Chapter 5

'Bababa-babananana-bababa-babanananananana-babananana' ring ng cellphone ko, haay sino ba tong tumatawag na to? Kaaga aga ah..

Pilit ko naman itong inaabot sa side table ng kama ko, I answered it with out knowing the caller.

"Hello?" medyo inaantok kong sagot.

[Yaah, bradie, basketball us later? ] sagot ng nasa kabilang linya, tiningnan ko naman ang screen ng phone ko.. bahagya pa akong nasilaw dahil sa brightness nito..

"King ina Owa, hindi ba uso ang tulog sa inyo? ang aga aga pa oh, istorbo ka sa tao eah, maya na lang" inis kong sabi, bitin pa ko sa tulog, tinapos ko yung bwesit na gazette na yun para wala na kong problemahin.

[Tangna brodie 6 na, mas masarap maglaro ng umaga, kaya bumangon kana, tinawagan ko na sina Ace] paliwanag nya..

Tsk kahit ball is life, inaantok parin ako kaya pass muna.

"Ge brad, kayo na lang muna, napuyat ako kagabi eah, tinapos ko yung king inang plates ni Ma'am Casallo" sabi ko habang tumihaya ng higa, pinikit ko na rin ang mata ko.

[Ah sige brad, mamaya ko na tatapusin yung sakin] sagot naman nya.

Hindi na ko umimik at tuluyan ng natulog ulit.

------------------------- -------

Nagising ako dahil sa dalawang sunod na katok sa kwarto ko.

"Iho? masama ba ang pakiramdam mo? Manananghalian na pero hindi ka pa nakakapag-almusal" si Nang Lory, mababakas mo sa boses nya na nag-aalala sya..

Ang swerte ko talagang nilalang, Pogi na nga, andami pang nagmamahal,..

Kinapa ko naman ang cellphone ko, ng wala akong mahawakan sa table, tumingin na lang ako sa wall clock, pass 11 na pala, kaya pala medyo nagugutom na ko,..

"Ah, ok lang ako Nang Lory, kakagising ko lang po. Bababa na rin ako" sagot ko na medyo malakas para marinig nya sa labas.

"Ah sige, sabayan mo kong mananghalian ha, hindi makakauwi ang Mommy mo ipinasyal nya si Hope at ang Kuya mo ay may klase ngayon" sabi nya at narinig ko na ang mga yapak nyang papalayo.

Tumayo na ako at pumunta ng cr. Naligo na ko pagkatapos ay bumaba, dumeretso ako ng kusina.

Naabutan kong nag aayos ng lamesa si Nang Lory. Agad hinanap ng aking mata ang paborito kong ulam.

Ayon.. ginisang ampalaya, haha huy hindi ako mahilig sa bitter wah, sadyang masarap and healthy lang sya.

Pero totoo talagang walang forever, tsk.

Bigla namang pumasok sa utak ko yung papel na kita ko kahapon sa gamit ko.

Tsk! sorry na lang sa may ari dahil hindi na iyon maibabalik.

Well, kahit naman kayo ang makakita nun eah maiirita din kayo, like fuck? Uso pa ba yun?

Ang corny ha!!

"Oh, lika na. Kumain na tayo" aya sa akin ni Nang Lory. Tumango lang ako at umupo na.

Si Manang Lory ay nandito na sa amin simula bata pa ako, ang balita ko ay may dalawa itong anak na nasa probinsya mas matanda ang mga ito kesa samin ni Kuya! Tapos na rin sa pag-aaral kaya kung tutuusin ay maari ng tumigil sa pagta-trabaho itong si Nang Lory. Pero ang sabi nya ay hindi nya raw kami kayang iwan, dahil pamilya na rin ang turing nya sa amin. Kaya nga ang swerte swerte ko, hindi ko muna iisipin ang masamang nangyari sa akin kahapon.

------------------------ -------

Nang matapos na kaming kumain, umakyat na ko sa kwarto ko..

Naabutan ko ang phone ko na nagriring.

Oh? may tumatawag sakin.. Agad ko itong hinanap.

Aiish san ko ba pinatong yun??

Pinagbubuklat ko lahat ng unan ko. Nang makita ko ito , tiningnan ko ang tumatawag, si Mom. Agad ko tong sinagot .

"Yes, mom?" magalang kong sabi.

[Did you eat your lunch?] agad nyang tanong,

"Ahmm yes po, kakatapos lang." sagot ko naman sa kanya,

[Good, may lakad ka ba ngayon?] muli nyang tanong.

