si Chia.

"Ikaw kinakausap ha? Ikaw?"

Pinabayaan ko na lang sila at tinuloy na ang pagbili ng Nova.

"Ba't ka nagtatanong kung may pera 'yon?"

"Pambili ng Gin." Sagot ko kay Karl na nagtanong sabay ngiti ng malapad.

Napa-iling na lang siya at hinatak na ako sa isang bilihan ng mga beer, wine, at kung ano ano pang alcoholic beverages matapos kong makuha ang nova ko.

Grade seven.

Grade seven ako natutong uminom dahil sa pagiging curious ko. Noong una kong sinubukan ay San Mig ang mayroon, kasama ko pa si Shanelle na game naman dahil curios din daw siya. Ang dinahilan pa namin sa tindera ay pinabili lang kami ng tito naming lasinggero.

"Anong gagawin niyo sa San Mig? Bawal kami magbenta nito sa minor." Ani ng tindera.

"Hindi po kami iinom niyan, yung tito po namin. Pinabili lang po kami." Saad ni Shanelle.

Naniwala naman si ateng tindera kaya pinagbilhan niya kami. Pagdating sa bahay nila Julia kung saan nagluluto sila ni Chia ng pancit canton habang nasa may terrace naman sa taas sila Celine ay napagalitan pa kami. Pero sa huli uminom rin naman kaming lahat, yun nga lang ay tikim tikim lang. Ang naka-ubos ng dalawang bote ng San Mig na binili namin ni Shanelle ay ako, si Shanelle, Misha, at Chia.

Grade eight.

Nalaman ng boys ang pag-inom namin. Ayaw kasi talaga naming ipaalam sa kanila kaso nga lang ay nalaman rin ni Justin noong grade seven dahil lagi namin siyang kasama ni Chia.

Ayaw namin na ipaalam sa boys dahil baka pagalitan nila kami. Buti na lang ay pinagsabihan lang nila kami ng malaman nila. Ang LT pa nga dahil game na game si David at gusto pang bumili ng kung ano-anong wine daw, nakaltukan tuloy siya ni Kurth.

Ang dahilan?

Dahil daw nag-aaya siya mag inom pero wala naman siyang pera.

Grade nine.

Hindi talaga kami nag-iinom. Kapag nagkaayaan lang saka sila sumisige. Hindi rin lahat sila game dahil daw minor pa lang kami.

Ang mga game na game?

Si Chiate, Karl, Justin, Misha, Earl, at ako lang. Minsan ay hindi pa sumasama sa paginom si Mish. Kasama naman namin sila pagnagiinom pero hindi sila tumitikim.

Grade ten.

Ganoon pa rin naman pero ang pinagka-iba lang ay nalagay kami sa mala-Fernando Poe na buhay.

Ako, si Justin, Chia, Naomie, Ryle, Kyle at Karl.

Grade eleven.

Medyo may kaunting di pagkaka-intindihan na nangyari sa amin.

Umalis si Misha pagdating 3rd semester.

Grade twelve.

Kulang kami dahil hindi pa umuuwi si Misha. Positive naman ako na uuwi rin si Misha.

1st year high school.

Nagkahiwa-hiwalay kami dahil iba-iba na ang course namin syempre.

The wind suddenly blew my bangs, making me laugh because I just reminisce my high school, 1st year college days with them... with my friends and bestfriend.

I miss those days. Those days na wala pa ako sa ganitong sitwasyon. Na hindi pa nanganganib ang buhay ko sa bawat paggising ko araw-araw.

The wind blew my hair again. Making me remember what I have to do in this fucking Island.

I'm here in Amanpulo, doing a fucking mission in exchange for money.

Dahil sa pagkabagot ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad lakad.

Minsan napapa-isip ako, dapat ba ay magpasalamat ako kay tito Railey na papa ni Ryle o dapat ay hindi ko na lang siya galangin kahit pa kagalang-galang siya.

Gusto ko naman kasi dito sa Amanpulo kaso lang ay gusto kong isama si Naomie at Chia, ang kaso ay ako lang pinapunta mag-isa dito ni tito Railey habang binibigyan naman niya ng ibang mission si Naomie at Chia.

Being a fucking agent is some what nice but at the same time nakakatakot, hindi ko kasi alam kung makakabalik pa ba ako sa condo naming tatlo pagkatapos ng mga mission na ginagawa namin. Kung bukas ay safe pa ba ang buhay namin o tinutugis na kami ng mga nakakalaban namin.

But I have no choice, ito lang ang trabaho na mabilis kong nakuha dahil kay Ryle at kailangang kailangan ko na talaga ng pera noong mga panahong 'yon, hanggang ngayon naman e.

Nang makita ang lalaking may tattoo ng itim na aso ay mabilis ko itong sinundan. Bawat hakbang ko ay siguradong walang tunog kaya naman alam ko rin na hindi niya ako nararamdaman. Pero mukhang nagkamali ako dahil tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa gawi ko.

"Wala naman pala."

Rinig kong sambit niya ng walang makita na tao sa likod niya.

