Chapter 4

"Althea anak, wait up" habol na sigaw ni Tito Andrei kay Nerd.

Althea pala name nya.. owwkii..

It seems na hindi rin sya payag sa kasalang ito, hayst buti naman.

"Tsk, why you didn't tell me earlier ha? Dad, Mom? tsk. Susundan ko sya" medyo inis na sabi ni Adrian kay tito at tita, bumaling naman ito kay Mom.

"Mauna na po ako Tita Veronica, susundan ko lang po si Althea" magalang na sabi nya kay Mom, lumingon naman sya sakin, tumango na lang ako at tuluyan na syang umalis.

"Ah mauna na rin po ako, marami pa po akong plates na kailangang tapusin" basag ko sa katahimikan.

Tumayo na ko at tumango na lang sa kanila.

Tuloy tuloy ang lakad ko hanggang sa makalabas ng gate nila.

Lutang akong pumara ng taxi, hanggang ngayon hindi parin ako naniniwala sa mga narinig ko..

Maaring prank lang 'to, o talagang pinagtitripan lang nila ako.. tsk lagi na lang.

'With my son iha, with HERBY. You will marry him', takte umulit ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Mom.. Aiishh

------------------------------------

Nang makarating ako sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto.

Naligo ako ulit, pagkatapos ay nagsimula ng mag shade ng Gazette plates ko.. pasakitan na naman to ng kamay.

Hayst ang pangit talaga ng araw ko, yung ang dami dami ng plates na hinahabol ko tas idinagdag pa yung kasal kasal na yan..

Pero bakit nga ba?

Alam ni Mom?

At alam din ni Kuya, kaya pla ganun na lang mga pinagsasabi nya .

Nakuu naman!!

Hanggang ngayon ba uso pa rin yang mga arrange marriage na yan??

Pero bakit ako? bata pa ko, diba dapat si Kuya na lang.

"Potaaa" sambit ko nung lumagpas ang ink sa isang letter ng gazette ko..

Aiisshh badtrip nadumihan pa..

Tiningnan ko ang hawak kong ballpen.. takteee 0.5 pala ito kaya mabilis kumalat, nakakaasar naman sa sobrang pag iisip dun sa sinabi nilang yun, muntik ko pang masira tong lintek na gazette na to, na halos ilang araw ko ng pinagpupuyatan.

Itinigil ko muna ang pagshi-shade ng may marinig akong tunog ng sasakyan sa baba, nakauwi na ata sila.

Tumingin ako sa wall clock nasa tapat ng flat screen tv.

Oh? 3:09 pm.. almost 2 hours na pala akong gumagawa dito, pero hindi ako makapag-focus king ina ang dami kong naiisip..

---------------------

Bumaba ako para kumuha ng meryenda nakaramdam kasi ako ng gutom, at tsaka hindi ako makapag fucos baka masira ko lang ang Gazette ko at umulit ako sa umpisa.

Naabutan ko si Hope na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro.. book lover talaga tong batang 'to, ni hindi manlang naramdaman presensya ko..

Dumeretso na lang ako sa kusina at nandun si Manang Lory, nagluluto ng---

Hmmmmm!! ang bango naman nun.. nakakagutom lalo.

"Nang Lory pancake ba yan?" tanong ko habang sinisilip kung may luto na ba.

Hehehe kakain na lang ako kesa ma-stress

"Ah, oo iho, lika may luto na ko dito" sagot nya habang kumukuha ng platito at pinaglagyan ako.

Agad ko naman itong kinuha at lumapit sa ref. para kumuha ng ready to drink juice..

"Sige, Nang Lory akyat na po ako" sabi ko habang dala dala ang meryenda ko, umakyat na ko sa kwarto..

Binuksan ko ang TV para manonood ng Tom and Jerry..

Oh bakit??

Hindi porket gwapong lalaki ako, eah hindi na ko pwedeng manood ng Tom and Jerry..

Tsk favorite cartoon ko yan, and its one of my stress reliever.

Nai-stress ako sa mga nangyayari..

Tawang-tawa ako kay Tom kasi lagi na lang syang naiisahan ni Jerry, ito ang nagpapatunay na huwag nyong masyadong minamaliit ang mga maliliit kasi kung minsan sila pa yung nagwawagi sa huli..

