webnovel

2 Entrance Exam Part 1

Maagang nagising si Aille dahil sa sobrang excitement. Alas otso magsisimula ang entrance exam mamaya kaya hindi na siya makapaghintay pa.

"Ate, magandang umaga" bati nang kanyang nakakabatang kapatid na si Zera. Pero hindi talaga sila magkapatid sa dugo.

"Magandang umaga din, Zera" bati naman niya pabalik.

"Alas otso pa yung entrance exam ate di ba? " tanong ni Zera.

Tumango naman si Aille.

"Ano bang dadalhin mo doon ate? "

"Hmm.. Yung espada ni Mama. Yun lang"

"Ganoon ba ate? "

"Oo. Sige, maliligo pa ako eh"

"Sige ate"

Matapos maligo ni Aille, nagising naman ang kanilang Lola.

"Magandang umaga po Lola" bati ni Aille sa Lola niya at hinalikan pa ito sa pisngi.

"Magandang umaga din apo. Oh siya, kumain kana para marami ang lakas mo mamaya" aniya naman nang kanyang Lola.

Matapos mag-umagahan, ay napagpasyahan na niyang umalis na dahil talagang malayo sa village nila ang royal capital na kung saan nakatayo ang akademya.

"Sige po Lola! Zera! Aalis na po ako! " paalam ni Aille at aakmang aalis na sana nang pinigilan siya nang kanyang Lola.

"Teka lang apo. Heto. Kunin mo ito" aniya nang kaniyang Lola at may ibinigay itong kwentas.

Isang shield na kulay gray ang paligid at ang nasa gitna nito ay kulay green.

"Ano po to Lola? " taka niyang tanong.

"Iyan ang galing sa Mama mo. Sinabi niya sa'kin na ibigay ko raw ito sa'yo kapag susubok ka na sa entrance exam"

Napanganga naman siya. Ngayon ay dalawang galing sa kaniyang ina ang nasa kanya at yun ay ang espada at isang kwentas.

"Salamat Lola! " masaya niyang sabi at niyakap ang kaniyang Lola.

"Walang anuman. Mag-iingat ka ha? "

"Opo La"

Napatingin naman siya kay Zera.

"Ikaw Zera, bantayan mo yang si Lola ha? " tumango naman si Zera.

"Babye na La, Zera" paalam niya ulit bago umalis sa bayan niya.

7:28 a.m na nang makarating si Aille sa royal capital at sobra ang pagkamangha niya.

Maraming tao ang nandoon. Hindi kagaya nang kanilang bayan na maliit lamang ang populasyon.

Hindi na nag-aksaya si Aille nang oras at nagpatuloy na. Nagtanong-tanong naman siya sa mga tao roon hanggang sa nakarating na nga siya sa kanyang pinapangarap na akademya.

"ENTRANCE EXAM WILL START IN 30 MINUTES AGAIN, ENTRANCE EXAM WILL START IN 30 MINUTES. PLEASE GATHER AT THE OPEN FIELD" isang boses lalaki.

Agad na pumasok si Aille sa loob nang akademya at pumunta sa open field kong saan gaganapin ang entrance exam.

Pagkarating niya doon, marami na ang nandoon. At mukhang malalakas.

Pagkatapos nang tatlumpong minuto, sa wakas ay nagsimula na rin ang pinaka-inasam-asam nang mga kabataan.

"GOOD MORNING EVERYONE. TODAY, WE WILL START OUR ENTRANCE EXAM. I WILL EXPLAIN TO YOU THE OBSTACLE. FIRST, TEACHER KAKI WILL CREATE AN ILLUSION FIELD. ALL YOU HAVE TO DO IS TO SCORE 1,500 ABOVE. 1,500 BELOW WELL BE DISQUALIFIED. YOU ONLY HAVE 30 MINUTES FOR THIS. HERE ARE YOUR TARGETS. GOLEMS WITH WHITE COLOR IS 20 POINTS. GOLEMS WITH BLACK COLOR IS 25 POINTS AND GOLEMS WITH RED COLOR IS 40 POINTS. FOR THE SECOND OBSTACLE, I'LL EXPLAIN IT LATER. EVERYONE, BE READY"

A light suddenly appears above them and covered the whole open field.