"Ah yeah Mom, pupunta ako kina Owa, nga pala Mom baka ma-late po ako ng uwi, is that ok?" pagpapaalam ko sa kanya.

Alam ko naman na papayagan nya ako kahit hindi ako magsabi, but it's better na magpapaalam ka parin. Hindi nyo alam yung feeling ng isang magulang na super mag alala dahil hindi nya alam kung nasan ang anak nya?? So dapat nagpapaalam tayo.

[Ok take care son, bye] she said and ended our call.

Kinuha ko lang ang wallet at susi ng motor ko.

Habang naglalakad pababa ng hagdan tinawagan ko si Owa, kaibigan kong playboy na mukang unggoy, literal na unggoy, hahaha basta mahabang kwento. Minsan kasi sinabi nyang naging unggoy daw sya sa past life nya, tas nagising sya isang umaga na may tumubo ng buntot sa kanya. Haha weird diba, napakababaero kasi kaya kinakarma. King ina pinakulam na ata sya ng mga pinaglaruan nyang babae, .

Nakatatlong ring bago nya sagutin.

[Yes brodie babe?] malambing na sagot nya habang nagboboses babae.

King ina laki talaga ng sapak nito sa ulo.

"Ulol babe mo muka mo, nau-unggoy ka na naman" sagot ko sa kanya.

[Tsk, lahat tayo nagmula sa unggoy kaya wag kang ano dyan] hala nagseryoso na.. haha

"Baliw, brad theory lang yun ni Ninong Charles Darwin, pero ang totoo nilikha tayo ng Diyos at sa kanya tayo nagmula" medyo nangingiti kong sagot sa kanya, hahaha

[Namo ka Herby, oo na] hahaha naasar na ata to.

"Pupunta ako dyan" sabi ko, hindi ko na sya hinintay pang sumagot at pinatayan ko na.. pang asar lalo..

Nagpaalam lang ako kay Nang Lory at umalis na.

-------------------------- ------

Pagkarating ko sa bahay nina Owa, pinark ko lang ang motor ko sa labas ng gate nila at dire-diretsong pumasok. N

andito na rin yung dalawa ko pang kaibigan.

Naabutan ko naman silang nanunuod ng ?

Ng? king ina ..

PORN BA YUN?

Takte ang manyak talaga ng mga to, at talagang tutok na tutok tong lintek na Owa na to, tsk nadamay pa tong si Kenn.

Hinanap ng mata ko si Ace, ayun libro na naman ang katitigan, buti pa ang isang to matin---??

Ayy binabawi ko na pala, takte kasi yung title ng librong binabasa nya ay tungkol din sa sex.. tangna napapalibutan ako ng mga manyakis na tao..

"Ehem" tawag ko sa atensyon nila.

Hutaaa kahit isa wala man lang tumingin sakin,

"HOOOY MGA MANIAC CAN YOU PLEASE STOP, AND TURN THAT OFF? NAKAKADIRI KAYO" sigaw ko sa kanila, at sabay sabay naman silang lumingon sakin na naglalakihan ang mga mata..

Potaaa kaibigan ko ba itong mga 'to??

"Brad, we're boys" sabay sabay pa nilang sabi, nyeta boys nyo mukha nyo, buti nananatili pa akong matino..

Pinatay naman ni Kenn yung pinapanood nila at umupo sa sahig para ipagpatuloy ang ginagawa nyang gazette ganun din si Ace, si Owa naman, pumasok sa kusina nila, kukuha ata ng meryenda.

Aba dapat lang, magagalit si Tita Jane pag ginutom nya ko Mommy nya yun at bff sila ng Mom ko simula high school till now..

Bumalik ito na may dala dalang isang bowl ng fries, malamig na ito, siguro kanina pa niluto.

Gumagawa sila ng gazette samantalang pirmi akong nakahiga sa mahabang sofa, scroll up and down lang sa facebook ang ginagawa ko, maya maya pa, may nag pop na message sakin..

Tsk from one of the bitch in our block.

'Hey, babe want to come in my place tonight' message nya..

Tangna ang landi talaga.

Ayaw ko sa lahat sa mga tulad nito.

I just ignored her message, and delete it. Hindi ako nag e-entertain ng mga ganun.

Nag-out na lang ako at pinanood sila sa ginagawa nila..

avataravatar