"Nak ng, WAHAHAHAHA ang changa mo Chom, Nyahahahaha" todo tawa ko habang nginunguya ang huling subo ng pancake na dala ko.

"Son? can I come in?" si Mom habang kumakatok sa kwarto ko.

Inabot ko naman ang remote at pinatay ang Tv, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa pinto para pagbuksan ito.

"What do you need Mom?" seryosong tanong ko kay Mom, kasi pumasok ulit sa isip ko yung nangyari kanina.

"Can I talk with you?" mahinahon na tanong nya..

Tumango lang ako at nilawakan ang bukas ng pinto, pumasok naman sya at deretsong umupo sa harap ng study table ko..

Habang ako naman ay lumapit sa mga materials ko na ginagamit ko kanina para sa gazette inayos ko muna iyon at inilagay sa mesa.

"Yung about sa kanina" umpisa ni Mom, nilingon ko naman sya,

Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa mukha ko.. Ito ang pinaka ayaw nya sa akin, nagmumukha daw akong cold guy, mas pipiliin pa raw nya ang pagiging childish ko at maingay kesa rito.

"Son please, do this for us. Marry her to save our company." malumanay na pakiusap ni Mom habang hinahawakan ang dalawa kong braso..

The fuucckkk??

Seryoso talaga sila, tangna ayoko pang matalii at takte lang dun pa sa nakakadiring nerd na yun.. hayyst

"Pero mom bata pa ko, hindi pa nga ako graduate sa bachelor ko oh, at tsaka bakit ako? Why not kuya Harry?" medyo naiirita kong tanong, pano ba naman kasi bakit kailangan pang ako? eah may kuya naman ako..

"No son, ikaw ang gusto ng pamilya Dizon. At tsaka what's the problem with Althea? she's pretty" malumanay parin na paliwanag ni mom..

And whaaaat?? Pretty??

Seriously? Pretty ang tingin nya dun sa babaeng yun? May makapal na salamin sa mata, naka brace na ngipin at tsaka ang pananamit like ewww.. Mas mukha pa akong babae kesa sa kanya kung manamit.

"Marry her to save our company'"

COMPANY?

BAKIT?

KELAN PA?

Anong nangyari?

Nalilito ako, hindi ko alam kung ano ang una kong itatanong. Natahimik ako ng ilang minuto bago nag-umpisang magtanong.

"Kelan pa Mom?" tanong ko sa kanya,

"Ha? A-alin ang kelan pa?" balik tanong nya sakin..

"Tsk, kelan pa nalulugi ang kompanya? bakit? paanong nangyari??" sunod sunod kong tanong sa kanya, napayuko na lang sya..

Haayysst so they plan this shit ng wala akong kaalam alam..

"Sorry, Son. Bigla nalang bumaba ang sales ng company, at ang company budget ay lumiit narin, kaya hindi tayo makapag-produce ng mga materials para tumaas muli ang sales natin" paliwanag ni Mom.

Muling sumakit ang ulo ko.. napapikit nalang ako..

Bakit ako ang kailangang magsakripisyo??

"At inalok ako ng tulong ng family Dizon, tutal ninong mo naman si Andrie, I accept it, not knowing na may kapalit pala.. Im so sorry son, but you need to marry her" pagpapatuloy ni Mom, maging sa kanya ay labag rin ito..

Umiiyak sya.. hayst

"Shhh Mom dont cry", pag aamo ko sa kanya habang yakap yakap.. bahagya pa itong humihikbi.

Wala na bang ibang paraan?

Shiiittt ayoko pang magpakasal..

Pero ano pa nga ba magagawa ko? Wala akong alam sa field ng pagne-negosyo, bakit kasi kailangan pang umabot hanggang dito?

Hindi ko makakayang makita na unti unting bumabagsak ang negosyong pinaghirapan ni Dad nung nabubuhay pa ito..

Nakasalalay din dito ang kinabukasan naming magkakapatid, hindi ko ma-imagine ang buhay namin kung babagsak na lang ito.

Kaya ko namnag magtiis pero ang makitang nahihirapan si Mom at Hope ay hindi ko maatim.

I need to talk to her.u

Uggh..!! fuck this life.

I need to fucking sacrifice my own sake for our company's sake..

avataravatar
Next chapter