"30 MINUTES WILL START..... NOW"

Nagsimula nang pumunta sa kagubatan ang iba habang si Aille naman ay nagko-concentrate.

Gamit niya ngayon ang espada nang kanyang ina. Nakatutok ito sa kagubatan habang si Aille naman ay nakapikit ang mata. Humuhugot nang hininga.

Nang maramdaman na niya ang kapangyarihang dumadaloy sa espada niya, nagsimula na rin siya.

Dalawamput-limang minuto na ang nakalipas at 890 pa ang score ni Aille.

Habang naghahanap nang golems si Aille, may narinig naman siyang iyak sa di kalayuan kaya't nilapitan niya ang pinanggalingan nang boses. At doon, nakita niya ang isang batang umiiyak. Maganda ang kasuotan. Paniguradong isa iyong royalty.

"Hoy bata... Anong ginagawa mo dito? " tanong ko dun sa bata pero iyak lang siya nang iyak.

'Anong gagawin ko dito? ' tanong niya sa sarili.

"Halika dito bata. Sumama ka na sa'kin at baka kong ano ang mangyari sa'yo" sabi niya doon sa bata.

Tumango naman ang bata at lumapit sa kanya.

"Ano bang pangalan mo? " tanong niya.

"Mika... "

"Mika... Dito ka lang sa tabi ko okay? "

Tumango naman si Mika kaya't nagpatuloy na si Aille sa entrance exam.

Isang minuto nalang at 1,470 points palang ang score niya. Kailangan pa niya nang 30 minutes.

At bigla namang may lumabas na isang golem. Kulay pula iyon kaya't napangit naman si Aille. Tumingin siya kay Mika.

"Mika, dito ka lang muna ha? " aniya niya sa bata at tumango naman ang bata.

Hinarap na niya ang golem. Bigla naman iyong umatake kaya agad siyang napa-atras. Dahil sa malaki iyon, mabagal ang galaa nito kaya't tumakbo siya sa pamamagitan nang kamay nito at hiniwa ang ulo pero hindi ito nahiwa.

Kumunot naman ang noo niyaI'm M

'Bakit hindi nahiwa? '

Muling umatake si Aille pero hindi pa rin niya iyon nahiwa. Pero sa pangatlong atake niya, may napansin siyang gem sa bandang dibdib niya kaya sa pang-apat niyang atake ay doon siya umatake.

Bigla namang nabasag ang gem at naghiwa-hiwalay ang katawan nang golem sabay laho.

Bigla siyang nagtaka dahil sa paglaho nito. Hindi kasi naglalaho ang golem. Hindi na niya iyon pinansin at tumungo sa bata.

"Okay ka lang ba Mika? " tanong niya sa batang nakatulala. "Mika? Mika—"

"Hindi iyon isang ordinaryong golem... " aniya.

"Ha? "

Bigla namang umiba ang anyo ni Mika at naging isang magandang babae..... Sana all.

Napalayo naman kaagad si Aille.

"Kailangan ko tong ipaalam sa hari.. "

"Ah ano... Sino po kayo? "

"Oh. Sorry about that. I'm Mikaki" sabay lahad nung kamay.

"Hello po. Shraille po. Aille for sure"

"Nice to meet you—oh? It's over" aniya nung Mikaki at biglang nawala ang illusion.

"Good bye Aille. See you later" nakangiting sabi ni Mikaki kay Aille. Ngumiti naman si Aille.

Bigla namang nawala si Mikaki.

"CONGRATULATIONS TO THOSE WHO PASS. AND TO THOSE WHO DON'T, BETTER LUCK NEXT YEAR" aniya nung boses kaya't napatingin si Aille sa paligid.

Marami parin sila pero hindi na ganoon karami nung una.

"YOUR NEXT OBSTACLES IS.... "