Mabilis kasi akong naka-akyat sa isang puno kaya hindi niya ako nakita. Mula sa kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko pa rin siya dahil malinaw naman ang mata ko. Kita ko pa rin ang mga galaw niya, ang pagliko niya sa isang cabin patungo sa isa at pumasok doon na hindi man lang tinitignan kung may nakasunod ba sa kanya.

Ngayon, ano ng gagawin ko?

Bakit kasi ako pumunta dito ng walang ka-plano plano?

Mabilis akong bumalik sa cabin ko at binasa ng pa-ulit ulit ang mission ko.

MISSION:

GET ALL THE DRUGS THAT THE DOG KEEPERS HAVE AND BEAT THEM DOWN.

KEEP SAFE, AGENT!

So, iyon pala ang pangalan ng grupo nila.

Dog Keepers.

Madali lang pala ang magiging mission ko.

Agad akong lumabas ng cabin at tinext si Ryle habang nagpa-pahangin.

Me:

Ryle, dalhan mo ako ng fitted backless red dress na hanggang gitna lang ng hita ko.

Nag-reply naman ito agad kaya hindi na ako matagal naghintay.

Ryle:

Para sa mission?

Me:

Saan pa ba? At red high heels na rin na katabi ng green heels ni Chia, lamat.

Hindi rin nagtagal ay may umalingawngaw na rin na tunog ng helicopter na papalapit. Nang lumapag iyon ay agad kong nakita ang paglabas ni Ryle at kasunod niya si Karl.

"Ito na po ang damit niyo, kamahalan!"

Sigaw ni Ryle para marinig ko ang boses niya sa kabila ng maingay na tunog na nanggagaling sa helicopter. Sigaw rin ang naging pasasalamat ko sa kanya para marinig niya.

"Thank you!"

"Sige, una na ko!"

Tinanguan ko na lang si Ryle at hindi na nagsalita. Nang maka-alis ang helicopter at mawala na ang maingay nitong tunog ay bumalik na ako sa cabin na tinutuluyan ko.

"Wala ka bang ibang pagkain dito bukod sa pancit canton at noodles?"

Napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa may kusina. Maniniwala na sana ako sa multo kung hindi ko pa natunugan ang boses niya.

"Oy anong ginagawa mo dito? Akala ko naka-alis ka na kasama ni Ryle."

"Ahh sige alis na ko."

Lumabas nga ito ng cabin ko pero hindi ko naman sinundan. Bahala siya, babalik rin naman iyan in 3... 2... 1...

"Hindi mo talaga ako susundan at sususyuin?"

"Hindi."

Napa-iling iling na lang ito at prenteng umupo sa sofa na nandito sa cabin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya matapos kumuha ng beer sa ref. Binigay ko sa kanya ang isa at tumabi sa kanya sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya.

"Sinasamahan ka, hindi ba obvious?"

"Hindi."

Sagot ko na lang dito at sinimulan ng inumin ang beer na hawak ko.

Habang siya, humilig rin sa ulo ko na nasa balikat niya at ipinatong ang kanang kamay niya sa hita ko.

In a snap, I just found myself in one of the bars here in Amanpulo.

Tumakas lang ako kay Karl at naging madali naman 'yon dahil nakatulog siya sa sobrang pagod. Galing pala siya sa mission niya at pagkatapos ay sumama kay Ryle papunta dito.

Paniguradong sasama ang timpla ni Karl pag nalaman niya ang suot ko ngayon. Hindi naman niya ako pinagbabawalan sa mga ganito, sinasamahan pa nga niya ako. Minsan lang ay sumasama talaga timpla niya dahil sa kakulitan ko.

"Hi beautiful."

Tatarayan ko sana ang lalaking lumapit aakin ng nakita ko ang itim na asong tattoo niya.

The Dog Keepers.

I see. Kaya naman nginitian ko ito ng pagkatamis tamis at inanyayahan na umupo sa tabi ko.

"Want to have some fun with me?"

Malambing na tanong ko dito na ikinangiti niya ng pang-manyak.

"Sure, lady." Sagot nito at umupo na sa tabi ko.

Inilagay pa nito ang kamay niya sa likod ko na walang saplot dahil naka-backless ako.

Sinimulan ko na siyang alukin ng mga inumin at habang nilalagok niya ang isa aynilagyan ko naman ng bug ang inumin na sunod kong ibibigay sa kaniya.

Tignan natin kung hanggang saan ang alcohol tolerance niya.

"Si Dana ang may pinaka-mataas na alcohol tolerance satin."

Nag-echo sa isip ko ang sinabi na iyon noon ni Justin. Sana lang ay hanggang ngayon ganoon pa rin ako kalakas.

Matagal tagal na rin akong hindi nakakainom. Nagtitipid kasi ako. Pero ngayon at nandito na sa harapan ko ang mga inumin na gusto kong inumin, tatanggihan ko pa ba ito?

Nang mainom na ng lalaking kausap ko ang inumin na nilagyan ko ng bug ay nagsimula na rin akong uminom ng beer.

Tignan natin kung sino ang unang tutumba.

———